Second kiss on my first kiss...

Makalipas ang isang linggo.

Inabutan ko sa sala na nag-aayos na ng mga gamit ang apat na kulugo.
Magdidiretso na sana ako sa kusina ng bigla akong tawagin ni Eroz.

" Princess." Paglingon ko sa kanya ay may hinagis sya sakin, nakakahon. Napataas naman kilay ko sabay tingin sa kanya.

"Ano naman to?" Kapag isang kalokohan na naman to ay talagang tatamaan ka na naman sakin, impakto ka!

"Tingnan mo para malaman mo." Sagot nya.

Sinunod ko naman yung sinabi nya kahit na wala akong kagana gana. Pero halos lumuwa ang mata ko ng makita ko kung ano ang laman non.

" Skully!" Sabi ko at hindi mapigilang mapangiti. Si Skully nga, sya to kahit na puro tahi at may band aid na design pa ngayon! Masaya akong makita sya ulit.

" Im sorry." Napatingin ako kay Eroz dahil sa sinabi nya. "Ngayon lang natapos kaya ngayon ko lang naibalik. Sorry kung nagkaganyan sya."

Laglag ang panga ko habang nakatulala lang kay Eroz. Totoo ba to? Nag-so-sorry ng sincere ang impaktong lalaking to sa harap ko ngayon?

"Kung hindi ka ba naman kasi maarte, eh hindi ka naman maganda." Napa poker face na lang ako nung bigla ulit syang magsalita. Si Eroz nga sya. Hindi yata nakokompleto ang araw ng hinayupak na to kapag hindi nalalait ang pagkatao ko.

Hindi ko na sya pinansin at masaya na lang akong tumalikod sa kanya. Ang importante ay nasa akin na ulit si Skully.

Pagpasok ko ng kwarto ay hawak ko pa din si Skully at yung kahong pinaglagyan niya. Binato ko lang yun sa sulok at wala na kong pakialam na nahiga na lang.

---

Maaga akong nagising, pagbaba ko ng kwarto ay inabutan ko na agad yung apat na kulugo sa sala. Nagkakape na sila. 

"Good morning Princess."  Bati sakin ni Dricks habang nakangiti ng napakaganda. Pakiramdam ko tuloy ay busog na busog na ako kahit wala pa akong kinain.

"Do you want coffee Cess?" Alok naman sa akin ni Lay.

"Or hot cocoa instead?" Hay. Ang cute cute mo talaga Hiro. Napalingon naman ako bigla kay Eroz nung bigla syang tumayo sa kinauupuan nya.

"Manuklay ka nga!" Masungit na sabi ng impakto. "Nakakasira ng umaga." Pagkatapos ay walang kaabog abog na tinalikuran ako at sabay tungga sa tasa ng kape. Napakabastos talaga!

Nag init na naman bigla ang ulo ko dahil sa kanya.

"Ah, Cess... Wag mo na lang pansinin si Eroz. Alam mo naman yun diba?"  Nahihiyang sabi ni Hiro. "So...cocoa?"

"Ayoko!" Kitang kita ko ang naumay na mukha ni Hiro ng pandilatan ko sya. At talikuran kaagad. Tsaka ko narinig na tumawa si Dricks sa pang aasar kay Hiro.

Nagtu-toothbrush ako at nasa isip ko pa din ang bastos na Eroz na yun. Gustong gusto ko talaga syang chop chopin ng pinong pino! Pagkatapos ko ay nagpunta ako sa kusina, nagbukas ng ref at kinuha ko agad yung pitcher ng tubig doon at tinungga. Pagtalikod ko sa ref ay nagulat ako dahil kasabay non ang pagsasalita ni Eroz.

"Hindi ka ba marunong gumamit ng baso?"

Kaya naman sa sobrang gulat ko ay naibuga ko sa mukha nya yung tubig. Pareho kaming nakanganga at halatang biglang bigla. Saglit pa syang natahimik habang nakanganga at naka taas ang mga kamay sa ere.

"Oh my!" BIgkas ko at dali daling ipinunas sa mukha ni Eroz yung twalya ko na nakasaklay sa balikat ko.

Napatitig ako sa mukha ni Eroz habang dinadampi ko sa kanya yung twalya ko. Tama ba 'to? Wala syang reaksyon habang nakatitig lang sya sa akin?! Oo! Kahit na medyo nakaharang ang bangs ko sa mga mata ko ay hindi ako nagkakamali! Nakatitig lang sya sa akin!

Dahan dahan akong napatigil dahil hindi ko na kaya yung titig ni Eroz. Hindi ako sanay.

Kaya naman pahampas kong ibinigay sa kanya yung twalya ko. "Punasan mo yung sarili mo! Sorry!" Tsaka ko sya bahagyang itinulak para kahit paano ay luminaw ang utak ko. Mababaliw ako! Mababaliw ako!

Maglalakad na ako para talikuran sya ng bigla nya akong hilahin sa balikat. Magkaharap na kami ulit at nakatitig lang sya sa akin.

"Ano ba?! Sorry na nga diba?" Sigaw ko sa kanya. Yung malakas na sigaw. Pakiramdam ko kasi paraan yun para mawala yung malakas na kabog nung dibdib ko. "Nagulat ako! Kasalanan mo!"
Tsaka ko hinila yung braso ko sa kanya at naglakad na ulit. Pero nabigla ako dahil hinila na naman ulit nya ako sa braso. Naiinis na ako ha? Hindi nga sabi sinasadya! "ANO BA?! Sabing--~~" Halos atakihin ako sa kaba dahil bigla nya akong hinalikan sa mga labi. At halos lumuwa na rin ang mga mata ko nung makita ko yung tatlo habang nanlalaki rin ang mga matang nakatingin sa amin ni Eroz.

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon