@merlieaquino23
Ang akala koy tahimik na...
Naging tahimik nga ang buhay ko simula nang lumayas si Eroz sa bahay ko. Mag-tatlong araw na yata.
Walang kumukulit sakin, walang namamakialam...Walang nag-papanginig sa mga tuhod ko....walang sumisilaw sa mga mata ko...walang tumutunaw sa pagkatao ko. Pero bakit lahat ng iyon ay parang hinahanap hanap ko? Namimiss ko yata ang kakulitan nya. Yung pagiging masungit at mahangin.
Sa loob din ng mga araw na wala sya ay gumaan ang loob ko sa tatlo pang kulugo. Mababait kasi sila, ibang iba kay Eroz. Lalo na si Lay, na hindi nag-sasawang gawin ang lahat para palambutin ako. Mukhang kahit paano nga ay may pinagbago na ako. Hindi na kasi ako bigla na lang sisigaw at mag-wawala kapag naka-kaharap ko sila. Tumatagal na rin ako kapag kausap ko sila. Nakaka-palagayang loob ko na sila kahit madalas ay wirdo pa din ang tingin nila sa akin. Pero ayos lang, wala akong dapat baguhin sa pagkatao ko dahil nabuhay ako nang ganito. Pero hindi pa rin nawawala sa akin ang paminsan minsang pagsigaw at galit sa kanila. Lalo na kapag napaka-tatamad nila at pina-pakialaman ako..
Nag-lilinis ako nang bigla na lang tumunog ang telepono. Bago ko pa tuluyang mapuntahan yun ay naunahan na ako ni Hiro.
"Hello goodmorning! Rosales residence..." Masigla pang bati ni Hiro mula sa kabilang linya. Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak ko ang floor mop. "Oh, Eroz!" Natigilan ako nung marinig ko yun. "Bakit napatawag ka? Ano?? Talaga? E kelan daw? Tsaka, pano ka? Babalik ka na ba?.... Naku patay! Malilintikan tayo nyan kay Auntie....Anong kami lang? Kasama ka dito bugok!...."
Napa-kunot noo pa si Hiro habang nakikinig sa kabilang linya. "Bahala ka, ikaw din... Okay. Bye. Sige sige, mag-ingat ka, teka nasaan ka nga pala? Saan ka tumuloy? Hindi ka naman siguro umuwi sa bahay nyo?" Tumawa si Hiro. Mapang-asar ang tawang yun na ibinigay nya kay Eroz na kausap nya ngayon. "Okay, sige. Bye Eroz."
"Bakit?" Tanong ni Hiro pag-baling nya sa akin. Noon ko lang namalayan na naka-tanga na pala ako sa kanya.
"Wala." Tipid na sagot ko.
"Si Eroz yung tumawag."
"Alam ko." Tsaka ako nag-patuloy sa pag-ma-mop ng sahig. "Hindi ko naman tinatanong."
"Sungit."
"Ano?!"
"Wala. Sabi ko, gusto mo ako na lang ang magmop ng sahig?" Nakangiting pag-iiba ni Hiro. Ang cute nya talaga. Mas maganda pa sya sa akin.
"Ganda nang naisip mo." Sagot ko naman sabay itsa nang mop sa kanya.
Maya maya ay pareho kaming nagulat ng bigla na lang bumukas yung pinto. Pumasok si Dricks, hingal na hingal.
"Bakit Dricks?" Tanong agad ni Hiro.
"Si....si Lay.... Nasa labas.... Hinahabol ng mga babae." Sagot nito sa kabila nang matinding paghingal. Nakahinga naman ako nang maluwag. Yun lang pala, anong bago dun? Akala ko naman e kung ano na. Siguro nakatakas lang sya mula doon sa mga babae. Halata sa paghingal nya.
Mag-lalakad na ako nang bigla akong hilahin ni Dricks. Tiningnan ko sya. Hindi na masyadong na-ngi-nginig ang mga tuhod ko kapag nahahawakan ng ganito nang kahit na sino sa kanilang tatlo.
"Tulungan mo si Lay." Sabi nya.
Ano daw? Anong tulong naman ang gagawin ko? Bukod sa manakot ay wala na akong ibang pwedeng gawin. Ano naman akala sakin ng Dricks na to?
"Sungal-ngalin kaya kita nang medyas ko?" Nakairap na sagot ko sabay hila sa braso ko. Tsaka ako tuluyang nag-lakad.
"Sinabi ni Lay na girlfriend ka nya kaya sya hinahabol ng mga babae."
Napatigil ako sa sinabi ni Dricks. Si Hiro din ay halos mapa-nga-nga na sa narinig. Teka? Ano daw? Hindi ba ako nabingi lang?
"Sinabi ni Lay na girlfriend ka nya at live in na kayo...tulungan mo sya."
Lumuwa na lahat ng luluwa sa akin sa sinabi pang yon ni Dricks. Baliw na ba si Lay? Bakit nya ginawa yun? Akala ko tahimik na ako. Mas malala pa pala ang mangyayari. Pagkatapos pasakitin ni Eroz ang ulo ko ay sya naman pala ang papalit?
Hindi ko akalain na magagawa nya yun. Sya pa naman ang pinaka-gusto ko sa kanilang tatlo.
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
Fiksi PenggemarWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...