A/N:
Please vote naman po diyan & comment. Thanks sa tanging nagcomment sa story na ito, @ukissmeful!
15 comments or 20 votes = UPDATE! NO VOTE OR COMMENT, NO UPDATE! Para naman malaman ko kung may nagbabasa pa.
NO VOTE OR COMMENT, NO UPDATE HA!
___________________________________
"Maraming salamat sa 10,000 binigay mo. Parang ang laki naman ata nito." Nag-aalangan pa ang ale kung tatanggapin ang pabuya ni Justine.
"Wala po iyan kumpara sa buhay ng fiancee ko. Thank you po talaga, Aling Carmen."
"Walang anuman, Iho. Oh paano, alis na ako?"
"Sige po. Salamat po ulit."
Bumalik na sa loob ng kwarto ni Ria si Justine. Nilapitan niya ang natutulog na dalaga. Sabi na nga ba niya, hindi magandang idea ang naisip ng Mama niya na magpasama kay Ria. Hinaplos niya ang mukha ni Ria. Naaawa siya sa nobya. Napaka-bata pa ng katipan para mapagdaanan ang ganitong kabigat na pagsubok.
Kinuha ni Justine ang isang palad ng dalaga at ginagap ito. "Magpagaling ka, Mahal ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may hindi magandang nangyari sa'yo." Pagkausap niya sa magandang dalagang tulog.
Ring..
Ring..
Ma Calling..
"Yes?" Tumayo muna si Justine palayo sa kama ng namumutla, nilalagnat, at natutulog na si Ria.
<"Hello, Iho. Naalimpungatan ako at hinahanap ko ang nobya mo. Mukhang nag-bar ata at 5am na wala pa."> Sabi ni Donya Arah sa kabilang linya.
"Hindi po mahilig si Ria gumimik, Ma. Pasensiya na po kung hindi ko nasabi, pero naandito po kami ni Ria ngayon sa hospital."
"Ha? Ka-kasama mo si Ria? Hospital? Ba-bakit?" Nabubulol at kinakabahang tanong ni Arah. Kinakabahan siya baka kasi alam na ng anak niya ang ginawa niya.
"Basang-basa siya nang ulan. Mabuti na lamang at may isang mabuting Aling Carmen ang tumulong sa kanya. Ano bang nangyari, Mama?" Naguguluhang tanong ni Justine.
"Ha? Hi-hindi ko nga rin alam. Pupuntahan ko sya diyan." Sabi ni Arah.
"Sige po antayin ko po kayo." Sagot ni Justine.
"Ipagdadala ko ng gamit si Ria." Sabi ni Donya Arah Cindie.
"Justine... Justine..." Daing ni Ria.
"Sige po. Nagising na si Ria." Paalam ni Justine.
"Pupunta na ako. Huwag mo munang kausapin at baka mabinat." Rattled na sabi ni Arah.
"Justine..." Daing ulit ni Ria.
"Bye na po." Nagmamadaling paalam ni Justine.
Lumapit agad sa nakapikit na dalaga na tumatawag ng pangalan niya. "Ria, naandito ako." Sabi ng binata at pinisil pa ang kamay ni Ria. Hinalikan niya sa noo.
Napamulat na ang dalaga ng marinig ang boses ni Justine. "Nasaan ako?" Tanong ni Ria.
"Sa hospital. Ano bang nangyari?" Tanong ni Justine.
Saglit na natigilan si Ria. Nag-isip. Inaalala kung ano nga bang nangyari. "Ah... nasaraduhan ako.." Sabi ni Ria. Pinutol niya, kasi iniisip niya kung magsusumbong ba siya kay Justine.
"Tapos?" Tanong ng nakakunot ang noong si Justine.
"Ah.. kasi... kasi..." Pumikit ng mariin ang dalaga. Iniisip mabuti kung ano bang tamang gawin. "Bumili ako ng gamot sa sakit ko ng ulo. Hindi ako nagpaalam, tapos pag-uwi ko,tulog na ang iyong Mama." Pagtatakip niya kay Arah.
BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...
