A/N:
Please comment naman po tayo para maimprove ko ang writing ko po..
Thanks!
________________________________________
KINABUKASAN:
Pinatawag ko ang mga President at Vice President ng bawat klase para malaman ko ang insights nila tungkol sa nalalapit na halloween ball. Nagdatingan naman ang mga bata. Kasama sa meeting ang mga pamangkin kong sina Nicolei at Zyrah. Para sa akin kasi halos pamangkin ko na sila kaya itinuturing ko na silang kadugo talaga.
Natulala ako ng makita ko ang kasama ni Zyrah. Napaka-cute na bata! Ria daw ang pangalan! Dapat pala ay ang supladong bata na kapatid ni Kurt, na anak ng kaibigan ni Pareng Benett ang naandito. Ang kaso dahil nga wala pa ring boses na lumalabas kay Zeon ay si Ria ang pinasama ng school adviser nila.
Magandang bata si Ria. Kung kaidad ko lang si Nicolei ay baka niligawan ko sya. Habang nagmemeeting ay hindi ko maiwasang titigan sya. At nahuhuli ko ding naaattract sya sa akin. Sinusulyap-sulyapan nya din ako ng palihim.
At dahil gusto ko syang makilala pa ay niyaya ko ang mga pamangkin ko na sumama sa aking magdinner kinagabihan. Kunyari ay tungkol pa din sa halloween ball ang pag-uusapan mamayang gabi. Pumayag naman sila. Nakita ko pa nga si Zyrah at yoong Kurt na parang magnobyong hindi mapaghiwalay sa ilalim ng hagdan kaya niyaya ko na din yoong Kurt na sumama sa amin.
Pagdating namin sa Japanese Restaurant, itong malokong si Zyrah ay nahalata ang hindi ko mapigilang pag-titig kay Ria kaya kung anu-anong pinagtatatanong. At dahil doon ay nakita kong namumula si Ria. Obviously ay crush ako ng bata. Mayabang ba? Pero yoon ang totoo!
Napag-alaman ko na ang buo niyang impormasyon. Siya si Ria dela Cuesta, 17 years old, kaklase nga daw ni Zyrah. Mas matanda siya kay Zyrah pero dahil sa mga problema sa pamilya ay hindi matapos-tapos ang hihschool kaya kahit 17 na eh 3rd year highschool pa lamang!
At para maiba ang topic, si Zyrah naman ang nilagay ko sa hot seat at tinanong tungkol sa kanila ni Kurt. Nangingiti ako kay Zyrah. Dahil sa kanyang kabataan ay hindi pa niya alam ang kanyang gusto. Hindi sya katulad ng kanyang Ina noong sabay naming ligawan ng kanyang Papa na alam na agad ang gusto... at yoon ay ang kanyang amang si Benett. Sabagay, 19 na ata si Nicole noong niligawan namin sya ng sabay ni Pareng Benett. Si Zyrah naman ngayon ay 15 pa lang kaya innocent pa sya sa paghandle ng matters of the heart.
Ang sarap ng edad ng katulad sa kanila. Kasi inosente pa sila sa mga bagay-bagay. Samantalang ako, dapat nga ay nagseseryoso na ako sa mga bagay-bagay kasi ang mga ka-batch ko ay may kanya-kanya ng sariling mga pamilya. Samantalang ako, eto nagpapaka-playboy pa! Pero anong magagawa ko, hindi ko pa natatagpuan ang sobrang magpapaibig ulit sa akin tulad ng naranasan ko kay Nicole?
Kahapon ay hindi ko na napigilan ang attraksyon ko sa teacher namin sa school ko na si Ms. Tessa. Ibang klase din sya kasi mukhang mahinhin, maganda, at mabait din, pero kahapon ay nawala ata lahat ng hiya nya. Hindi na nya napigilan ang damdamin nya sa akin. May nararamdaman din naman ako sa kanya pero parang hindi pa ganoon kalalim.
Pero kagabi ay napagdesisyunan ko ng ayos na rin na makipagrelasyon ako sa kanya. Siya na ata ang babaeng pwedeng maging kandidata kong maging asawa. Kumbaga, parang housewife material sya para sa akin.
Pero ng makilala ko si Ria ngayon, may iba rin akong naramdaman sa batang ito. Hindi naman tulad ng naramdaman ko kay Tessa. Para sa akin ay parang gusto kong ako ang maging taga-protekta ni Ria sa lahat ng bagay. Parang ang sarap nyang alagaan.
Nakauwi na kami sa bahay nina Benett at kasama ko ang dalawang bata.
"Pare, tumawag nga pala sa landline natin yoong teacher Tessa daw?" sabi sa akin ni Benett ng nasa sala na ako.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomansaIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...