Princess P.O.V

Lumabas na ako sa Hospital kung saan ako dinala ni Auntie. Basta ng magkaroon ako ng malay kahapon ay nakahiga na ako sa hospital bed.

Naihatid na din ako ni Auntie Ysabelle sa bahay ko at umalis na din siya kaagad pagkatapos ng medyo matagal na usapan nila ng apat na lalaking kasama ko sa bahay.

Dumiretso na ako agad sa loob ng kwarto ko at tila nanibago pa ako. Akala ko nung una ay naliligaw ako at maling kwarto ang napasok ko.

Maayos na maayos kasi ang paligid nito ngayon. Malinis ang bawat sulok at parang walang nangyari noong isang araw.

Napalingon ako sa kama ko kung nasaan nakapatong si Skully, tsaka naman napa dako ang tingin ko sa walk in closet ko dahil mahahalata na siya ngayon. Wala na kasi ang kurtinang nakalagay doon.

Pumasok ako doon at nakita ko din na sobrang ayos na nito ngayon. Maging ang mga damit at sapatos na naririto ay organisado na.

At napangiti ako dahil alam ko na sila Hiro ang nag ayos nito.

Nang mag desisyon na akong lumabas sa walk in closet ko ay napa singhap ako sa pagka gulat ng makita ko si Eroz na nakatayo sa gilid ng kama ko.

Napatingin ako sa hawak niyang picture frame at naglakad ako palapit sa kanya.

"Inayos na ni Lay." Sabi niya sabay angat nito sa ere at ipinatong din sa side table ko.

Pagkatapos ay nanlaki ang mga mata ko ng iharap niya sa akin ang isang sketch na gawa ko. Aagawin ko na sana sa kanya iyon ng mabilis niyang itaas para hindi ko maabot.

Nahihiya ako sa kanya habang kumakabog ang dibdib ko.

"Hindi naman ganito ang itsura ang mata ko." Sabi pa ni Eroz habang nakatingin sa sketch ko. Kaya pakiramdam ko ay nag iinit ang pisngi ko. "Pati yung labi ko, hindi din ganito kakapal."

"P-pwede ba itapon mo na yan." Masungit na sabi ko.

"Sigurado ka?"

"O-oo naman!"

"Talaga lang ha?"

"Basura lang naman yan itapon mo na."

Tinalikuran ko na siya pero bigla niya akong pinigilan kaya napa harap ulit ako sa kanya.

Ano bang mayroon kay Eroz at bakit pinapakaba na naman niya ng husto ang dibdib.

Pinilit kong mag iwas ng tingin dahil kung hindi ay baka bigla na lang duguin ang ilong ko dahil sa sobrang kagwapuhan niya.

"Sorry kung hindi ako naka uwi noong isang gabi." Seryosong sabi ni Eroz kaya lalong nag ingay ang pasaway kong dibdib!

"A-ano naman....a-ano naman kung hindi umuwi? Hindi mo naman ako Nanay kaya hindi ka dapat mag-sorry sa akin."

Pinilit kong baliwalain ang pagiging kalmado niya at nag salita ako sa normal at nakasanayan nilang tono ko.

Tsaka ko binawi ang kamay ko sa kanya.

Napangisi naman siya at ginulo lang ang buhok ko. Pagkatapos ay tinalikuran na ako.

"B-Brian Eroz...."

Napahinto siya ngunit hindi ako nilingon.

"Salamat dahil umuwi ka nung gabing iyon. Salamat dahil iniligtas mo ako."

Itinaas lang niya ang kamay niya ere at tsaka tuluyang lumabas ng kwarto ko.

"Sino kaya ang date ni Hiro para sa next week USC night party?"

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon