Hindi na virgin.

Tulad ng dati. Hindi na naman ako lumabas ng ilang araw mula sa kwarto ko. Mas mabuti pa kasi ang nandito na lang ako kasama si Skully. Hindi pa sumasakit ang mata ko sa apat na kulugo.

Isang gabi ay nagising ako sa pagkakahimbing ng tulog ko. At ang kaingayan na naman nila ang dahilan.

Tiningnan ko yung orasang nakasabit sa pader ng kwarto ko. 3:45 AM. Madaling araw na pala.

Ano yun? Maaga silang nagising? O wala pa silang tulog?

Nakaramdam ako nang uhaw kaya bumaba ako para kumuha nang tubig sa ref.

Madilim pa pero hindi na ako nagsindi ng ilaw dahil kabisado ko naman ang bahay ko.

Agad kong binuksan yung ref at nilabas yung pitsel. Hindi na ako kumuha ng baso. Dahil yung pitsel na mismo ang tinungga ko.

"Hindi ka ba marunong gumamit ng baso?" Sobrang gulat ko doon sa nagsalita at naibagsak ko tuloy yung pitsel.

Tumapon yung tubig non sa sahig pero wala na akong paki alam dahil naitakip ko na ang mga kamay ko sa mukha ko nang bigla na lang lumiwanag.

"Kababae mong tao tinutungga mo yang pitsel?"

Inalis ko yung kamay ko sa mukha ko dahil mas malapit na ngayon ang boses sa akin.

Nasilaw ako. Hindi dahil sa ilaw kundi sa kagwapuhan ni Eroz.

Hindi ito ang oras para hangaan ang baliw na yan Princess.

Kahit nakaharang ang bangs ko sa mukha ko ay nakikita ko pa rin ang maaliwalas na mukha ni Eroz.

Ano na naman kaya ang gusto nito? Wala ako sa mood makipagtalo.

Isa pa ay sawang sawa na akong makipag-away sa kanya kaya naglakad na ako para lagpasan sya. Pero napasigaw na lang ako nung bigla akong madulas ng tubig sa sahig.

Napikit na lang ako at hinintay na sumayad ang katawan ko sa malamig at matigas na sahig.

Pero hindi nangyari ang inaasahan ko dahil agad akong sinalo ni Eroz.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko pa ang mga kamay nya na nakahawak sa bewang ko.

Matutunaw na yata ako. Napakagwapo nya talaga!

"Lampa." Nagising ako bigla nung nagsalita sya at agad akong umayos.

"Kasalanan mo toh! Kung hindi ka nanggulat, hindi ko maitatapon yung tubig. Hindi sana ako madudulas!" Sabi ko at tinalikuran na sya. Dahil kung hindi malang ay mas tunaw na ko ngayon kaysa sa tubig na naitapon ko.

--

Pag sapit naman ng liwanag ay ginutom naman ako bigla. Sa kusina na naman ang takbo ko.

Inabutan ko na naman si Eroz na tahimik na nakasandal sa ref.

"Tabi dyan." Sabi ko tsaka ko sya tinulak palihis sa ref.

Laglag ang panga ko nung makita kong tubig na lang pala ang laman ng ref ko. Inubos nila ang stock ko?

Nakakapanggigil. Simot na ang ref ko. Pasaldak kong isinara yung pinto ng ref. Hindi ko na kinompronta pa si Eroz. Wala naman syang matinong isasagot.

"Princess..." Napatigil ako sa paglalakad nung tawagin ako ni Eroz.

Iba ang pagtawag nya ngayon, masyadong malumanay ang boses nya.

Kaya naman nagtataka ako nung lingunin ko sya na papalapit pala sa akin.

"Princess..." Sabi ulit nya.

Bakit ganun? Parang may ibang dulot sa sistema ko ang pagtawag nya sakin.

Lumakad pa sya nang lumakad....

Habang ako ay lumalakad na din....paatras.

At natigil lang ang pag-atras ko nung masandal na ako sa pader. Alam nyo yung corner ako? Ganun!

"Princess."

"A-ano ba?" Basag ang boses ko.

Lalo pa syang lumapit sa akin. Wala akong maisip na paraan para makaalis sa pagkaka-corner ko kundi ang birahin sya.

Pero natigilan ako nung hawakan nya yung kamay ko pataas na idinipa.Nakakulong ako ngayon sa mga kamay nya.

Ano bang ginagawa nya?

Hindi ako tatagal ng ganito baka mamatay na ako. Sobrang kinakabahan na ako dahil sa ginagawa nya. Kapag tumagal pa na ganito kami ay baka matunaw na ako.

"Nagugutom na ako." Sabi ni Eroz.

Ano daw? Bakit? Mukha ba akong tinapa sa paningin nya? O kaya ay isang masarap na karne? O baka naman talagang masarap nga ang tingin nya sakin kaya nasabi nya yun?

Napailing ako dahil sa kaberdihan ng utak ko.

Hindi ako toh! Hindi ako toh!

"Gutom na gutom na ko Princess. Alam mo ba yun?" Sabi pa nya. "Please, gutom na ko. Ipagluto mo ko. Gagawin ko kahit na ano pa ang kapalit...kahit na halikan kita tulad nito...."

Nanlaki ang mga mata ko nung bigla na lang nya akong halikan sa mga labi kong bitak-bitak.

Biglang bigla talaga ako sa ginawa ni Eroz. Gusto kong mag-laho.

"Ano? Ipagluluto mo ba ko?" Tanong nya sakin nung matapos nya kong halikan. Tsaka nya ko tinalikuran.

Paglingon nya sa akin ay ganun pa rin ang posisyon ko. Nakataas ang kamay habang nakadipa.

Tulala.

"Ano?"

Unti unti akong umayos. Wala sa loob na hinawakan ko ang bitak bitak kong labi.

"WAAAAHHHHH!"

Pagkatapos ay nagtatakbo ako paakyat sa kwarto ko.

Nakasalubong ko pa yung tatlo at tinanong ako. Di ko sila sinagot.

Si Eroz. Bakit nya ginawa yun? Wala pang gumawa nun sakin kahit kelan sa tagal ng pananatili ko sa mundong ibabaw.

Ang labi ko. Hinalikan nya ko. Matutunaw ako. Kailangan ko nang tubig. Tubig. Tubig.

Iyak ako nang iyak. Ang labi ko. Ang labi kong bitak bitak.

Hindi na sya virgin.

Noooo....

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon