ILY, JC! C 47
A/N:
Thank you sa lahat ng nag-VOTE at COMMENT! Share this story sa iba. Maraming salamat po sa lahat!
_____________________________
Chapter 47 AGAIN
Pagdating sa coffee shop ay pinapakinggan lang ni Tope ang mga kwento ni Kwini. Kinukwento kasi ng dalaga ang buhay stewardess nila. Nagulat si Tope ng mapatingin sa mesang hindi kalayuan.
"Ria??" Napalingon si Kwini sa direction tinatanaw ng binata.
'Akala ko ba nasa Thailand daw siya?' Naisip ni Tope.
There she is! Mula sa kinauupuan nila ay kitang-kita nila si Ria may kasamang lalaki na masayang nagcocoffee. At ng makita iyon ni Tope, lahat ng heartaches ay unti-unting bumalik.
FLASHBACK**
Birthday ni Ria:
Nagulantang si Ria ng may magdoorbell sa dorm niya. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at binuksan ang pinto.
"Bakit hindi ka pa nagreready?" Noon lang nagulat si Ria pero pinapasok niya si Tope kasi natulala siya sa kaiisip kung paano niya ipapaliwanag na may iba siyang lakad?
"Ah eh kasi Tope, may lakad ako. Pasusundo ako ni Justine."
Iniangat ni Tope ang baba niya mula sa pagkakatungo. Hindi niya kasi kayang tingnan sa mata si Tope kasi alam niyang may kasalanan siya. "Ah ganoon ba? Hindi bale, bukas na lamang."
"Hindi rin ako pwede bukas may lakad kami ni Zyrah. Sa isa pang bukas na lang." Nagtaas-baba pa siya ng kilay na parang kinukumbinsi niyang pumayag si Tope.
Lumungkot naman ang mukha ni Tope. "Ah ganoon ba? Sige di bale na. Alam ko naman na hindi ako kasali sa priorities mo, alis na ako."
"Ui.." Hinila ni Ria ang siko ni Tope na naging dahilan para mapahinto ito pero hindi naman lumilingon sa gawi niya. "Sorry. The day after tomorrow promise."
"Ok." At humakbang na palabas ng pinto si Tope at isinara na rin ng binata. Parang nakokonsensya naman si Ria na tama ang binata, hindi siya kasama sa prioridad niya.
END OF FLASHBACK**
Kahit noon pa man ay palagi na siyang nasasaktan ni Ria ng hindi sinasadya. Ginawa na niya ang lahat pero wala pa ring magandang resulta. Hindi naman niya masisi ang dalaga. Naging totoo lang naman ito sa nararamdaman niya. Kung siya kaya ang unang nakilala ni Ria, magdudusa din kaya siya ng ganito?
"Pogi, ayos ka lang?" Mahinang tapik ni Kwini sa kamay niyang nasa ibabaw ng mesa ang nakapagpabalik sa atensyon nya.
"Ah.. Eh ... Oo." Sagot niyang nagbawi na ng tingin at nakatitig na lamang sa Mocha Frappe na iniinom niya.
"Siya ba?" Kahit alam na ni Kwini ang sagot base sa reaction ni Tope ay naitanong pa rin niya.
"Ang alin?" Malungkot ang mga mata niyang patay-malisya kunyari kay Kwini.
"Siya ba yun?" Alam na alam ni Tope kung ano ang ibig sabihin ni Kwini pero hindi niya na lang inintindi.
Hindi kumibo si Tope kaya na-confirm ni Kwini na siya nga iyong dating niligawan na ipinagluluksa ni Tope. "Gusto mo muffins?" Akmang tatayo ang maganda ang ngiting si Kwini ng pigilan niya sa siko. Nakakunot ang noong napatingin si Kwini sa malungkot na si Tope. "Bakit?" Naitanong muli ni Kwini.
"Dito ka lang. Huwag mo akong iwan." Nakikiusap ang mga mata ni Tope kaya napaupo si Kwini pabalik sa dating pwesto.
"Minsan hindi ibig sabihin na bakla na ang isang lalaki kapag umiyak siya." makahulugang sabi ni Kwini. Kinapitan niya ang pisngi ni Tope at sinabing, "ilabas mo iyan para gumaan ang kalooban mo."

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...