Hero...

Princess P.O.V

"Skully... Skully.." Luhaan akong lakad-takbo kahit hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Masakit na din yung paa ko. Sa kagustuhan ko nang katahimikan at mawala si Eroz sa paningin ko ay hindi na ko nag abalang mag-suot ng tsinelas. Nagtatakbo na lang ako palabas.

Nung makaramdam ako nang pagod ay naupo ako sa damuhan sa gilid ng kalsada. Hingal na hingal ako. Pinagtitinginan ng mga nagdadaang tao. Hinahagisan pa ako ng iba ng barya, nagbababa ng pagkain sa tabi ko, at yung iba naman ay nandidiri. Meron pa ngang naghagis ng pabango sa akin. Ganun na ba ko mukhang kabaho?? -___- Wala akong paki alam!

"Skully... Wala na si Skully...." Para kong tanga kakahikbi. Hindi mawala sa isip ko kung pano tanggalin ni Eroz yung ulo at mga kamay nya. Humanda ka sa akin Eroz!!! Pag nagkita tayo ay ikaw naman ang cha-chop-chopin ko! Ng pinong pino!!!

"Aray!" Napatingin ako sa mga kabatang bumato sa akin. Tawanan pa ng tawanan. "Aray ko! Ano ba?!" Sigaw ko sa mga bata. Apat sila. Natakot yung dalawa, pero yung dalawa naman ay pumulot ulit ng bato at binato ako. Aray ko talaga. Tinamaan ako sa ulo. Ang sakit! Nahihilo na ko.

Tumayo ako para bawalin sila. Nagtatakbo naman sila tsaka nag belat sa akin. Nakalingon silang apat sa akin habang naglalakad at patuloy sa pang aasar! Napipikon na ko. Teka! Mukang gusto yata nang mga makukulit na batang to na sila ang unahin kong i-chop chop.

Nakakita ako ng mahabang kahoy at dinampot yun. Tsaka ko sila nilapitan, na nagtatakbo naman. Pagod na ko. Ano bang mapapala ko sa kanila? Nagpasya akong wag na silang patulan at bumalik na lang sa kinauupuan ko kanina.

Nagbalik na naman tuloy sa isip ko si Eroz! Pati na rin si Skully. Sobrang nalungkot na naman ako. Naiiyak na naman ako. "Waaaaahhhh! Skully.... Waaaaahhhhh!!!"

Napatigil ako sa pag iyak nung nakarinig ako ng malakas na busina. Nung tingnan ko kung saang direksyon ay nakita kong dun sa mga batang nang-aasar pa din ngayon. Iniisip yata na kaya ako umiiyak ay dahil sa pang-aasar nila.

Nagulat ako sa sobrang lakas na patuloy na pagbusina ng isang school bus. Wala yatang preno! Yung isang bata!!!

Hindi na ko nag-isip pa at mabilis ng nagtatakbo mula sa kinaroroonan nung bata. At bago pa sya mahagip ng sasakyan ay laking pasasalamat ko dahil nahila ko agad sya.

Nakahiga na ako sa kalsada habang yakap yung bata para protektahan. Mabilis akong tumayo at itinayo din sya.

"A-ayos ka lang ba? M-may masakit sayo?"

Tanong ko sa bata na bigla na lang natulala. Tsaka ako napalingon sa school bus na nawalan nga ng preno kaya mukang napilitang ibangga na lang sa puno.

Bumaba yung driver at mabilis kaming nilapitan. "Miss, pasensya na. Nawalan kasi ako ng preno. Nasaktan ba kayo? Yung bata? Dadalhin ko kayo sa Hospital." Mukha namang mabait si Manong driver.

Nagulat kami nung bigla na lang umiyak ng malakas yung bata. Maya maya ay may mga tao ng naglapitan. Syempre para maki-isyoso! Pagkatapos ay may isang babae ang nagmamadaling lumapit at hinila sa akin yung bata dahil hawak ko pa para alalayan.

"Anong ginawa mo sa anak ko?!" Sigaw niya sa akin. "Ano?! Kidnapper ka? Walang hiya ka. Lumayo ka sa anak ko.!"

Hala!? Gulat na gulat naman ako. Problema ni Ate???

"Maam, mag hunos dili po kayo." Sabi naman nung driver nung bus. "Wag naman po kayong magbintang ng ganyan, ang totoo nyan ay iniligtas pa nga nya ang anak niyo."

Bigla namang natameme yung babae. Halatang napahiya.

Tinalikuran ko na sila. Bahala na sila sa buhay nila. Wala akong panahong makipag argumento sa mga tulad nila.

"Teka lang Miss, may sugat ka sa braso." Tawag sa akin ni Manong driver. Sugat? Napahinto ako at tiningnan yung braso ko. Nagdudugo nga. "Sumama ka sa akin para ipagamot yan. Ako na din ang bahala sa ina nung bata para ipaliwanag ang nangyari."

Hindi ko sya pinansin. Nagdire-diretso lang ako ng lakad. Hanggang sa unti unti na kong nakalayo sa kanila.

Ang sakit na ng paa ko pero ayoko pang umuwi. Hindi ko na gustong umuwi sa bahay ko. Wala na akong ganang tumira dun.

Napahinto ako nung naramdaman kong may pumatak sa katawan ko. Tumingala ako. Umaambon. Naglakad ako ulit. Kahit wala akong pupuntahan.

"Umuwi na tayo." Napahinto ako sa narinig ko. At nilingon yung nagsalita. Si Lay, nakapamulsa sya habang nakatingin sa akin. Ano ginagawa dito ng kulugo na to? Kanina pa ba sya?

Naglakad sya palapit sa akin. Medyo lumakas yung ulan pero hindi ako makatakbo para humanap ng masisilungan.

"Umuulan na. Umuwi na tayo, pwede ba?" Si Lay?? Naka ngiti sa akin ng pagkaganda-ganda? Natutunaw na yata ako.

Hindi ako maka-pagsalita. Napakunot noo na lang ako nung naramdaman kong nabasa ng ulan yung sugat ko sa braso. Ang hapdi.

Napanganga na lang ako nung bigla akong buhatin ni Lay. Yung paraan ng pagbuhat na ngayon lang ulit may gumawa sa akin. Para akong Prinsesa. Hindi ako makagalaw habang buhat nya at naglalakad. Sa kasagsagan ng buhos ng ulan. Hindi ako makapag salita para sabihing ibaba niya ako.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa pagkatao ko na ngayon ko lang ulit naramdaman. Ngayon lang ulit may nagbuhat sa akin. Ngayon na lang ulit simula ng mawala sya sa buhay ko.

Papa....

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hanggang sa mapakapit na lang ako sa kuwelyo ng damit ni Lay.

Hindi ko sya magawang tingnan kung ano ang naging reaksyon niya sa ginawa kong pagkapit sa kanya.

Isa lang ang alam ko. Nalulungkot ang puso ko.

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon