Chapter 51

2.1K 50 5
                                    

A/N:

Please vote & leave a comment. Maraming salamat po sa mga interested na nagpadala ng proposed chappies nila. Namimili pa po ako ng maganda. Iyong mga interested po, sali na. I-eedit ko naman po. Testing lang natin kung maganda magagawa ninyo.

____________________________________________

AFTER 2 MONTHS:

Nakapasa naman si Ria sa board exam. Isa na siyang Licensed Physical Therapist ngayon. Kasalukuyang sa Philippine Orthopedic Center siya naka-assign. Ang hospital na ito ay expert pagdating sa mga may bali sa buto.

Ang relasyon nila ni Justine ay going smooth. Minsan tuloy kinakabahan siya. Hindi ba't ang isang normal na relation ay dapat may mga pag-subok? Ang kanilang dalawa ay wala. Kahit anong klaseng bagay na pagtatalunan ay wala sila.

Ang daming patient load ni Ria kanina. Sobrang pagod na siya. Sa MRT pa lang kanina ay antok na antok na siya. Nag-MRT siya kasi kapag ganitong Biyernes ay grabe ang traffic pauwing Alabang. Tulad ng napagkasunduan ay doon muna siya umuuwi sa Alabang kapag ganitong wala ang Pa-pa ni Justine at nasa out of town. Si Justine kasi ay hindi pwedeng mag-uwian mula Laguna hanggang Alabang kasi masyado itong busy sa trabaho. Pero every other day naman ay sinasamahan sila ng binata dito sa bahay ng magulang ni Justine.

"RIAA!!" Malakas na tawag ni Donya Arah Cindie Choi kay Ria. Kasalukuyang katatapos lang niyang magbihis at dali-dali siyang lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan.

"Po?" Halos hingalin pa si Ria ng makalapit siya kay Arah na ngayon ay nasa sala ng bahay.

"Ikuha mo ako ng tubig." Utos ng Ginang na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Sandali lang po." At agad namang pumunta si Ria sa kusina. Wala kasing kasambahay sina Justine dahil halos 2x/year lang kung umuwi ang mag-asawang Choi dito sa Pilipinas.

Iniabot ni Ria ang tubig. "Ito na po." Sabi niya at umupo pa sa katabing upuan ng Ginang.

"Ria, ikuha mo nga rin ako ng cake sa ref." Utos na naman ni Donya Arah pagkalapat na pagkalapat ng pwet ni Ria.

"Sige po." At tumayo na si Ria para kumuha sa refrigerator ng cake na nais ni Arah.

"Ito na po." At inabot na ni Ria ang carrot cake na kinuha niya.

"Lumapit ka nga dito at masahehin mo ang paa ko." Utos na naman ni Arah. Gusto ng sanang magreklamo ni Ria dahil sobrang pagon na siya sa trabaho ay sunod-sunod na naman ang utos ng Nanay ng boyfriend niya.

Ganito lagi ang buhay ni Ria. Para siyang katulong sa paningin ni Donya Arah Cindie. Hindi man lamang ito marunong magpasalamat o mag pakisuyo sa mga pinagagawa nito. Ang lahat ay palaging pautos. Pero hindi magawang magreklamo ni Ria dahil kailangan niyang mapatunayan sa Ina ni Justine na siya ang karapat dapat. Si Justine ay walang alam sa ginagawa ng sariling Ina sa gf niya kapag wala siya. Kapag kasi naandito si Justine ay hindi siya masyadong inuutusan at pinahihirapan ng Donya. 

Pagkatapos niyang masahehin ang paa ni Arah ay pagluluto naman ng hapunan ang aasikasuhin niya. Grabe talaga ang pagod niya kapag ganitong wala si Justine. Pero hindi niya ininda iyon. Maliksing nagluto pa rin siya ng adobo.

"Tita, kakain na po." Tawag niya kay Arah. Nakaismid namang tumayo si Arah at sumunod na sa hapag. Grabe ang gutom ni Ria. Ipinagsandok niya muna si Arah bago siya nagsimulang kumain. 

"Tita??" Naluluhang sabi ni Ria. Paano ba naman ay binuhos sa kanya ni Arah ang mangkok ng adobo na sinandok niya. Mabuti't nakailag siya at braso lang niya ang napaso.

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon