Princess P.O.V
Gabing gabi na ako nagpasyang umuwi dahil wala namang pasok bukas.
Si Lay, simula ng umalis ako sa campus ay alam kong naka-buntot pa din siya sa akin.
Naiinis ako sa prisensiya niya kaya hindi ko siya nililingon at hindi ko din siya kinausap mula kanina.
Nasa tapat na ako ng gate ng bahay ng lingunin ko siya.
"Hindi ka pa aalis? Kanina pa ako iritang irita sa iyo?!" Inis na sabi ko sa kanya.
Hindi ako makatagal na tingnan siya dahil maayos ko ng nakikita ang itsura niya ngayon.
Dahil pantay kilay na lang ang bangs ko na ako mismo ang nagtabas kanina!
"Umalis ka!"
Wala siyang imik, naka masid lang siya sa akin. Kaya naalala ko yung sinabi niya na poprotektahan niya ako kahit saan.
Lalo akong naiinis sa isiping iyon lalo na't isa siya sa dahilan kung bakit ang dating pananahimik ko ay gulong gulo na ngayon.
"Sabi ko umalis ka na Lay!"
Hindi na naman siya kumibo.
"Umuwi ka na!"
"Nandito na ko sa bahay ko."
Nagpapatawa ba siya? Ngumisi lang ako na para bang nang iinsulto tsaka ko binuksan ang gate at tinalikuran na siya.
Ngunit isasara ko na sana ang gate ng bigla niyang pigilan.
"Ano ba?!"
Pero imbis na sumagot ay pumasok din siya at kinuha sa akin ang bag ko, tsaka nag patiunang nag lakad hanggang sa harapan ng pinto.
Kinakabahan ako. Ano na naman ba ang nangyayari?
Nag mamadali akong nagtatakbo palapit kay Lay na ngayon ay hawak na ang main doorknob ng bahay ko, halatang bubuksan na niya.
Maya maya ay napatigil siya dahil ayaw magbukas noon. Kaya naman nilapitan ko siya at bahagyang itinulak.
"Ano ba ang ginagawa mo? Mas hibang ka pa yata sa akin!"
Naka irap na sabi ko at kinapa ko ang susi ko sa bulsa ko.
Sinimulan ko ng buksan iyon, alam kong naunlock ko na ang pinto pero bakit ayaw pa din bumukas?
Tila naka-lock iyon sa loob. Pero imposible naman dahil paano mangyayari iyon?
Napa nga nga ako ng lingunin ko si Lay na kalmado pa rin ang itsura.
Hindi kaya...
Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Pagkatapos ay binalingan ko ang pinto at marahas na pinag kakatok iyon.
Ng madaming beses, at malakas.
Hanggang sa naramdaman ko na may nag bubukas noon mula sa loob.
Kumakabog ang dibdib ko habang gulong gulo ang isip ko.
Hanggang sa bumukas ang pinto at bumungad sa harap ko si Hiro.
"A-anong-" hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin dahil maya maya ay sumulpot sa likod niya si Dricks na may hawak na isang rosas at iniabot sa akin.
Naglakad ako papasok sa loob.
"A-anong..ba-bakit kayo nandito? Sino ang-"
Laglag ang panga ko at lalong natigilan ng bigla na lang lumabas si Eroz mula sa shower room.
Pambihira! Nasisilaw ako sa kagwapuhan niya! Napaka hot niyang tingnan.
Nakabalot lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya.
Napatigil din siya sa pagkukusot ng isa pang tuwalya sa buhok niya ng mapansin niya ako.
"ANONG GINAGAWA NIYO DITO???!!!"
---
Mababaliw na yata ako!! Sasabog na yata ang ulo ko at pakiramdam ko ay pinaparusahan ako ng Tita ko!!
Si Dricks ang nagpaliwanag ng lahat sa akin kanina bago ako tuluyang magtatakbo at mag kulong sa kwarto ko.
"Baliw na ba si Auntie? Hindi ba na niya ako naiintindihan na gusto kong mag isa?!" Inis na sabi ko sa hawak kong manika.
"Skully, anong gagawin natin? Kung tumakas na lang kaya tayo? Teka! Bakit tayo ang tatakas eh bahay natin ito?"
Para na talaga akong takas sa mental hospital habang kinakausap ko ang manika.
At ang mga kumag na lalaki naman na iyon? Ano ba talaga ang gusto nilang palabasin?
Nasaksihan na din nila kung paano ako walang hiyain ng mga clone girls at iba pang tao sa school dahil sa kanila!
Hindi pa ba sapat iyon sa kanila para tigilan na ako?
"PWEDE BANG MAWALA NA LANG KAYONG LAHAT?!!!!!"
Wala na akong pakialam ng mag echo ang malakas na boses ko sa buong kwarto ko.
---
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga, pamilyar na din sa sistema ko ang pagka inis na nararamdaman ko sa tuwing naririning ko ang mga boses nila.
Bumaba ako at nag tungo sa kusina para mag timpla ng kape ko. At ng pabalik na sana ako sa kwarto ko ay nakita ko ang buong sala ng bahay na wala na ang mga makakapal na kurtina na inilagay ko.
"Good morning Princess."
"Ay kabayo!!"
Muntik ng matapon ang hawak kong tasa ng kape biglang sumulpot si Hiro sa harapan ko.
"Pasensya na kung nagulat kita. May bisita ka na nga pala."
"Bisita?"
Sino naman ang bibisita sa akin? Bukod sa wala naman akong kaibigan, ay napaka aga pa.
"Nasa labas si Noi, sa garden natin."
Napatingin ako kay Hiro. Napaka cute ng mga mata niya.
"Sabi namin sa kanya natutulog ka pa, kaya hihintayin ka na lang daw niyang magising."
"Sabihin mo umalis na siya!"
Takot na takot yata si Hiro ng talikuran ko.
Wala akong panahon na makipag usap sa kanila. Ang mabuti pa, babalik na lang ako sa kwarto ko at manonood na lang ako ng horror movies.
Hindi pa masisilaw ang mga mata ko sa kagwapuhan nila.
Pag-akyat ko naman sa kwarto ko, parang may bumubulong sa utak ko na harapin ko na sila.
Unti akong lumapit sa bintana ko, at dahan dahan kong nilihis ang makapal sa kurtina at sinilip ko ang mga nasa ibaba.
Ang saya nilang pag masdan.
Naka upo sila habang nakapalibot sa bilog na mesa sa garden ko, madalas si Auntie at mga kaibigan lang niya ang nakikita ko doon dati.
Pero ngayon...
Napadako ang tingin ko kay Noi. Napaka saya niyang tingnan habang nakikipag tawanan sa apat na kulugong kaharap niya.
Kung titingnan sila, para bang iisipin mo na napaka tagal na nilang mag-kakasama at magkaka kilala.
Bigla akong napangiti habang pinag mamasdan sila. Pero unti unti ring nawala ang ngiti kong iyon dahil para bang bigla na lang akong nakaramdam ng kung anong lungkot sa dibdib ko.
Kung sana'y kasing normal din ako ni Noi, kung sana'y kasing ganda niya ako.
Kung normal lang sana ang buhay ko....
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...