Eroz P.O.V
Matapos akong ipag tulakan ni Princess palabas ng kwarto niya ay halos masuntok ko ang pader sa sobrang inis!
Sobrang inis sa nararamdaman ko para sa kanya na hindi ko naman maipaliwanag kung ano.
Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko habang nagtatagis ang mga bagang at bumaba na ulit ako sa mga kasama ko para kumain.
Pag upo ko sa harap ng mesa ay nakatingin sa akin ang tatlo. Tila nagtataka na dahil sa pagka kalamukos ng mukha ko.
"Si Princess?" Tanong ni Lay habang inaayos sa mesa ang mga pagkain na inorder niya.
"As usual, nag away na naman sila." Singit ni Dricks.
"Kelan ba naman kasi nagka sundo ang dalawang yan?" Sabi naman ni Hiro. "Asa pa kayo." Sabay higop sa soda niya.
Inirapan ko lang sila at dumapot na din ako ng soda at mga pagkaing inorder ni Lay.
—
Pagkatapos naming kumain ay lumabas ako at nagtungo sa garden area namin. Habang naka upo ako sa mesa doon ay napatingala ako at Napatingin sa kwarto ni Princess.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Pero posible bang may gusto na nga ako sa kanya kaya nagkaka-ganito ako?!
Ilang araw na siyang hindi nawawala sa isip ko, hindi ko rin alam kung kelan nagsimula pero basta bigla na lang akong may kakaibang nararamdaman para sa kanya.
Madalas ngayon, ayokong nawawala siya sa paningin ko. Dahil gusto kong maka-siguro kung ayos lang ba siya.
Madalas, nagiging concern na talaga ako sa kanya at idinadaan ko na lang sa biro ang lahat dahil maging ang sarili ko ay hindi ko mapaniwalaan.
At higit sa lahat, kumakabog talaga ng husto ang puso ko kapag nakikita at nakaka usap ko siya!
Para akong grade 5 na may crush sa kaklase ko. Ganon yung pakiramdam!
Ilang saglit pa ay napatingin ako kay Dricks na naglalakad palapit sa akin.
Nang tuluyan siyang makalapit ay tiningala din niya ang kwarto ni Princess na siyang tinitingnan ko kanina. Tsaka siya lumingon sa akin at tuluyang naupo habang iiling-iling.
"Anong iniisip mo?" Tanong niya at sinalo ang baba niya habang nakatukod ang siko sa mesa.
Tinging nagtatanong lang ang ibinigay ko sa kanya kaya muli siyang tumawa.
"Lalaki ako Pare, okay?"
"Lalaki ka nga, lalaking babaero!"
Natawa din si Dricks sa biro ko at muling tumingin sa bintana ni Princess.
"Hindi ka makapaniwala noh?" Sabi niya ng tingnan ako. Subalit hindi ako sumagot. "Sa tingin mo ba hindi namin nahahalata ang trato mo kay Princess ngayon?"
Biglang kumabog na naman ang dibdib ko ng maranig ko ang pangalan ni Princess.
"May gusto ka sa kanya hindi ba?"
Napamaang ako sa diretsong pahayag ni Dricks. Tsaka ako napabuntong hininga at nag iwas ng tingin.
"Hindi ko alam."
"Imposible!"
"Ha?"
"Alam mo yan, pero hindi mo lang matanggap at lalong hindi ka makapaniwala." Napangisi pa si Dricks. "Si Princess lang pala ang bibihag sayo."
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...