@CrazyFreakyBenj
Alam nyo ang nangyari? Nung makabalik sila Eroz ay wala pa rin akong tigil sa pag-tawa. Basa pa ang ulo nya at may tumutulong tubig mula doon pababa sa kanyang dibdib. Napa-nganga ako. Naka-hubad na naman sya at naka-lantad ang magandang katawan.
Napa-tigil ako sa pag-tawa nung bigla nya akong sugurin. Napaka-dilim ng mukha nya. Kaya naman agad akong humawak kay Dricks at nagtago sa likod nya. Nakakatakot sya.
Pero ano ba naman ang laban ko sa lakas ni Eroz diba? Halos mahubaran ko si Dricks dahil sa pag-kaka-kapit ko sa kanya. Pero sa huli ay nahatak pa din ako ni Eroz.
"Baliw ka ba talaga ha?!" Galit na sabi nya habang hawak ako sa magka-bilang braso. My gasss! Ang hot hot hot hot nya! Kailangan ko nang pamaypay! "Gusto mong ikaw ang ilaglag ko sa bintana?!"
Napa-singhap ako nung bigla nya akong bitbitin papunta sa bintana at walang kaabog abog na ilawit ako dun. Napatili ako nang malakas. At hinigpitan ko ang pagka-kakapit sa kanya. Nakabitin na din ako ngayon pero hawak pa din nya.
Kapag nag-pakita ako nang takot sa mokong na to ay baka tuluyan nga akong bitiwan at ihulog. Kaya kahit kabang kaba na ako ay pilit ko pa rin syang ngitian habang nakatingala ako sa kanya at nakayuko naman sya sakin.
"Masarap naman pala ang nakabitin, e bakit takot na takot ka?" Sabi ko sa kabila nang pag-pipigil ng pa-ngi-nginig. Nakita ko na laglag ang panga nya sa sinabi ko. Napahinga na lang sya nang malalim at iniangat na din ako agad. Pabagsak nya akong isinaldak sa semento. Laking pasasalamat ko naman.
Tumayo ako at nilapitan sya. Alam ko na kitang kita nya ang mukha ko ngayon. Ako na rin ang hindi nakatagal, sobrang gwapo nya kasi na para bang hindi karapat dapat na titigan ng isang katulad ko.
"Im quitting." Pag-suko nya bigla. "Aalis na ako dito!" Sabi pa ni Eroz at umupo sa kama. Gulat na gulat naman yung tatlo.
"Seryoso ka ba Eroz?" Tanong ni Hiro.
"Nakalimutan mo na ba kung bakit tayo nandito?" Tanong naman ni Dricks.
"Mag-isip ka munang mabuti." Sabi naman ni Lay.
"Wala na akong pakialam sa misyon na yan! Mapapatay ako nang babaeng yan!" Sagot ni Eroz sabay point out sa akin. "Aalis na ako." Sabi pa nya at isinuot ang damit tsaka naglakad papunta sa pinto.
"Pero Eroz..."
"Kayo na lang ang magtuloy kung gusto nyo! Hindi ako tatagal kasama ang halimaw na yan." Sabi ni Eroz at tuluyang lumabas. Sinundan naman sya agad nung tatlo.
Habang ako ay naiwang tulala. Iniisip kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi nila? At ano ang ibig sabihin ni Eroz sa sinabi nyang kayo na lang ang magtuloy? At tsaka yung misyon? Ano naman yun?
At parang gusto kong pagalitan ang sarili ko. Hindi ba ako masaya na aalis na sya? Bakit kasi parang....piniga ang puso ko at biniyak ang ulo ko nang sabibin nyang aalis na sya?
Napadungaw ako sa bintana nung marinig ko na nag-uusap sila. Dinampot na din ni Eroz yung maleta nya.
"Eroz..."
"Ayoko na!"
Hindi ko alam kung bakit, pero nag-mamadali akong nag-tatakbo pababa at lumabas ng bahay nung makita kong lumabas na si Eroz ng gate. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Pipigilan ko ba sya o hahayaan na lang?
"Eroz." Tawag sa kanya ni Lay kaya napatigil sya.
"Bakit?"
"Mag-isip ka muna. Tsaka hindi mo ba naisip na ikaw din naman ang dahilan kung bakit ka naiinis?"
Napakunot noo si Eroz. At lalo na nung makita nya ako sa pinto.
"Bakit kasi hindi mo na lang subukang hayaan si Princess sa lahat ng gusto nya? Wag mo syang paki-alaman para hindi kayo nagkakainitan lagi?" Pagpapatuloy ni Lay. "Mukha naman kasing hindi sya katulad ng kung ano ang iniisip mo sa kanya. Mabait sya sa nakikita ko. Siguro kailangan mo lang talaga syang pabayaan. Pansinin mo, hindi ka naman nya ginugulo kapag wala kang ginagawa sa kanya diba?"
"Oo nga Eroz. At tsaka, alam mo ba yung golden rules?" Sabi naman ni Hiro.
"Yan na nga yung sinabi ni Lay, Hiro eh!" Sabi naman ni Dricks.
Wow naman. Sige na nga pipigilan na kita Eroz. Siguro naman ay matatauhan na sya sa mga narinig nya sa mga kaibigan nya.
"Hindi nyo ba ko naintindihan?" Laglag bagang ko sa sinagot ni Eroz. Pipigilan ko na sana sya pero yun pa ang lumabas sa bunganga nya! "Aalis na ako. Bahala na kayo. Hindi ko talaga kayang tumagal dito kasama ang baliw na yan." Tinuro na naman ako ni Eroz. Tsaka tuluyan na syang lumabas ng gate.
"Eroz.." Napalingon sya sa akin.
"Bakit ba?!" Sigaw nya sakin.
"Bye. Wag ka nang babalik!" Umirap ako sa kanya. Nag-mamadali naman nyang pinara yung taxi na nagdaan.
Wala nang nagawa yung mga kaibigan nya para pigilan sya. Wala na akong pakialam. Ang mahanging tulad nya ay dapat lang na palayasin. Bahala sya sa buhay nya.
Tiningnan ako nung mga kaibigan nya.
"Bakit?" Tanong ko. "Aalis na din kayo? Sige lang! Mas mabuti pa nga. Mga letse kayo." Hindi ko na sila hinayaang magsalita pa dahil tinalikuran ko na sila at nagmamadali akong umakyat papunta sa kwarto ko.
Kinuha ko si Skully. Nahiga ako sa kama ko pero hindi rin naman ako mapakali. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Para talagang piniga ko ang sarili kong puso, lalo na nung makita kong sumakay si Eroz sa taxi. Hindi mawala sa isip ko ang mukha nya, ang kilay na halos maging isa na lang ang linya. Bakit parang mali ang desisyon ko?
Mali nga ba ako? Hindi Princess. Tama lang ang ginawa mo. Sigurado ako na mas matatahimik ka na ngayon dahil nabawasan na ang kulugo sa buhay mo.
May isa pa akong dapat tuklasin. Yung plano? Anong misyon ang kailangan nila? May kinalaman ba ako doon?
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
Fiksi PenggemarWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...