Dedicated to; JeanS58 awercom sanjuan74 @PrincessLucaban ❤️☺️

Princess P.O.V

Ilang araw na akong halos hindi maka tulog ng maayos dahil sa mga nangyayari.
May pagkaka taon na isinisisi ko na naman sa apat na kulugo ang mga bagay bagay pero nagi-guilty din naman ako agad.

Palagi silang nakabantay sa akin, lalong napapa lapit ang loob ko sa kanila dahil kahit anong gawin kong pag tataboy sa kanila ay hindi pa rin  nila ako iniiwan.

Madalas dinededma na lang nila ako at sinasabing tinotoyo lang ang ulo ko.

Nasa malalim na pag iisip ako ng bigla na lang akong mapa aray at mapahimas sa noo ko.

Agad kong nilingon si Eroz na siyang pinitik ang noo ko.

"Diba sabi ko, hintayin mo ako?" Sabi niya at sinabayan na akong maglakad.

Pagkatapos kasi ng klase namin ay iniwan ko na sila agad. Kahit na ang iba ay nanatili pa rin sa class room dahil abala sila sa pag uusap tungkol sa USC night na malapit ng ganapin.

Maya maya pa ay napalingon kami sa dulong bahagi ng corridor ng may tumili.

Nakita namin si Emy Rose, habang naka takip ang kamay sa bibig.
At tila mamutla na rin ako ng makita ko kung ano ang tinitilian niya!

Parehong pareho iyon ng kahon na natanggap ko nung isang araw!

Hinawakan ni Eroz ang kamay ko at inakay ako palapit kay Emy Rose. Marahil gusto siguro niyang maka siguro sa isang bagay.

Nang makita namin iyon ng malapitan ay naitakip ko na din ang kamay ko sa bibig ko. Tsaka kami nag katinginan ni Eroz.

Kaparehong kapareho talaga iyon ng kahong natanggap ko at ganoon din ang nilalaman. Isang patay at inuuod na ibon at may dugo.

Pero paano naman nangyari iyon?

Si Eroz mismo ang nagtapon ng kahon na iyon, pero hindi rin naman ako namamalik mata ngayon!

Umaalingasaw na rin sa corridor ang amoy ng nabubulok na bangkay ng ibon. Halos magka gulo na din ang mga tao habang nakikiisyoso sa nangyayari.

"Puntahan mo si Dricks, at sabay na kayong umuwi." Utos ni Eroz sa akin ng lingunin ako.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatitig pa din ako sa patay na ibon sa sahig! At tiningnan ko si Emy Rose.

Ano ba'ng....nangyayari?!

"Princess, sabi ko hanapin mo na si Dricks at wag kang uuwi ng mag-isa!"

Tinalikuran ako ni Eroz at nakita kong nilapitan at inakay  niya si Emy Rose na tulala pa din.
Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makapasok sila sa guidance office.

At gaya ng utos ni Eroz, hinanap ko nga si Dricks at sabay kaming umuwi.

--

Kinabukasan, sabay din kaming apat na pumasok. Pagdating namin sa classroom ay pinag titinginan na naman ako ng mga tao.

Naiilang ako, pero iba ito sa pakiramdam ko dati. Parang lahat ay galit sa akin.

Nilibot ko ang paningin ko, pinag bubulungan na naman ako kaya nanatili na lang akong naka yuko.

Balita namin ay nagkaroon daw ng trauma si Emy Rose dahil sa nangyari.

Pag dating ng lunch break ay tinakasan ko yung apat dahil gusto ko munang mapag isa. Kakatapos ko lang kumain at nag lalakad na ako sa tapat ng P.E  room ng makita ko si Emy Rose. Nasa tapat siya ng  locker niya at may hawak na mga libro.

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon