My knight in shining armor
Nasa isang cafe ako ngayon, nakatitig lang ako sa kapeng in'order ko habang hinihintay ko si Auntie.
"Bakit ba pinapapasok ang katulad nya sa ganitong lugar?"
"Hindi ba naisip ng mga tauhan dito na baka may dalang germs ang babaeng yan?"
Nilingon ko yung dalawang babae sa katabi kong table dahil alam kong ako ang pinag uusapan nila. Inirapan nila ako at parang pinandidirihan kung tingnan.
"Lumipat na nga lang tayo ng table."
"Tama ka girl, lumipat na lang tayo dahil nakaka-walang gana."
Nakaka sawa na paulit ulit kong naririnig ang mga ganitong klase ng panlalait. Kelan ba ako mawawalan ng masasakit na salitang maririnig sa mga taong ni hindi ko kilala tuwing lalabas ako?
Sobra na sila. Napipika na ako! Sawang sawa na ako!
"Check mong mabuti yung mga gamit mo, baka mamaya sobrang bilis ng kamay nyan. Hindi natin alam nanakawan na din pala tayo." Maarte pang sabi nung isang babae habang inilalagay sa tray yung frappe nya. Oo na! Ako na lahat sa paningin nyo mga peste kayo!
"Excuse me, waiter." Nag-angat kamay na sabi naman nung kasama nya. Mabilis namang lumapit yung waiter sa kanila. "Can you help us? Lilipat kasi kami ng table, malayo dito. Because you know..." itinuro nya ako habang tiningnan ko lang sila. "Bakit ba kasi pinapasok nyo dito yan? Hindi ba kayo natatakot sa kanya? Tsaka, look at her!"
Sobra ka na talagang haliparot ka! Naka kuyom na ang kamay ko. Gusto ko na syang sugurin. Pero ano naman ang mapapala ko? Tama naman sya. Pinigilan ko ang sarili ko kahit na gusto ko ng saksakin ng tinidor ang mga mata ng maaarteng babaeng toh!
Pero hinayaan ko na lang sila.
"Ouch!--~"
Pagdaan nya sa tapat ko ay bigla syang napatid sa paa ng lamesa. Nag-pigil ako ng tawa. Buti nga sa kanya. Ang bilis talaga ng karma.
Naka-kagat labi ako ng makatayo yung babae at galit na hinarap ako.
"Hoy ikaw panget ka! Pinatid mo ba ako?!" Sigaw nya sa akin kaya mabilis na nakuha nya ang atensyon ng lahat. Ang kapal talaga ng muka. Pag bintangan daw ba ako sa katangahan nya? "Wag mo kong titigan dyan! Sumagot ka!"
"Wala akong ginagawa sayo." Sagot ko.
"Wala ah. Sinungaling ka!" Tsaka dinampot nya yung juice sa isang table at isinaboy sa akin. Gulat na gulat ako kaya napa tayo ako agad sa kinauupuan ko.
Nagtatawanan naman yung ibang tao habang pinapa nood kami. "Yan ang bagay sayo! Sinungaling ka!""Wala naman talaga akong ginagawa sayo."
"Akala mo maniniwala ako? Sigurado akong pinatid mo ako."
Ayos to ah. Napabuga na lang ako ng hangin at napa-kamot sa ulo ko.
"Ang kapal ng muka mong panget ka. Pasalamat ka at hindi ako sumubsob!"
"Sinabing wala akong ginagawa sayo. Pati ako dinadamay mo sa katangahan mo!" Sigaw ko dahil sa inis.
Nag-kanstawan naman yung mga tao na parang gusto ay magkagulo pa kami nung haliparot na to.
Nanlilisik ang mata nung babae na sinugod ako at sinampal. Halos mabiling ang muka ko dahil sa ginawa nya. Naramdaman ko agad ang pagka-manhid nito sa pisngi ko.
Naririnig ko yung tawanan sa paligid. Hindi ako maka-galaw. Tiningnan ko lang yung babae na dakdak ng dakdak sa harap ko.
Naipikit ko na lang ng madiin yung mga mata ko nung akmang sasampalin na naman ako nung babae. Pero walang palad na dumampi sa akin.
"Tumigil ka kung ayaw mong ipahiya kita dito." mabilis na kumabog ng malakas yung dibdib ko ng marinig ko ang boses na yun. Nag angat ako ng tingin.
"E-Eroz?" Bigkas ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Pigil nya yung kamay nung babae habang nakataas sa ere.
"Ano ba? Bitiwan mo ang kamay ko." Sabi nung babae na parang gulat na gulat din.
Na-ngi-nginig ang mga tuhod ko! Gusto ko ng umalis dito.
Galit na binitiwan ni Eroz yung kamay nung babae at hinarap ito. "Hindi mo ba sya narinig?" Tanong ni Eroz. "Wala naman daw syang ginawa sayo."
Narinig ko na tumawa yung babae. "Siguro naaawa ka lang sa pulubing yan?"
"Mag-sorry ka sa kanya." Nagulat at napa nga-nga ako sa utos ni Eroz sa babae.
"Ano?" Tumatawa pa ring tanong ng babae. "Wait. Siguro technique mo lang to. Siguro, nagpapa-pogi ka sa harap ng mga tao dito dahil gusto mong kunin ang number ko." Maarteng sabi nung babae sabay hawi ng buhok nya. Nagpapa-cute sya kay Eroz. Kapag hindi ako nakapag pigil ay sasabunutan ko na to. Nanlaki pa yung mata ko nung ayusin nya yung suot na jacket ni Eroz. Ang arte!
Pero mas nagulat ako nung biglang hawiin ni Eroz ng marahas yung kamay ng babae. Napa-aray yung babae. Magsasalita pa yata pero tinalikuran na sya ni Eroz at hiniwakan ako sa kamay tsaka ako hinila palayo sa lamesang yun.
Pero na ngangatog talaga yung tuhod ko. Hindi pa kami nakaka layo ay napa upo ako bigla habang hawak pa din ni Eroz sa kamay. Dahilan para mapatigil din sya sa paglalakad. Narinig ko na nag buntong hininga sya. Tapos ay hinubad nya yung jacket nya at ipinatong sa balikat ko.
Naririnig ko ang bulungan sa paligid. Ako at si Eroz ang sentro ng usapan.
Nakaka-hilo. Sana pala ay hindi na lang ako lumabas ng bahay.
Pero parang gusto ko din yata yung nangyari. Napapikit ako ng madiin dahil sa naiisip ko.
Eroz, salamat at dumating ka.
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...