Chapter 65

3.5K 99 23
                                    

A/N:

Para sa ating mga readers na hindi matanggap kung bakit namatay si Justine, nangyayari po talaga ang ganyan. Example is Endless Love ni Song Hye Kyo na isang korean drama na parehas silang namatay. Iyong When Love Begins ni Aga Muhlach at Kristine Hermosa. So maging matured po tayo. Ok po? I lab yu all!

Thanks kina: @jnickz, @Zeus_9, @Athena_9, @Paul_Samboa, @lhyne23, @jecdungan, @aleya05, @marikar05, and @QuelaiDublas. At sa lahat ng nagvote, thank you!!!

___________________________________________

Chapter 65 PAGBANGON

AFTER 3 MONTHS:

Pagkatapos magkita noon nila Ria at Tope ay napadalas na ang pag-kikita nila. Hindi matatawaran ang kaligayahan ng anak niya kay Justine na si Menchie. Noon lang naging sobrang saya ng bata ng naging father figure sa kanya si Tope. Medyo nahirapan nga si Tope ng makasakay muli sa barko kasi sobrang naging attach sa kanya si Menchie. Nag-iiyak ang bata ng magpaalam siyang aalis kahit nangako siyang babalik after 6 months.

Nagulat si Ria ng biglang dumalaw ang mag-asawang Arsenio at Arah sa kanyang opisina. Naandito sila ni Menchie sa school at siya ang gumagawa ng mga trabahong naiwan ni Justine.

"Ria, kumusta naman kayo ng apo ko?" Bungad ni Donya Arah Cindie pagkaupo nila ng asawang si Arsenio sa upuan sa harap ng mesa ni Ria.

"Mabuti naman po, Mama. Si Menchie po ay hindi naman ganoon kaapektado dahil nakalakihan na naman niyang wala si Justine sa tabi niya." At napatungo si Ria. Kahit na magtatlong taon ng wala si Justine ay namimiss niya pa din ito.

"Pero ikaw, mukhang hindi ka pa rin nakaka-adjust." Ang malumanay na sabi ni Arsenio habang kandong-kandong si Menchie. Naawa silang mag-asawa kay Ria dahil parang hindi ito masyadong makausad pa rin sa buhay nito.

"Iha, mahal na mahal ka namin ng Papa mo. At mas lalo kang mahal na mahal ng anak ko. Alam kong mahal mo siya dahil napatunayan mo na iyan sa akin, pero sana naman mag-move on ka na. Gusto naming maging masaya ka. Kung nasaan man si Justine ay siguradong masaya na siya. Pero kung nakikita ka niyang ganyan, tingin mo ba matatahimik siya sa langit?" Sabi ni Arah. Pinisil pa niya ang isang kamay ni Ria sa ibabaw ng mesa.

"Napakahirap naman po kasi, Mama. Pinipilit ko pong magpakatatag alang-alang sa anak namin, pero nangungulila talaga ako sa kanya." Malungkot na paliwanag ni Ria.

"Ria, lumabas-labas ka naman kasi. Hindi naman porke't may anak ka na ay itatali mo na ang buhay mo sa trabaho at bahay. Tao lang tayo, Anak. Kailangan din nating mag-unwind paminsan-minsan." Suggestion ni Don Arsenio habang  ibinababa ang kandong na si Menchie.

"Tama ang iyong, Papa. Bilang magulang ni Justine ay nalulungkot din kaming nawala siya, pero hindi ibig sabihin na titigil na ang ikot ng mundo dahil sa pagkawala niya. Naandito tayo dahil mayroon pa tayong tungkulin na kailangang gampanan sa ITAAS." Pagkumbinsi rin ni Arah. 

"Lolo, I like Tito Tope. Can He be my Daddy?" Nanglaki ang mata sa out-of-the-blue na tanong ni Menchie.

Napalingon sa kanya si Arsenio. "Sinong Tope? Iyon din ba iyong kinatatakutang karibal noon ni Justine?" Nakangiting tanong ni Arsenio kay Ria.

"Naku! Kaibigan ko po." Nahihiyang sagot ni Ria.

"Iha, go out with that Tope guy." Nakangiting sabi din ni Arah.

"Naku Mama! Nasa barko po iyon. Saka hindi pa po ako handang magpakasal muli." Namumulang sagot ni Ria.

"Ria, Iha, kung kinabahan noon ang anak namin diyan kay Tope noon, ibig sabihin ay kayang pantayan noon ang pagmamahal niya. You have our blessings, Ria. Magmahal ka na muli." Tinapik-tapik pa ni Arsenio ang kamay ni Ria.

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon