"Auntie, pati ba naman ikaw ay maniniwala sa ibinibintang nila sa akin?"

Halos maiyak iyak na tanong ko kay Auntie, habang magkakaharap kami sa sala.
Kakadating lang din kasi namin galing school.
Ipinatawag si Auntie Ysabelle ng head director dahil sa paratang ng nakararami sa akin.

Kahit anong sabihin at tanggi ko ay walang naniniwala sa akin na hindi ako ang may gawa non.

Hindi ko magagawa iyon kay Emy Rose dahil itinuring ko siyang kaibigan.

"Cess, darling. I am not saying na ginawa mo nga iyon," sabi  ni Auntie. "I believed you okay?"

Nilingon ko ang apat sa tabi ko. "Kayo, naniniwala ba kayo sa kanila?"

"Ewan ko." Tila nanlumo ako sa sagot ni Eroz. "Pero dahil sabi mo hindi ikaw iyon, magtitiwala ako."

"Naniniwala ako sayo Princess." Sagot ni Lay.

"Ako din." Sang ayon na rin ni Hiro.

Tumayo naman si Dricks sa kinauupuan niya ipinamulsa ang kamay sa suot na jacket. "Kung hindi ikaw, sino?"

"Yan ang dapat nating alamin."

Kinabukasan, habang nag lalakad kami sa campus ay agad kaming sinalubong ni Noi.

"Bilis, kailangan niyong makita ito." Sabi niya at nag mamadaling hinila ako patakbo.

Huminto kami sa tapat ng classroom nila Emy Rose. Nagkaka gulo ang mga studyante, kami naman ay napatingin na din sa pinag kakaguluhan ng lahat.

Sa pader ng room ay naka guhit ang manika kong si Skully! Habang may hawak itong kutsilyo. At muli, nagkalat na naman ang mga larawan ni Emy Rose sa paligid.
Kapareho iyon ng mga pictures niya na pinababoy.

Napanganga kami pare pareho ng pag masdan namin ang mga bagay na iyon.

"Malala na 'to." Bulong ni Dricks.

"Halika na." Sabi naman si Eroz at hinawakan na ako sa braso.

Pero bago pa man kami makalayo ay nag mamadali na akong nilapitan ni Emy Rose.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" Sigaw niya at akmang sasampalin ako pero napigilan siya ni Eroz.

"Mag-usap tayo." Seryosong sabi  ni Eroz kay kami Emy Rose at dahan dahang ibinaba ang braso nito.

Tila hindi naman makapaniwala si Emy Rose at biglang kinabahan. Napalunok pa ito at tsaka hinawi ang buhok niya.

"Hihintayin kita mamayang uuwian." Sabi pa  ni Eroz at inakay na ako ng tuluyan.

Mukhang wala siyang paki alam kahit na pinag titinginan kami.

Pag pasok naman namin sa classroom namin ay bumulaga sa amin ang mga clone girls.

Napabuntong hininga ako. Anong ginagawa nika dito?

"Kaya malakas ang loob, dahil nagtatago ka sa likod nila Eroz." Naka ngising sabi ni Bernadette.

"Hindi ka na nga nakuntento sa pang gagayuma sa kanilang apat," paratang naman ni Erica Ann. "Tapos ngayon, tinatakot mo pa si Emy Rose na fiance ni Eroz!"

"Tumahimik kayo dahil hindi ko siya fiance." Si Eroz na naman ang muling sumagot.

Natawa naman si Bernadette. "Ano ba ang ipinakain sa inyo ng halimaw na iyan?"

Nakayuko lang ako ng biglang sumigaw ng malakas si Eroz na halos mabingi ako.

"HINDI SIYA HALIMAW!!" sigaw niya kaya lahat ay nawalan ng imik. "AT LALONG HINDI NIYA KAMI KINULAM!"

Tama na. Umiiyak sa sigaw ng puso ko.

Nakayuko pa din ako ng mag lakad si Eroz palapit sa mga clone girls.

"Ano ba ang kailangan niyo? Bakit ba nandito kayo?"

"Dahil malakas ang kutob namin na siya ang gumagawa ng kung ano anong pananakot kay Emy Rose." Si Joana. "Manika niya ang naka drawing sa pader ng class room namin hindi ba? Sigurado ako, dahil iyon ang madalas na idrawing ng Princess na iyan!"

"Anong kailangan niyo?!" Mahina ngunit matigas na tanong muli ni Eroz.

"Umalis na kayo dito please?" Narinig kong sabi  ni Hiro. "Wala naman kayong mapapala kay Princess dahil hindi siya ang may gawa non kay Emy Rose."

"Isa pa, hindi kayo nakaka tulong." Sabi naman ni Dricks. "Mas pinapalala niyo pa ang mga nangyayari!"

"Tama si Hiro dahil kaibigan ang turing  ni Princess kay Emy." Sabi naman ni Noi.

"Uulitin ko." Si Eroz muli kaya napa angat na ang tingin ko sa kanila. "Ano ang kailangan niyo dito."
"Nag hahanap kami ng pruweba na siya ang may gawa non." Si Bernadette. "At kapag napatunayan na siya nga ang may kinalaman ng lahat, ma-i-spell sya sa school natin."

"Iyon lang ba?" Mahinahong tanong ni Eroz at sa pagka gulat ko ay hinila niya ang bag ko at inihagis sa mga clone girls.

"Ayan! Kapag may nakita kayo, ako mismo ang mag dadala kay Princess sa harap ng school director natin." Nanghahamong sabi ni Eroz.

Napalunok naman si Bernadette. Pero ilang saglit pa ay sinimulan na niyang buksan ang bag ko at itinaktak ang laman non.

Napalunok na lang ako habang isa isa kong nadidinig ang pag bagsak sa sahig ng mga gamit ko.

May sketchpad, dalawang libro, mga ballpen at lapis, gunting, mga susi, susi ng bahay at kwarto ko at pati na rin ang susi ng locker ko. May dalawang horror cd din na bagong bigay lang ni Dricks sa akin dahil inalagaan ko daw siya noong may lagnat siya. Huling nalaglag ang bag ko.

Maya maya pa, narinig ko ang inis na pagtawa ni Eroz.

"Ano, masaya na ba kayo? Kuntento na ba kayo?"

Tila napapa hiya naman ang mga haliparot na clone girls dahil sa pagka bigo nila.

"Oh baka naman hindi pa kayo kuntento? Baka gusto niyo pati ang locker ni Princess ay buksan niyo na rin?" Nanghahamong sabi pa ni Eroz. "Ako na ang mag bubukas para sa inyo!"

Dinampot pa ni Eroz ang susi ng locker ko at nag lakad. Nakasunod lang ang tingin ng lahat sa kanya hanggang maglakad siya palapit sa locker na may pangalan ko.

Pakiramdam ko, lahat ng tao sa paligid ko ay hindi kumukurap habang pinapanood si Eroz kung paano susian ang walang kamuwang muwang na locker ko.

Napalunok ako. Habang may kaba sa dibdib. Ngayon lang ako na-involve sa ganitong uri ng akusasyon!

At ilang saglit pa, tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa pagkaka tayo ko. Hindi pa tuluyang nabubuksan ang locker ko ng may magkalaglag na mula roon.

Napa nganga ako habang nanlalaki ang mga mata!

Nagkalaglag kasi ang ilang spray paint, at ang sandamakmak na picture ni Emy Rose.

Hindi. Hindi maaari ito.

Nag simula ng magka gulo sa paligid. Pero wala akong paki alam sa bawat isa.

Dahil tanging kay Eroz lamang nakapako ang mga mata ko, habang bakas din sa itsura niya ang pagka bigla.

Hindi maaari ito. Paano nangyari ito?

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon