viral

Humihikbi pa din ako habang nag lalakad kami. Natatanaw ko na ang bahay ko ng maalala ko si Auntie. Nakalimutan kong mag kikita nga pala kami.

"Bakit?" Tanong ni Eroz nung bumitaw ako bigla sa kamay nya at huminto sa paglalakad.

"Mag kikita nga pala kami Auntie." Sagot ko sabay talikod sa kanya para bumalik sa cafe. Pero mabilis nya akong hinila sa braso. Maang akong napatingin sa kanya.

"Tumawag sya sa phone mo. Naiwan mo sa kusina kaya ako na sumagot. Hindi daw sya matutuloy dahil nagka-emergency." Sabi nya. "Busy naman yung tatlo, kaya ako na lang ang sumunod sayo para sunduin ka."

Parang piniga ang puso ko. Yun pala ang dahilan. Napilitan lang sya. Ano pa bang ine-expect mo Princess? Na nag kusa syang hanapin ka pa? Pwede ba?! Gumising ka na sa kahibangan mo. Dahil yan ang tunay na ugali ni Eroz. Hinding hindi ka nya magugustuhan.

Hinawi ko yung braso ko at inirapan sya. Tsaka ako nagpatiuna sa paglalakad. Tama. Kung gusto ko man si Eroz, dapat hanggang sa lalong madaling panahon ay iwasan ko na sya. At hindi nya dapat malaman yun o ng sinoman dahil siguradong pagtatawanan lang ako.

Nararamdaman ko na nakasunod lang sya akin. Hindi ko na sya kinibo pa o nilingon hanggang sa maka uwi na ako bahay.

"Cess.."gulat na sabi ni Hiro nung buksan ko ang pinto at diretsong pumasok sa loob. "Nasaan si Eroz?"

"Patay na." Yun lang ang sagot ko hanggang sa magtatakbo na ako paakyat sa kwarto ko.

---

Gabi na nung lumabas ako sa kwarto ko. Pag bukas ko ng pinto ay narinig ko na nag-uusap yung mga kulugo sa kwarto nila.

"Nakita nyo na yung viral sa social media ngayon?" Boses ni Dricks. "Pare, ikaw at si Princess to!"

Kumabog yung dibdib ko nung marinig ko yun. Viral? Social Media? Napa isip ako.

"Patingin."

"Watch gwapong lalaki carry a pulubi in cafe." Boses ni Lay na parang may binabasa. "Grabe Eroz, ikaw at si Princess nga to. Tingnan mo."

Napanga-nga ako dahil sa narinig ko.

"Grabe yung mga comment."

"Ang sasama talaga ng mga tao now a days."

"Naawa lang yung guy sa pulubi. Bigla kasing nag-wala nung hindi nabigyan ng limos." Boses ni Dricks. "What the hell?! Sobra naman ang isang comment na 'to."

"Meron pa." Si Hiro. "Kapal naman ni girl, parang ipis na nag-feeling butterfly. Hindi na nahiyang mag pabuhat sa gwapong guy."

"She's Princess, hindi bagay ang name. It must be Witch!"

Dahil hindi na ako nakatiis ay bigla kong sinipa yung pinto ng kwarto nila kaya bumukas. Dali dali akong pumasok at gulat na gulat naman silang apat.

"Tama na! Tigilan nyo na yan!" Sigaw ko sa kanila sa kabila ng pangi-nginig ng boses ko. Nakakaramdam na ako ngayon ng hiya. Muka ngang malaki na talaga ang ipinag bago ko buhat ng dumating sila sa buhay ko.

"Cess.."

"Sabi ko tigilan nyo na yan! Ang sakit na sa tenga! Nag sasawa na ako!"

Tumayo si Eroz at lumapit sa akin.
"Nag-sasawa ka na?tanong nya.
Tumayo na din yung tatlo at parang gusto syang ilayo sa harap ko. "Kung nag-sasawa ka na bakit hindi mo baguhin yang sarili mo?!"

Napa-pikit ako dahil sa lakas ng sigaw ni Eroz. Lalo na akong nagising sa katotohanan ngayon na malabo pa sa tubig kanal na pareho kami ng nararamdaman. Imposible! Dahil ito na ang totoong Eroz.

"Hindi mo ba naisip ha? Na ikaw din ang may kasalanan kung bakit ka ginaganyan ng mga tao?"

"Eroz tumigil ka na!" Sigaw ni Lay sa kanya.

"Wag kang mamakialam dito. Hindi ikaw ang kinakausap ko.!"

Gulat na gulat ako dahil sinigawan din nya at pinag salitaan ng ganon si Lay. Bumaling na naman ang atensyon nya sa akin.

"Ano Princess? Sumagot ka! Nag- sasawa ka na? Bakit hindi mo subukang ayusin yang sarili mo? Para hindi ka na pinag tatawanan at kinatatakutan ng mga tao!"

Hindi ako makapag salita. Unti unti na lang tumulo ang mga luha ko.

"Tingnan mo yang sarili mo?! Humarap ka sa salamin!" Hinila nya ako papunta sa kwarto ko. Mabilis na sumunod yung tatlo sa amin lalo na ang galit na si Lay.

"Eroz, sumosobra ka na!" Sigaw ulit ni Lay sabay hila sa akin mula sa kamay ni Eroz. Pero hindi sya pinansin ni Eroz at hinila ulit ako. Tsaka nya sinindihan ang lahat ng ilaw sa kwarto ko.

Sumabog ang liwanag pero hindi na ako nasilaw dahil sa mga luha ko.
Unti unting pumapasok sa isip ko ang lahat ng mga sinasabi ni Eroz.

Masakit. Pero totoo naman diba?

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon