Finally talk to them...
Pagdating ng bahay ay naligo ako agad. Bumaba na at inayos lahat ng pinamili namin. Naglalagay ako ng karne sa ref. Tsaka ko isinunod yung ibang gulay. Iniwan ko yung patatas at hinayaan kong nakababad sa tubig para mawala yung putik.
Yung apat na gwapong nilikha. Nasa sala yata. Mula nung nasa daan kami pauwi, tawa lang sila ng tawa na para bang walang nangyari. Ni hindi sila nagbukas ng usapin tungkol sa nangyari. Hindi na lang din ako nagsalita.
Pagkatapos kong ayusin lahat ng pinamili namin ay pinakuluan ko naman yung manok. At habang nakasalang yun ay nilinis ko naman yung mga patatas at inilagay na din sa ref.
Pinagluto ko sila nang pagkain. Nagluto din ako nang chicken teriyaki na pinaglilihihan yata ni Eroz.
Naalala ko naman si Eroz. Napangiti na lang akong mag isa na parang hibang.
Pagkatapos kong magluto ay iniwan ko na yung mga pagkain sa kusina. Hindi na ako naghain. Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Wala sila sa sala. Malamang ay nasa kwarto na nila. Nagtaka ako pag tapat ko sa kwarto nila dahil walang maingay. Bakit parang wala sila? Lumapit pa ako sa pinto ng kwarto nila at idinikit dun yung tenga ko. Ang tahimik. Wala ba sila? Kanina lang kasi....
"Ay kabayo!!" Muntik na akong mabuwal dahil bigla na lang bumukas yung pinto. Buti na lang ay bumangga ako sa katawan ni.. Brian Eroz!! Nanlaki yata yung mga mata ko ng sobra. Nakahubad kasi ang mokong.
"Anong ginagawa mo?" Kunot noong tanong nya, marahil nahuli nya akong nakikinig sa pinto nila.
Pinilit kong tumayo ng diretso at huminga nang malalim para makapag salita ako nang maayos. "Anong ano ginagawa ko? Baliw ka yata." Sabi ko.
"Ano pinakikinggan mo? Bakit hindi ka kumatok?"
Patay! Nahuli nga talaga ako. "Pinag-sasasabi mo ba?" Sigaw ko sa kanya. Naka kunot noo pa rin sya. Masungit ang itsura.
"Wag ka ngang mag-maang maangan halimaw."
"Ewan ko sayo. Para kang gago. Tumabi ka nga!" Sabi ko na lang at binunggo sya dahil nakaharang na sya sa pinto nang kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ay pasaldak kong sinara yun at sumandal sa pinto. Ano bang nangyayari sa akin? Pinagpapawisan ako at kabang kaba.
Mabuti pa sigurong umiwas ako sa kanila lalo na kay Eroz dahil lagi akong nakakaramdam ng ganito. Matutulog na lang ako. Antok lang to.
Tulala akong sumampa sa kama at nahiga na. Pinikit ko yung mga mata ko. Pero bigla namang may kumatok.
"Wag mong bubuksan Princess." Mahinang sabi ko sa sarili ko. "Tama, wag. Matulog ka na."
---
Gabi na nung magising ako. Pagbaba ko para kumuha ng tubig ay naghahanda na nang pagkain si Hiro sa lamesa.
"Mabuti naman at gising ka na." Napatingin ako kay Eroz na lumapit na sa lamesa at naupo. "Akala ko wala kang balak bumaba, kanina pa ko gutom."
"Hawak ko ba yung kaldero?" Seryosong sabi ko. "Kanina ko pa niluto yan bago ako matulog, bakit hindi pa kayo kumain? Tsaka ngayon magrereklamo ka?"
"Alam mo, wag ka nang dumaldal. Ang dami mo nang sinasabi. Dati para kang patay ngayon naman--~~"
"Wag na nga kayong mag-away." Sabi ni Dricks. "Para kayong aso't pusa."
"Tama. Kumain na lang tayo ng sabay sabay." Sabi ni Hiro.
"Hindi ako gutom. Kumain kayo kung gusto nyo."
