Hindi ko alam kung napilitan lang ba nilang kainin yung niluto ko dahil sa sobrang gutom nila o ano. Mukha namang hindi. Bigla kasing aliwalas ng mga mukha nila habang tinitingnan ko silang kumakain ngayon sa lamesa."Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Lay. "Tara na, sabayan mo na kami."
Umiling ako. "Ang sarap mo palang mag-luto Princess. Salamat ha?" Wow. Pinupuri ako ni Eroz. Biglang ganda nang mood nya.
Kitang kita ko ang satisfaction sa mga pagmumukha nila. Silaw na silaw ako sa kagwapuhan nila kaya tinalikuran ko na sila at nagpunta na ako sa kwarto ko.
Ayos ah. Hindi man lang ako pinigilan ng kahit sino sa kanila para piliting kumain. Cess naman kasiiii! Gusto mo bang maumay pa sila?
Pagkatapos nilang kumain ay may kumatok sa pinto ko. Pinagbuksan ko si Eroz.
"Hindi ka ba nagsasawang magkulong dyan sa kwarto mo?" Tanong nya. Medyo pawisan pa yata.
"Bakit ako magsasawa?"
"Dahil mukhang nakakasawa. Tara nga sa labas. Subukan mong makipag-kwentuhan sa amin." Sabi nya at bago pa ako makapag protesta ay hinila na nya ako sa braso.
Pinaupo nya ako sa sala kung nasaan yung tatlo pa. Muli ay napaliligiran na naman ako nang mga matipuno at busog na busog na ngayong mga gwapo.
Nakayuko na naman ako, hindi makatingin sa kanila. Pakiramdam ko, kahit hindi ako kumain ay busog na busog na ako. Sobrang gwapo nila...
"Hindi mo ba kami nakikita sa school campus dati,Cess?" Tanong ni Hiro.
"Oo nga, sabi kasi ni Auntie same University lang tayo." Sabi nama ni Lay. "Bakit hindi ka rin yata namin napapansin dati?"
Narinig ko ang pagtawa ni Eroz. "Nagtaka pa kayo? E nakita nyo naman na sa dilim lagi sya nakasiksik. Siguro nga,kapag nasa klase yan lagi pa ring nasa sulok e."
Umirap ako kahit nakayuko. Busog na naman kasi si Eroz kaya nang aasar na naman.
"Pinag-kakamalan ka din bang multo sa class room nyo?" Tanong pa nya tsaka tumawa nang malakas. Sa sobrang inis ko ay kinuha ko yung throw pillow at ibinato sa kanya. Gulat na naman sya. "Bakit mo ko binato?"
"Gusto mong palayasin kita?" Nag-angat ng ulong tanong ko.
"O ayan na naman kayo. Para kayong aso't pusa." Singit ni Lay at hinimas ang tiyan. "Nabusog talaga ako. Ang sarap kasi nang niluto mo." Gulat na gulat pa ako nung bigla nyang hawakan yung dalawang kamay ko. "Cess, ipagluto mo na lang kami araw araw. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo."
Napanganga ako sa sinabi nya. Nanginginig yata ang buong katawan ko. Kasi naman e, nakakabigla sya.
"Aray!" Reklamo pa ni Lay dahil hinampas sya si Eroz ng unan. Umayos sya nang pagkaka-upo at hinimas ang ulo.
"Kung makahawak ka." Sabi ni Eroz. Yung buto ko.... Natunaw yata. Nag-seselos ba sya? Umayos ka nga Princess. Wag kang maniwala sa himala!
"Nasaan nga pala yung manika mo? Hindi mo yata hawak." Tumawa ulit si Eroz. "Ginagamit mo ba yun pangkulam sa iba? Hahaha!"
"Hindi ko pa nasusubukan. Baka sayo pa lang!" Tumayo ako at lumapit sa kanya. Napasigaw sya dahil bumunot ako nang buhok sa kanya."Bakit mo ko binunutan?!" Sigaw nya. Sya na nga talaga ang totoong Eroz. Sana pala hindi ko na pinakain ang halimaw na hampas lupang to.
"Kukulamin nga kita e." Sagot ko. "Alangan namang laway mo pa ang kunin ko, ma-rabis pa ko.!" Ako naman yung tumawa at ibinato nya sa akin yung unan na hinagis ko sa kanya kanina. Kaya napatigil ako at tumitig sa kanya.
"Ano!?" Nanghahamong tanong nya. Bumalik na naman sya sa ugali nya noong una.
"Akala mo ba nag-bibiro ako? Kaya nga kitang kulamin tulad ng iniisip mo." Tumawa ulit ako at tumayo. "Gusto mong subukan ha? Tingnan natin!"
Bago pa ako makaalis ay napigilan na nya ako sa kamay. Yung paghawak nya. Parang kumidlat sa loob ng sistema ko daig ko pa ang nakuryente. May pagka-wirdo lang ako pero hindi ako baliw. Ano ba tong nararamdaman ko? Inis lang yan Princess.
"Bago mo gawin yan. Putulan muna natin yang buhok mo." Nakangising sabi ni Eroz sabay hila sa akin paupo sa sofa at nilingon si Dricks. "Kuha kang gunting!"
"Sure." Sagot naman ni Dricks. Napalunok ako. Seryoso ba sya? Gugupitan nya ang buhok ko?
Pagbalik ni Dricks ay may dala pang gunting. Nanlaki yung mata ko dahil hindi yun basta gunting. Yun kasi yung ginagamit kong pang gupit ng Bermuda grass sa garden.
Napanganga din si Eroz nung iabot sa kanya ni Dricks yun. "Ano yan?" Tanong pa nya habang pigil ako. Halos daganan na nga nya ako sa sofa.
"Baka kasi hindi kayanin ng buhok nya kapag yung maliit na gunting lang." Sagot ni Dricks. Humanda ka kapag nakawala ako kay Eroz.!
Narinig ko na bumuntong hininga si Eroz. "Pwede na yan." Nanlaki halos yung mata ko sa sinabi nya lalo na nung kunin nya yung pang gupit ng damo kay Dricks. Nagtitili na ako at pumapalag kaya sinakyan na nya ko. "Wag kang malikot! Matagal na kong iritang-irita sa buhok mo kaya gupitan na natin."
"Ayoko! Ayoko! Ayoko!!!...." Sigaw ko habang pumapalag. Hindi na yata nya ko kaya, kaya humingi pa nang tulong kay Dricks at Hiro.
"Tulungan nyo ko. Hawakan nyo nga sa kamay to."
Halos isumpa ko yung dalawa nung sumunod naman sila kay Eroz. Habang nakapanganga naman si Lay.
Ibininuka na ni Eroz yung malaking gunting. Gamit pa ang dalawang kamay nya. Hindi ako makapaniwala! Naiiyak na ako. Wala pa rin akong tigil sa pagsigaw. Ipinaupo pa ako ni Dricks at Hiro.
"Eroz, ano ba naman kayo? Tigilan nyo nga yan." Narinig ko na sabi ni Lay. Pero hindi man lang sya nilingon nung tatlo. Please Lay, hilahin mo ko sa kanila.
Nanlaki yung mata ko nung magpunta sa gilid ko si Eroz. Halos pigil ko yung pag-hinga ko nung ipatagilid na nya yung giant gunting.
Tumawa pa sya. "Saglit lang to Princess."
"E-E-Eroz...wag!" Sabi ko. "Wag E......roz."
Pero huli na...... Maging sila ay napatigil at napanganga nung malaglag sa sahig ang kalahati ng bangs ko. Nanigas yata ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na namalayan ang pag-bitiw nila sa akin. Kitang-kita ko... Kitang kita ko ang pagkalaglag ng pinakamamahal kong bangs. Ang bangs ko... Ang buhok ko...
Naluluha akong napatingin kay Eroz na hawak pa din ang gunting. Nakatitig sya sa akin habang nakanganga. Biglang bigla din yata sa ginawa nya. Sigurado ako na, lalong pumangit pa ang pangit kong mukha. Ang mukha ko... Hindi ko na sya matatabingan gamit ang buhok ko. Hindi ko na maitatago ang mga tigidig (tigyawat) ko..
Pumatak ang mga luha ko. Nanginginig pa nga yata ang bitak bitak kong labi. Kahit kelan ay wala pang naglakas loob sakin na gawan ako nang mga ganitong bagay. May kidlat pa nga yata akong nakikita sa likod ni Eroz. Nagdidilim ang paningin ko... Galit na galit ako sa kanya...
"Princess..." Boses ni Lay. Naawa yata sa akin o lalong natakot.
Naiyak na ko nang malakas at nagtatakbo sa kwarto ko.
Sa ginawa mong ito Eroz. Sinisiguro ko na mamamatay ka na talaga...
Ang buhok ko. Hindi na kayang takpan ng bangs ko ang mukha ko ngayon. Lalo na akong masisilaw.. Wala na akong panabla...
Eroz... Hindi kita mapapatawad.
***
AN: Sino gustong magpa-hair cut? Si Papa Eroz mismo ang gugupit. :D :D
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...