Maaga akong nagising dahil pang umaga ang klase namin. Pagkatapos kong mag bihis ay bumaba na ako agad at inabutan ko ang apat na kurimaw na nag hihintay sa sala."Ang bagal mo." Sabi ni Eroz sabay tayo kaya sumunod na din sa kanya yung tatlo. "Kahit naman tagalan mo pa ang paliligo mo, wala ng mag babago sa itsura mo."
Bigla naman akong inakbayan ni Dricks kaya napatingin ako sa kanya na sa daan nakatuon ang atensyon. Napangisi lang siya sa sinabi ni Eroz.
Si Hiro naman ay biglang nagpa tiuna sa paglalakad. "Wait, ang ganda ng sikat ng araw mag-pause kayo." Sabi niya sabay tutok ng camera niya sa amin.
Ako naman ay agad nagtakip ng mukha dahil hindi ako sanay sa camera.
Pero ito namang si Lay at Dricks ay pareho pang umakbay sa akin at ngumiti sa camera.
"1,2, say cheese!" Sinipat agad ni Hiro ang shot niya. "Ang ganda, pero teka! Hindi pwedeng kayo lang." Ipinatong niya sa may kataasang bato ang camera niya at nag set ng timer. "Okay, tayong lahat. Eroz dali!"
"Nagugutom ako eh!" Sagot ni Eroz pero lumapit naman sa amin.
Sa bawat pag click ng camera ay kanya kanya sila ng pause. Masaya ang mga ngiti nila, maya maya ay nagulat ako ng akbayan ako ni Eroz at gumawa ng peace sign kaya lahat kami ay ganoon ang naging pause.
Nakaka-lula! Hindi ako maka paniwala na pati sa ganitong pagkakataon ay makakasama nila ako.
Napaka saya ng puso ko. Iyon ang nararamdaman ko habang isa isa ko silang pinag mamasdan na naka ngiti sa akin.
Hindi ako makapaniwala. Kaibigan ko na ba talaga sila?
—-
Sabay kaming nag lalakad ni Eroz at Hiro papunta sa library para daanan si Lay.
Natanggap na daw kasi si Hiro sa isang part time job at nakuha na din niya ang una niyang sahod kaya manlilibre siya ng pag kain namin bago kami umuwi.
Kaya naman pala madalas ay hindi siya nakaka sabay ng tatlo ay dahil abala na siya sa pag hahanap ng trabaho.
Nakita ko din ang saya ng mga kaibigan niya ng sabihin niya ang magandang balita na natanggap na siya. At naging masaya na din ako para sa kanya.
Bigla silang napahinto sa paglalakad kaya napahinto na din ako at nag angat ng tingin.
Nagulat kami ni Hiro dahil nasa harap namin ngayon si Emy Rose.
Saglit kong sinulyapan si Eroz. Walang emosyon ang mga titig niya kay Emy Rose.
"Eroz, pwede ba kitang maka usap?" Mahinhing tanong nito. "Gusto sana kitang imbitahan mamaya para sa dinner."
Kami naman ni Hiro ay walang imik.
"Isama mo na rin ang mga kaibigan mo kung gusto mo." Ngumiting sabi pa ni Emy Rose kaya lalong lumabas ang kagandahan niya. "Grand Opening ng business nila Tita kaya-"
"Sige, anong oras?"
Nagulat ako sa tanong ni Eroz. Hindi ko kasi inaasahan na iyon ang sasabihin niya dahil palagi niyang iniiwasan si Emy Rose.
Ito ang unang pag kakataon na pumayag siya sa paanyaya nito.
Kitang kita ko kung paano nag liwanag ang mukha ni Emy Rose dahil sa tanong ni Eroz.
May dinukot siya mula sa bag niya at iniabot kay Eroz.
"Eto ang address, Tita ko ang may ari ng restaurant na iyan kaya diyan tayo magkita before 6 PM." Masiglang sabi niya.
"Okay. Makakarating kami." Sagot ni Eroz.
"Sige, magkita na lang tayo. Hihintayin ko kayong apat mamay--"
"Lima."
Biglang tumigil ang pag hinga ko ng marinig kong isagot iyon ni Eroz.
Maging si Emy Rose ay tila natigilan din sa sinabi niya at nahihiyang napatingin sa akin kaya napalunok na lang ako.
Gusto kong lumubog. Natutunaw ako sa sobrang ganda ng babaeng kaharap ko pero mas nagpapa nginig sa akin ang mga lumalabas na salita sa bibig ni Eroz.
"Lima kaming mag-kakaibigan." Sabi pa ni Eroz at gulat na gulat ako ng akbayan pa niya ako. "Kasama si Princess."
"Ah—Oo!" Mababakas ang pagka gulat sa nauutal na boses ni Rose. "Tama, pasensya ka na. Nakalimutang kong—" napatingin sa akin si Emy Rose at ngumiti. "Princess, sumama ka na rin mamaya. Hihintayin ko kayo."
Naninigas ako at parang natulos sa kinatatayuan ko ng lisanin na kami ni Emy Rose.
"Galman's Restaurant Grand opening party, please come and—" naputol ang binabasang invitation address ni Eroz ng bigla akong mapa upo sa sahig.
Iyon ang address na iniabot sa kanya ni Rose kanina.
"Cess, okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Hiro.
"Anong problema mo baliw? Tumayo ka nga dyan." Sabi naman ni Eroz at nilingon si Hiro. "Sa ibang araw ka na manlibre Hiro. Puntahan na lang natin ito." Sabi niya sabay angat ng invitation na galing kay Rose.
"Ano ba'ng nangyayari?!!!" Tanong ko na kulang na lang ay mag lulumpasay ako sa kinauupuan ko.
Mababaliw na talaga ako, lalo na sa mga sinabi ni Eroz sa fiance niya.
"Tumayo ka nga dyan, halimaw."
"Tara na, ibalita na natin kila Lay na may lakad tayo mamaya."
—
Nag-lock ako ng kwarto pagdating namin sa bahay ko. Kanina pa nila ako kinakatok dahil pinipilit nila akong isama sa lugar ni Emy Rose.
Hindi ako pupunta don kahit anong mangyari at kahit ano pa ang sabihin nila!
Padabog na binuksan ko ang pinto dahil sa sunod sunod na pag katok!
Kulang na lang ay tumulo ang laway ko ng makita ko si Eroz na naka hubad. Hawak niya ang iba't ibang dress at mabilis na binato sa akin.
"Pumili ka ng isusuot mo diyan at gumayak na!"
"Sinabing ayokong sumama sa inyo! Mahirap bang intindihin yun Eroz!!"
Unti unti siyang lumapit sa akin kaya napa atras ako hanggang sa mapasandal ako sa pinto.
Sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isat isa kaya kumakabog ang dibdib ko at pakiramdam ko ay nah iinit na din ang buong mukha ko.
Ano bang ginagawa ni Eroz at bakit tila hindi ko siya maitulak papalayo?
"Kailangan kita." Mahinang sabi ni Eroz ngunit ramdam ko ang sinseridad sa tono niya. "Kailangan kita Princess."
"Ano?"
Bigla siyang lumayo sa akin at tumalikod.
"Isipin mo na lang na kapalit ito ng ilang beses ko ng pag ligtas sa iyo. Kaya please, gumayak ka na dahil isasama ka namin."
Tuluyan na niya akong iniwan habang hawak pa din ang mga dress na ibinato niya sa akin.
Naka awang ang mga labi kong bitak bitak at pakiramdam ko ay nanunuyo na din ang lalamunan ko.
Habang ang pasaway kong puso ay naka bibingi ang bawat tibok.
Si Eroz. Kay Eroz ko lang naramdaman ang ganito. Nag wawala ang puso ko na siya lang rin ang nakaka-pagpa-kalma.
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...