"Tss. Hayaan niyo nga yung babaeng yan!" Sabi na naman ni Eroz. Di ko talaga maintindihan yung kumag na to. Minsan parang anghel. Minsan naman parang dimonyo! Parang ngayon. Dimonyo na naman.
"Ilang araw na lang balik pasukan na naman." Napatingin ako kay Lay. "Aalis na kami dito, pagbigyan mo na kami. Sabay sabay tayong kumain na parang magkakaibigan."
Nawalan ako ng imik. Lay, ang bilis mo talagang mapalambot ng puso ko. Kainis ka.
Hindi ko kasi namalayan na naupo na rin pala ako at kumain nga kami ng sabay sabay.
Sa pangalawang pagkakataon, nangyari na naman 'to.
"Natutuwa kami Princess dahil nakilala ka namin." Sabi ni Dricks.
"Kayo lang." Epal ni Eroz. Kung nakamamatay lang ang tingin, sigurdong nakaburol na ang isang 'to ngayon.
"Masaya din kami dahil kahit papano kinakaiusap mo na kami." Sabi naman ni Hiro. Tama sya, kahit ang sarili ko ay hindi ko maintindihan. Dumadating na lang yung oras na gusto ko rin silang kausapin. "Sana kahit medyo madami na kaming naidulot na pangit sa buhay mo maging kaibigan ka pa din namin. Masaya kaming kasama. Maniwala ka. Kailangan mo lang magtiwala."
"Ano ba to? Dinner o meeting?" Hilig talagang umepal ng Eroz na to. Sarap nyang katayin.
"Epal." Mahinang sabi ko. Pero nadinig pa din nya.
"Hoy ikaw. Wag ka ngang pumapayag na ginaganon ng kahit sino. Hindi tama na hinahayaan mo na lang na pag-pyestahan ka ng mga tao."
"Hindi bat kasalanan niyo naman?"
"Anong ginawa namin?"
"Hoy Eroz,alam nyong dinudumog ako kapag nakikita ng mga tao na malapit ako sa isa sa inyo. Tapos lalapit pa kayo sakin? Alam nyo naman yun ang mangyayari diba?"
Alam ko naman na yung nangyari sa palengke ang timutukoy nito.
"Ang pangit mo kasi! Ayusin mo yang sarili mo para hindi nangyayari sayo yun."
Aray! Gago to ah!
"Eroz."
"Eroz naman, ano ka ba?"
"Nasa harap tayo nang pagkain." Isa isang sabi nang mga kaibigan nya. Kaya parang medyo napahiya naman si Eroz.
"Ang sarap mong mag luto." Nganga na lang talaga ako sa pabago-bagong mood ni Eroz. "Hindi mo ba kinakain yang carrots?" Tanong pa nya sa akin marahil lahat ng carrots ay nasa gilid ng plato ko.
"Hindi."
"Akin na lang."
"Edi ayan." Sagot ko at inilipat yun sa plato nya dahil magkatapat kami. Si Lay kasi yung katabi ko.
Pagkatapos naming kumain ay tumayo na agad si Eroz.
"Nabusog ako. Ang sarap."
"Ako na yung maghuhugas ng plato." Sabi ni Hiro.
"Hindi. Si Eroz ang maghuhugas lahat nyan." Sabi ko kaya gulat na gulat sya.
"Ano? Bakit ako? Ikaw ang babae dito kaya ikaw dapat."
Dinampot ko yung tinidor at lumapit ako sa kanya. "Maghuhugas ka o isasaksak ko sa mata mo to?"
"Oo na! Oo na. Ilagay nyo sa lababo, ako na bahala." Takot na takot na sabi nya.
Natawa naman ako sa itsura nya.
"Tama yan para masulit naman yung kinain mo." Pang aasar ni Dricks.
Nagtawanan pa sila habang pinagmamasdan ko lang sila.
Naisip ko lang, masarap din pala minsan sa pakiramdam yung nakikipag usap ako ng tulad nito. Pakiramdam ko ngayon, hindi ako iba sa kanila.
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanficWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...