Papatayin kita Eroz
Pagkatapos ng aksidenteng hinalikan ako ni Eroz ay ilang araw na naman akong hindi lumabas ng kwarto.
Ah. Hindi pala aksidente yun dahil sinadya ni Eroz yun. At hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nyang yun.
Patago akong lumalabas ng kwarto ko kapag nauuhaw ako o nagugutom. Minsan naman ay kinakatok nila ko. Pero ang masasamang titig at sigaw ko lang ang nakukuha nila mula sakin.
At alam nyo bang si Eroz lang ang hindi nagtangkang puntahan ako?
Pagkatapos ng ginawa nya...
Hindi man lang nya naisip na baka na-offend ako sa kabaliwan nya?
Makasarili sya masyado. At gusto ko syang patayin!
Naalala ko nung isang gabing dalhan ako ni Lay ng pagkain. Sobrang dilim sa kwarto ko non at ang ilaw lang mula sa desktop ang meron dahil nanonood ako noon ng horror movie.
Buti pa si Lay, kahit na mukhang hindi pa nya alam kung ano ang ginawa nang hayop nyang kaibigan ay sya pa rin ang nag-sorry para kay Eroz.
Hindi sya natatakot lapitan ako. Kahit na paulit ulit ko syang sinisigawan.
"Ano yang pinapanood mo?" Tanong ni Lay nung gabing dalhan nya ako nang pagkain.
Ibinaba nya yung tray na may pagkain sa side table ko at nilapitan akong na nakaharap sa screen ng desktop. "Ah, wrong turn? Anong part na yan?"
Hindi ako kumibo. Kaya mas lumapit pa sya sa akin habang nakayukod. Magkapantay na ang mga mukha namin ngayon, parehong nakatingin sa screen at pakiramdam ko na naman ay matutunaw ako.
Hindi ko magawang lingunin sya dahil ayokong makita ang mukha nya. Baka kasi matunaw ako. Ginalaw nya yung mouse.
"Ah wrong turn 5. Hindi ka ba natatakot panoorin yan mag-isa?" Tanong pa nya bago umayos ng tayo.
Umiling ako. "Hindi naman nakakatakot."
"Kung ibang babae siguro ang nanonood nyan siguradong nag-tititili na sa sobrang takot. Ganon kasi ang nakita ko sa iba kong kaibigang babae dati." Sagot ni Lay at narinig ko ang pagtawa nya.
"OA ang tingin ko sa mga ganun. Bakit? Lalabas ba sa screen nila yung pinapanood nila? Hindi naman."
"Oo nga naman." Sagot nya at tumawa pa. "Mahilig ka pala sa mga ganyang palabas? Sige next time manood tayo sa labas. Kahit anong horror."
Natigilan ako sa sinabi ni Lay. Ano yun? Date ba yun? Kinikilig yata ako.
"Ikaw na lang mas gusto ko dito sa loob ng kwarto ko. Labas na. Lumabas ka na."
Sya naman yung nagitigilan sa sinabi ko. Huminga pa sya nang malalim bago nagsalita ulit.
"Princess, pasensya ka na nga pala kay Eroz, may problema siguro yun kaya--"
"Wag na wag mong babanggitin sa akin ang pangalan ng Eroz na yan!" Sigaw ko tsaka ako tumayo at hinarap sya. As usual. Para na naman akong multo dahil sa buhok ko.
"Pasensya na. Sige. Lalabas na ako." Sabi nya at naglakad na sa pinto. Pero bago tuluyang lumabas ay lumingon na naman sya sa akin. "Oo nga pala, kainin mo yang pagkain mo. Ako ang nagluto nyan kahit na hindi ako sanay. Ayoko kasing magkasakit ka."
Ayoko kasing magkasakit ka.
Paulit ulit na bumabalik sa isip ko yung sinabing yun ni Lay. Ang bait talaga nya. Iba sya sa kanilang apat.
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...