Chapter 30

3.1K 71 11
                                    

A/N:

Request na lang kayo kung like nyo magpadedicate. Vote & Comment.

__________________________________

RESTAURANT:

Sinundo ni Justine si Ria sa dorm ng huli at dumiretso sila sa isang restaurant. Tahimik lang silang dalawa habang nasa byahe. Pababa na sila ng restaurant ng magring ang cp ni Ria.

Ring..

Ring..

Mr. R Calling..

"Hello?" Tanong ni Ria sa kabilang linya.

<"Ria, pinapasabi ng Uncle C mo na pasensya ka na daw  at kinailangan niyang umalis agad kanina. Babawi na lang daw siya next time."> Sabi sa kanya ni Mr. R sa kabilang linya.

"Ayos lang po iyon, Mr. R. Paki sabi po nauunawaan ko po kung gaano kabusy na tao si Uncle."

<"Mabuti kung ganun. Teka, nasaan ka? Bakit parang ang tahimik ng paligid?"> 

Hindi malaman ni Ria kung magsasabi ba sya ng totoo. "Ah nasa labas po, kasama ko po si Sir Justine." Sabi ni Ria at sumulyap sa gawi ni Justine na nakakapit sa manibela pero nakaharap sa gawi nya.

<"Ha? Bakit kasama mo si Justine?">

"Ah kakain po kasi kami ng dinner together."

<"Dinner together? Para saan?">

"Wala po. Gusto lang po naming maka catch-up sa mga panahong wala sya."

<"Basta mag-ingat ka. Alam mo namang playboy iyang si Justine."> Mahigpit na bilin pa ni Mr. R.

"Ah eh.. Opo."

<"Oh sya, paano? Tawagan mo na lang ako kapag may problema ha?"> 

"Opo. Bye." At tinapos na ni Ria ang tawag.

"Let's go?" Tanong ni Justine ng makita niyang ipinasok na ni Ria ang cp sa bag na dala.

"Opo." At akmang baba na sana siya ng pigilan sya ni Justine. Naunang bumaba ang binata at pinagbuksan siya ng pinto.

Dug..

Dug..

Kumabog si Mr. Heart! Kilig na naman si Ria. Ngumiti siya sa ginawa ni Justine at isinabit na ang kamay niya sa siko ni Just na nagaantay na ikawit niya ang kamay niya.

Pagpasok nila sa loob ay ipinaghila pa sya ng binata ng upuan para makaupo at umupo si Just sa tapat nya. Pagkatapos ay tahimik na iginagala na lang ni Ria ang paningin sa paligid. 'Ganito pa rin ang itsura ng Japanese Resto na ito tulad nung dating malakas pa si Papa.' Kuro-kuro ni Ria. Naaalala nya nung panahong malakas pa ang Papa niya at sagana sila sa buhay.

Umorder na ang binata. Si Ria ang naunang bumasag ng katahimikan. "Kumusta na po?" Habang inaantay nila eh nagkwentuhan muna silang dalawa. 

"Ayos naman. Ikaw ang kumusta na?" Nakangiting tanong ni Justine sa kanya.

"Ok rin naman po. Ito po nagsisikap mabuti ng matapos na."

"Mabuti kung ganoon.. Ria...." Medyo napahinto si Justine. Tinatantya kung sasabihin ba nya kay Ria ang sasabihin nya.

"Po?" Napakunot ang noong tanong ni Ria.

"Kayo na ba ni Tope?" Tanong ni Just sa kanya.

"Hindi po." 

"Tama yan. Mag-aral ka munang mabuti."

"Opo. Yun nga."

Kumunot ang noo ni Just. "Kanina pa ako may napapansin. Bakit ba po ka ng po? Pwede bang tanggalin mo yan? Feeling ko ang tanda ko na."

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon