Stop messing with her..

Dinala ako ni Lay sa shool clinic at agad naman ako ng inasikaso ng shool nurse namin.

Parang nandidiri pa nga ito sa akin habang inaasikaso ang sugat ko sa labi. Sa sobrang lakas kasi ng sampal ng Bernadette na iyon ay nag dugo pala ang labi ko.

Pagkatapos akong asikasuhin ng nag mamadaling nurse ay iniwan na kami nito.

Nakaupo lang ako ng tahimik sa bed clinic. Si Lay naman ay sumunod sa nurse pero maya maya ay bumalik din kaagad sa akin.

"Okay ka lang ba,Cess?" May pag aalalang tanong niya.

"Kung hindi mo ako pinigilan, edi sana nailampaso ko na ang babaeng yun sa sahig!"Singhal ko sa kanya. "Bakit ba kasi nangialam ka pa?"

"Hindi madadaan sa pag ganti ang lahat ng bagay Cess. Hindi maibibigay non ang contentment na gusto mo."

"Ayoko naman talaga silang patulan, pero sumosobra na sila!"

"Iwasan mo na lang sila."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, "Iwasan? Hindi ko naman sila kinakausap! Wala akong kinakausap ni isa sa mga babaeng iyon."

"Bakit hindi mo na lang sinabi sa kanila na wala kang kinalaman sa ibinibintang nila?"

Nawalan ako  ng imik, tinitingnan ko lang si Lay na naka upo sa sa tabi at nakatingin sa akin.

Halatang nakita niya ang buong pangyayari kanina.

"Minsan,ang pananahimik ay para na ding pag-amin."
Seryosong dugtong pa niya at nagbuntong hininga. "Nung hindi ka sumagot sa tanong nila, para mo na din sinabi na, oo ako nga ang may gawa niyan."

Pati ba siya ay iniisip na ako nga ang gagawa ng bagay na yun?

"Alam kong hindi mo magagawa iyon dahil hindi ikaw ang ganong klase ng tao na kakilala ko."

Parang kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Napanga nga pa ako lalo sa gwapuhan at kabaitan nitong si Lay.

"Wala namang mangyayari kahit na ilang beses ko pang ipag sigawan sa kanila na hindi ako ang nagdrawing non sa mga pag mumuka nila." Sabi ko at tumayo na. "Dahil wala naman ding maniniwala sa akin kaya bakit mag aaksaya pa ako ng oras na magpaliwanag sa kanila?"

"Saan ka pupunta?" Agad na din siyang tumayo at sinundan ako.

"Uuwi na."

"Wala ka na bang klase?"

"Wala."

"Nandito ka lang pala."

Napahinto kami ni Lay sa paglalakad at napatingin kami sa nag-salita.

Nasa harapan na namin ngayon si Eroz na para bang yamot na yamot na naman ang itsura.

Maya maya pa ay sumusulpot na din yung dalawa sa likuran nito, si Hiro at Dricks.

"Kanina pa kita hinahanap." Sabi pa ni Eroz sabay hagis ng bag kay Lay na agad naman nasalo ni Lay. "Tapos  na yung klase, kumain muna tayo bago tayo umuwi."

Nang gigigil ako bigla.

Parang bulag kasi si Eroz na si Lay lang ang tinitingnan.
Wala naman na din akong gagawin pa dito at lalo lang akong maiinis kung hindi pa ako aalis. Kaya naman nag lakad na ako para layuan sila.

"Cess, anong nangya-"

"Wala kang paki alam!" Putol ko sa itatanong sana ni Hiro at nilagpasan sila ni Dricks.

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon