Problema na naman..
Pagkatapos kong pagtawanan si Hiro ay umakyat na ako sa taas para katukin ulit si Cess, at kung maaari ay hilahurin ulit pababa para matapos na kami.
Nakakailang katok na ako pero mukang wala pa rin syang balak na buksan yung pinto.
"Hoy halimaw, buksan mo na nga ito. Kailangan ko talaga nang tulong mo. Bumaba ka na kung ayaw mong--~~" Napatigil ako sa pagsasalita nung bigla na lang bumukas yung pinto. Nakatingin sa akin si Cess habang wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Hindi gaya dati na nakakatakot. Hindi rin gaya dati na parang papatay lagi.
"Tutulungan mo na ba ako? Papayag ka ng maging date ko mamaya?" Tanong ko sa kanya. Nagulat ako nung bigla na lang niya akong tinulak kaya muntik na akong mahulog sa hagdan. Mabuti na lang at mabilis akong nakakapit agad. Pagkatapos ay nagmamadali syang nagtatakbo pababa.
Tumakbo na din ako pababa para habulin sya pero nag dire-diretso na sya palabas ng bahay.
Alam niyo yung parang nakonsensya ako kasi nakita kong umiiyak talaga sya?
Nagkatinginan na lang kami. Pagkatapos naming sundan ng tingin si halimaw.
"Anong ginawa mo?" Tanong ni Hiro habang pinupunasan ng basang bimpo ang mukha niya.
"Saan pupunta yun?" Kunot noong tanong naman ni Dricks.
"Malay ko." Walang pakeng sagot ko sa kanila. Habang si Lay ay narinig ko na lang na napabuntong hininga tsaka lumabas din ng bahay.
Frustrated na umupo ako sa sofa. Nakatingin sa sandamakmak na make up. Pano na ngayon ang party? Kung pwede lang wag ummattend sa lintik na yun hindi na talaga ako pupunta. Kailangan kong mag-isip.
"Paano ka na nyan?" Napalingon ako kay Dricks. "Hindi mo ba susundan si Princess?"
"Bakit ko sya susundan? Kung makaarte naman sya,kala mong kay ganda ganda niya." Inis na sagot ko. "Bahala sya sa buhay nya."
"Kawawa naman si Princess." Sabi ni Hiro na hawak yung isang lipstick. "Na-cha-challenge pa naman akong ayusan sya. Mukang bagay sa kanya ito."
Napanganga na lang ako kay Hiro at bigla ko syang na-imagine. Habang nakalipstick ng hawak niya. Napangiti na lang ako sa sarili ko. Bukod sa gwapo ako ay talagang ang talino ko pa. Mukha namang babae itong si Hiro, bakit hindi na lang sya ang gawin kong date??
"Tama!!" Nagulat sila ng bigla na lang akong sumigaw at tumayo. Tsaka ko nilapitan si Hiro at hinawakan sa balikat. "Pare, ikaw na lang ang pag-asa ko."
"Gago ka ba? Tigilan mo nga ako." Kontra naman agad nya. Dahil agad nyang nakuha kung ano yung plano ko.
"Hiro, tulungan mo na ako. Mukha ka namang babae e, konting pula lang ng nguso mo tsaka pampalaki ng dede pwede ka na. Tsaka para hindi na ako pagkaguluhan dun. Kaibigan naman kita diba?"
Narinig kong tumawa si Dricks. "Oo, kaibigan kita pero wag mo naman akong idamay sa kalokohan mo. Paki alam ko ba sayo kung mapahamak ka dun." Sagot naman ni Hiro. "Makatulog na nga lang." Tsaka sya naglakad paakyat sa kwarto.
"Pare. Hiro, pumayag ka na. Gagawin ko lahat tulungan mo lang ako--~~"
~~CRIIIINGGGG~~ ~~CRIIINGGGG~~~ napatigil ako nung bigla na lang tumunog yung telepono na agad namang sinagot ni Dricks.
"Y-yes Auntie..."
Napalunok na lang kami sa bungad ni Dricks. Si Auntie. Katapusan na yata namin.
"Si..si Princess po? Yes Aunt, ano.. Ano nasa--" natataranta na si Dricks at halatang hindi alam ang sasabihin. Sinesenyasan nya kami na parang nagpapatulong ng isasagot. Wala din naman kaming maisip. "Ano Auntie, si Cess kasi kasama ni Eroz ngayon." Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi ng abnormal na yun. Gustong gusto ko na syang batuhin ng sofa!
"Yes Auntie? Ano yun Auntie?? Psssbhxsbshsaba Aunt, cha....cha.. Ahzhshshpssss Auntie hello? Choppy ka." Sabi ni Dricks na gumagawa ng sarili nyang tunog para magmukang choppy nga yung linya nya. "Ah,, sa isang party po. Si Princess po yung isinama ni Eroz para maging date niya."
Naloko na. Lalo kang malilintikan sa akin Dricks.
"Opo Auntie, medyo malaki na yung ipinagbago niya. Konti po. Opo. Sige po. Bye Auntie, babalitaan na lang namin kayo. Baka nga nag eenjoy na ngayon yung dalawang yun sa date nila. Bye po."
Nagtatakbo ako kay Dricks at sinakal sya pagkababa niya ng telepono. Nagmamadali naman akong inawat ni Hiro.
"Gago ka ba Dricks? Ano yung sinabi mo na yun kay Auntie? Anong ka-date ko yung pamangkin niya? Anong baka nag-eenjoy na kami ngayon?"
"Relax Eroz, okay?" Humihingal na sagot niya. Napasobra yata yung pag sakal ko sa kanya. Badtrip naman kasi! "Hindi ko alam ang sasabihin e."
"Alam mong lumayas si halimaw tapos sinabi mo yun?"
"Hindi ko nga kasi alam ang sasabihin."
"Tumigil nga kayong dalawa. Kalma." Sabi ni Hiro. "Ano ba yung sinabi ni Auntie?"
"Kinakamusta nya si Princess, hinahanap nya. Alangan namang sabihin ko na naglayas kasi pinipilit nating maging babae diba? Edi tayo pinalayas nun, kaya yun ang sinabi ko."
"Ano pa?"
"Malapit na daw ulit mag pasukan. Kailangan pagbalik niya nagawa na natin yung dapat gawin. Kung hindi--~"
"Kung hindi ano?" Putol ko.
"Papalayasin niya tayo dito at sisingilin niya tayo sa renta ng pagtira natin dito."
"Pambihira!! Anong gagawin natin?"
"Pwede naman kaming umuwi na lang sa bahay namin. Ikaw, malay ko sayo." Sagot ni Dricks. Tsaka niya ako pinagtawanan.
"Sira ka ba? Sinabi niyong tutulungan niyo ako dito?" Kunot noong sagot ko.
"Pero wala kaming sinabing hindi kami susuko."
Badtrip tong Dricks na to ah! "Seryoso ka ba?"
Tumawa sya. "Syempre hindi. Magkakaibigan tayo. Wag kang mag-alala dahil tatapusin natin to. Kaya natin yan. Si Princess lang yan." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Akala ko talaga ay mang iiwan sa ere tong kumag na to. "Pero sa ngayon Hiro, kailangang pumayag ka muna na magpanggap na babae para maging date ni Eroz." Baling niya kay Hiro.
"Ayoko nga!" Protesta naman nung isa.
"Sinabi ko kay Auntie na magkadate ngayon si Cess at Eroz, siguradong maghahanap ng ebidensya yun. Sinong ipapakita natin kung hirap na hirap tayo kay Cess? Kailangan mo talaga Pare. Kung pwede lang na ako, bakit hindi?"
"Bakit hindi natin subukan?" Hamon sa kanya ni Hiro. Pero hindi! Sya talaga ang nababagay. Mas mukha syang babae. Mas okay kung sya na lang.
Problema na naman! Mababaliw na ako.
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...