Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil tila naalimpungatan ako. Bumangon na lang ako dahil hindi na rin naman ako maka tulog.
Pag labas ko ng kwarto ay saglit pa akong napahinto sa tapat ng kwarto ng apat na kulugo. Tahimik. Pang hapon pa ang pasok namin sa skwela kaya malamang ay tulog pa sila.
Pag baba ko naman ay nakita ko ang mga pagkain sa mesa na inihanda ko kagabi. Kahit kumain naman na yung tatlo ay talagang madami pa rin ang natira.
Nalungkot ako.
Sobrang bigat ng dibdib ko habang isa isa kong nililigpit ang pagkain at inaamoy kung ano pa ang pwedeng pakinabangan para mamaya.
Nakatulugan ko na din pala ang pag iisip kagabi kay Eroz.
—
Kakatapos ko lang ayusin ang sarili ko para pumasok sa skwela. Tipikal na plain t-shirt lang at loose na palda ang suot ko o di kaya naman ay plain pants lang ang pang ibaba ko kapag washed day namin.
Mukha akong manang. Sabi nga ng iba, mukhang hindi nalalabhan ang mga damit ko. At mukha akong katulong nung apat na nilalang kapag sabay sabay kaming pumapasok.
Dati kulang na lang ay pagtaguan ko silang apat dahil ayaw ko na nakakasabay ang sinoman sa kanila. Pero hindi nagtagal ay nasanay na din ako dahil sa pangungulit nila.
Naka rinig ako ng pagkatok mula sa pinto ng kwarto ko. Dati kabang kaba ako kapag ganito ang nangyayari dahil alam kong isa na naman sa kanila iyon na siguradong magpapa-ngatog sa tuhod ko.
Subalit ngayon ay parang nasanay na din ako. Marahil siguro nga, ito ang tinatawag na pagiging komportable.
Tumayo ako sa kama at binitbit ang nag iisang bag ko lang yata. Hindi ako mahilig mag bibili ng kung ano ano. Kahit na alam kong secured ako pagdating sa pera dahil sa manang naiwan sa akin ng mga magulang ko.
"Cess, nag hihintay na sila Lay sa baba." Si Hiro yung napag buksan ko.
Sa unang tingin ay aakalain mo na isa siyang babae na nag bihis lalaki. Ang ganda niyang lalaki!
Marahan akong tumango at nagpati una sa paglalakad. Sabay sabay na naman kaming papasok ngayong hapon.
Pag baba namin ay nag tataka ko silang tiningnan isa isa.
"N-Nasan si Eroz?" Tanong ko.
"Hindi umuwi. Pabayaan mo na ang isang iyon." Sagot ni Dricks habang pare pareho na kaming naglalakad palabas ng bahay.
"Baka nasa school na din yun ngayon." Sabi naman ni Dricks.
Pag dating namin ng campus ay nakita namin agad si Noi. Malayo pa lang ay naka ngiti na siya sa amin. At parang nahiya pa ng kawayan siya ni Lay.
"Kamusta kayo?" Tanong niya ng makalapit na kami sa kanya. "Teka, bakit kulang yata kayo? Nasaan ang lagi mong kaaway na si Brian Eroz?"
Ako ba ang tinatanong ni Noi? Lutang na lutang kasi talaga ang isip ko.
Pag pasok namin sa classroom ay agad na kaming naupo sa kani-kaniyang pwesto namin. Hindi ko mapigilan na mapalingon ng madalas sa bakanteng upuan na katabi ko.
Hindi mawala ang pag iisip ko dahil wala si Eroz. Mukhang hindi siya dadating.
At hanggang sa matapos nga ang klase namin at dumating ang oras ng uwian ay hindi namin siya nakita. Hindi nagpakita si Eroz sa klase.
Kaya nasisiguro ko na may hindi magandang nangyayari ngayon.
Mabagal ang mga hakbang ng paa ko ng biglang humarang sa akin si Dricks. Napa maang ako sa kanya dahil seryoso siyang nakatingin sa akin.
Pinilit kong mag iwas ng tingin dahil tila nababasa niya kung ano ang nasa isip ko.
"Ano bang problema mo diyan? Pwede ba lumayas ka sa dadaanan ko!"
Naka irap na sabi ko sa kanya at nilagpasan siya pero sinundan niya ako at humarang ulit sa nilalakadan ko."Gusto mo bang sipain ko yang bayag mo?!" Naiinis na sabi ko.
"Galit ka ba?" Nakangising tanong niya.
"Dricks,wala akong panahong makipag usap sa iyo." Mahinang sabi ko dahil pinagtitinginan na kami ngayon. "Pwede lumayo ka ng konti?!"
"Galit ka nga?" Ulit niya na hindi man lang natinag sa kinatatayuan.
Bagkus napatitig pa ako sa gwapo niyang istura ng bigla niyang haplusin ang ulo ko.
"Pinag titinginan na naman tayo."
"Kasi ang gwapo eh."
"At mayabang pa!"
"Bakit ka ba nagagalit lagi?"
"Hindi ako galit. Naiinis lang ako." Iritang sagot ko. Ano na naman ba ang nasa utak ng isang ito?!
"Ganon na din yun, ano ka ba?"
"Magka iba ang galit at naiinis." Taas noong sabi ko. "Dahil ako pag nais, saglit lang. Pero pag ako nagalit, saglit ka lang!" Mahinang sabi ko ngunit may pag kakadiin tsaka ko siya bahagyang binunggo at nag mamadali akong nag lakad palayo sa kanya.
Pero hindi pa ako nakaka layo ay bigla siyang sumigaw.
"Princess, tandaan mo yung sinabi ko ha?"
Gigil na nilingon ko siya, at kung nakamamatay lang ang titig ko, siguradong nakaburol na siya ngayon.
Ano na naman ba 'to? Napalingap ako sa paligid dahil pinag bubulungan na naman ako.
Nababaliw ka na ba kasi Dricks?!
Tinging nagbabanta lang ang ibinigay ko sa kanya at muli na kong tumalikod.
Subalit hindi pa ako nakaka hakbang ay muli na naman siyang sumigaw.
"Tandaan mo lang yung sinabi ko, nakapag ang puso, kapag nagmahal na iyan hindi mo na mapipigilan iyan."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa lakas ng boses niya.
Kaya naman lalo pang nagka gulo sa paligid."Mauna ka ng umuwi, may dadaanan lang ako." Habol pa ni Dricks at bago pa ako makuyog ng mga babae niya sa paligid ay tuluyan na akong nag tatakbo papalayo.
"Sira ulo ka!!" Nang gigil sa sabi ko, pakiramdam ko ay nag uusok na ang ilong ko dahil sa kahibangan niya. Naikuyom ko na lang ang mga kamay ko.
Tama, wag mo na siyang lingunin Princess!
Nasisiraan na yata siya ng bait. Kung dukutin ko na lang kaya mamayang pag uwi niya ang mga laman loob niya at ilagay ko sa garapon?!
Mag isa akong umuwi dahil may tatapusin daw na project si Lay sa library, inaaya ako ni Noi na samahan naming dalawa si Lay pero bukod sa ayoko sa library dahil nahihilo ako kapag nakapalibot sa mga libro, alam ko naman na gustong makasama ni Noi si Lay. Kaya hinayaan ko na lang silang dalawa.
Si Hiro naman ay may importanteng lalakarin daw. At ang abnormal na Dricks? Wala akong paki alam kahit saan siya mag punta.
Saglit akong napa hinto sa pag lalakad ng bigla kong maalala si Eroz.
Kamusta na kaya siya?
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...