Markey with four superlicious delicious boys.....>.<

"Mamamalengke lang ako." Gulat na gulat silang lahat sa sinabi ko. Anong nakakagulat don? Dati ko pa naman ginagawa yun. Wala akong paki alam kahit na kung ano ano ang mga sinasabi sa akin ng mga tao. Sanay na ako. At tanggap ko na rin. Ang tawag nga sa akin ng ibang tao "creepy girl." Tss.

"Gusto mong samahan na kita?" Tanong ni Hiro.

"Oo nga, sasama din ako." Sabi naman ni Dricks.

"Gusto ko din sumama. Para naman makapag lakad-lakad ako. May gusto rin akong bilhin para kay...--~~"

"Para kay Noi?" Putol ni Dricks. "Napapadalas yata ang paglabas niyo ah, ha?"

"Ikaw Eroz, gusto mong sumama?"

Tanong naman ni Hiro sa mga hari ng kulugo habang nakahiga sa sofa. Grabe naman! Sobrang hot niya sa pwesto nya. Kaya hindi nakapagtatakang hinahabol ng kung sino sinong babae.

Nabigla ako nung tumayo si Eroz. "Sige. Tara na."

Halos malaglag na yata ang panga ko sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin nya. Anong nakain nito?

"Alright! Lets go!" Tuwang tuwang sabi ni Hiro, tsaka nauna silang apat sa paglalakad habang ako ay naiwang nakatulos sa kinatatayuan ko.

Nanginginig yata ang makapal na pagmumuka ko. Ako? Mamalengke kasama ang apat na gwapong nilalang? Delubyo ang hanap ko kapag lumabas ako nang kasama sila. Kaya naman imbis na sumunod ako sa kanila ay umatras na lang ako. Mas mabuti yatang wag na kong lumabas. Manonood na lang ako nang horror sa kwarto ko. Hehe! Tama.

"At saan ka pupunta?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa boses ni Eroz. At bago ko pa sya maharap ay patalikod na nya akong inakbayan at hinila. "Mamalengke tayo. Magluto ka nang chicken tereyaki."

Nagwawala ako pero wala na akong nagawa. Tawa lang naman ng tawa yung tatlo.

Matutunaw ako. Matutunaw ako. Hindi ko kaya to..... Skully!!!!

---

Gaya ng inaasahan ko. Pinagtitinginan kami nang mga tao. Halos lahat kami ang pinag uusapan. Lulubog na yata ako. Gusto ko nang bumalik sa kwarto ko.

Ano daw kaya ang ginawa ko sa mga kulugong to at napaliligiran nila ko? Nanginginig na talaga ako. Tapos bigla pang umakbay sa akin itong si Lay. Nagsigawan na tuloy yung mga tao.

"L-lumayo ka sa akin. Pinagtitinginan tayo." Utos ko sa kanya. Pero hindi man lang sya natinag.

Nasa bilihan kami ngayon ng mga gulay.

"Princess, may patatas pa ba tayo sa bahay?" Sigaw ni Hiro. Kinikilabutan ako. Gusto bang ibandera nang abnormal na to na sa iisang bahay kami nakatira??

"Ha?"

"B-bahay?"

"Na--nakatira ba sila sa iisang bahay?"

"Siguro. Baka katulong nung mga lalaking yan yung babae na yan."

"Pero bakit sila kukuha nang isang katulong na nakakatakot?"

"Teka, celebrity ba yung apat na yan?"

"Aba! Kay gagandang lalaki."

Nyeta! Lahat sila kami ang topic, mapabungal man o kalbo!

Sa wakas ay inalis na ni Lay yung kamay nya sa balikat ko. Agad akong lumayo at nilapitan yung isang suki ko. Sa lahat ng tindera dito, ito lang ang walang sinabi tungkol sa akin. Kahit kelan ay hindi ako nito tinawag na panget o kung ano ano pa.

"Princess, ngayon na lang yata kita ulit nakita?" Sabi ni Aling Mora. Medyo may edad na din sya at sari saring gulay ang mga paninda nya. Inabutan nya ako nang plastik bag. "O hayan, kumuha ka na at kikiluhin ko. Hetong mga patatas at kamatis bagong ani lang yan. Pati itong toge."

Tinanggap ko yung plastik. Tsaka ako naglagay ng patatas. Wala na kasi kaming stock sa bahay. At tsaka paborito kasi ni Hiro ang mash potato na ginagawa ko. "Kapag tatlong kilo na po tama na." Sabi ko sabay abot ng isang plastik na patatas.

"Sino ba sa mga binatilyong iyon ang kasintahan mo suki?"

Napalingon ako sa direksyong itinuro ni Aling Mora. Hayun si Hiro, Dricks at Lay na napaliligiran na ng mga babae. Halatang gustong gusto nilang kumawala pero pinipilit pa rin nilang makipag usap ng maayos.

Kinikilabutan talaga ako sa tanong ni Aling Mora. Mapait na tiningnan ko ulit sya.

"Wala po." Sagot ko. "Magkano?"

"Isang daan. Sisenta na lang para sayo."

"Heto po. Salamat Aling--"

"Nandito ka lang pala." Hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil bigla na lang sumulpot si Eroz. Saan nangagaling to? Gulo gulo kasi yung buhok nya at nakakunot noo na naman.

"Ah." Napatingin kami kay Aling Mora. "Kung wala sa tatlong yun ang nobyo mo, malamang ay sya na."

"Waaaah!!!!"

"Waaaaah!!!!"

Sabay sabi namin ni Eroz at nagkatinginan. Pareho pa kaming maasim ang pagmumuka habang nakanganga sa isat isa.

"Bagay kayo."

Pakiramdam ko ay tumitibok na yung mga kulubot sa muka ko. Bulag ba tong si Manang?

Napabuntong hininga na lang ako. At sa gulat ko ay bigla na lang akong hinila ni Eroz.

"Nakabili ka na ba nang karne? Gusto ko sabi nang chicken teriyaki!"

Hayok na hayok naman ang kumag na to.

Sa bilihan ng karne ang hinto namin. Hawak pa din nya ko sa braso. Konti na lang talaga ay matutunaw na ko. Hay Eroz. Sobrang gwapo mo.

"So ito pala ang pinagkakaguluhan ngayon?" Nag angat ako ng tingin sa babaeng nagsalita. Nakataas kilay sya sa akin. Ang ganda nya. Ang kinis. "Hoy babae. Kilala mo kung sino yang mga kasama mo? Hindi ka dapat dumidikit sa kanila. Gusto mo bang mahawa sila Eroz sa sakit mo?!"

"Sakit??" Sabi ko pero walang boses na lumabas sa akin. May sakit ba ako???

"Ang dapat mong kasama ay ang mga aso sa kalye. Hindi si Eroz o kung sino sa kanilang apat." Ang lakas ng boses nung babaeng to. Sarap tapalan ng pwet ng manok. Nagmamadali tuloy na lumapit sa amin sila Hiro.

Nagulat kami at napasinghap na lang ako nang bigla na lang buhatin nung babae yung isang baldeng pinagpatakan ng katas ng manok at ibinuhos sa akin. Parang gusto kong umiyak. Nanahimik ako at lumabas lang para mamalengke, bakit kailangan kong magdusa ng ganito?

Naririnig ko na yung tawanan ng ibang tao. Sabi nila, ito daw ang bagay sa akin.

Dahil hindi ko na kaya pang tumagal sa lugar na to ay ibinaba ko yung dala kong patatas at nagtatakbo...

Gusto kong lumayo. Sa malayong malayo.... Yung walang ibang tao kundi ako lang.....

Ako lang....

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon