Princess...

Parang naging kalmdamo na ang lahat kahit papaano. Natatahimik lang talaga ako kapag nasa bahay ako.

Dito lang talaga ako masaya, dito lang payapa at malaya.

Bumaba ako sa sala ng marinig ko na parang may mga boses na nag uusap. Nag taka ako dahil, pumasok yung apat na kulugo sa school.

Pinipilit nila akong pumasok din, pero ano pang point? Mag le-leave naman na ako sa USC.

Kinausap ko si Auntie Ysabelle na mag bo-voluntary leave na lang ako sa USC. Gusto ko na kasing matahimik ang utak ko at pagod na rin ako.

Pagod na ako at naawa na sa sarili ko.

"Haaay! Akala ko makukuyog na naman tayo."

"Kaya nga, buti pa si Lay wala ng problema eh."

Naka maang lang ako sa dalawa, kay Hiro at Eroz habang hingal na hingal pareho at bagsak ang mga sarili sa sofa.

"Anong nangyari sa inyo?" Napatingin sila sa akin ng sabay ng maka lapit ako ng tuluyan. "Bakit hingal na hingal kayo?"

"Bukas na ng gabi ang USC night diba?" Si Hiro. "As usual, napaka dami na namang letters ang natatanggap namin at halos dumugin kami sa campus kanina!"

Tila nang hihina at pagod na pagod na sabi niya. "Inaaya nila kami na maging date or partner nila."

"Ayoko na! Hindi na ako babalik sa school, matutulog na lang ako." Sabi naman ni Eroz at tumayo na.

"Nasisiraan ka na ba, Eroz? Alam mo namang required ang lahat na dumalo sa patimpalak na iyon kahit na may partner ka o wala." Sabi naman ni Hiro.

"Nakaka inis naman kasi! Mabuti pa si Lay, si Noi ang date niya kaya wala ng kumukulit sa kanya, si Dricks naman...alam mo naman yun. Kahit sinong babae ay pwede niyang hatakin!"

"Bakit namo'mroblema kayo?" Singit ko. "Wala naman na silang magagawa kung dumalo kayo o hindi-"

"Tama." Putol ni Eroz. "Gagayahin na lang kita. Mag kulong na lang tayo sa kwarto mo. Mas tahimik. Kahit hanggang bukas lang."

Pakiramdam ko ay kumikibot kibot na ang kilay ko dahil sa sinasabi ng Eroz na ito.

Wala na ba talaga siyang matinong isa-suggest?!

"Baliw! Umalis na nga kayo, bumalik na kayo sa school."

---

Nagpunta ako ng campus dahil gusto ko ng ipasa sa head director ng school ang agreement form na ginawa ko para sa kusang pag alis ng USC.

Habang nag lalakad ako papunta sa office ay nakasalubong ko si Emy Rose. Nang magkalapit na kami ay nag iwas ako agad ng tingin at nayuko.

Malamig pa rin ang trato niya sa akin. Sobrang laki ng ipinag bago niya at aaminin ko na nasasaktan ako.

Ang buong akala ko kasi ay nakahanap na ako ng kakampi.

Gusto ko sana siyang kausapin pero mukhang hindi maganda ang awra niya.

"Princess, saan ka pupunta?"

Napa angat ang tingin ko ng magsalita si Noi. Hindi ko na namalayan na halos magkabangga na pala kami.

Kasama niya si Lay, na napaka aliwalas  ng gwapong mukha.

Ang ganda nilang tingnan. Perfect couple sila.

"S-sa. S-Sa office." Ewan pero tila nauutal kong sagot.

Maya maya ay umakbay si Lay kay Noi kaya parang nahiya ako. Eto ata ang unang pagkakataon na naging sweet sila sa harap ko.

"Magkita tayo sa USC night bukas." Naka ngiting sabi ni Lay. "Gusto kong iannounced sa lahat na officially, Noi is my girl friend na."

Wow! Napaka swerte mo Noi.

Bukod sa gwapo si Lay. Walang magagalit sa kanya kahit na siya ang nag wagi sa puso nito. Dahil maganda siya at bagay sila.

Hindi katulad ko, parang katulong na nga lang nila pag naka dikit ako sa kanila, madami pang nagagalit sa akin.

"Wow. Co-congrats-"

Napatigil kami at agad na napasulyap sa likod namin ng makarinig kami ng kaguluhan.

Halos manlaki ang mata ko  dahil pinagpi-pyestahan na naman si Eroz at Hiro ng mga kababaihan at kabaklaan.

"Eroz, please tanggapin mo na ang invitation ko."

"Hiro, kahit 30 minutes lang tayong magkasalo sa table at 30 minutes mo lang akong isayaw bukas, okay na ako."

"Kahit  bukas lang please."

"Mahiya nga kayo, alam niyo naman na si Emy Rose na ang date ni Eroz."

Iyon ang mga usapan na nasasaksihan namin ngayon.

Akala ko ba ay hindi na babalik ng campus ang dalawang ito ngayong araw? Tulog sila sa sofa ng iwanan ko sila kanina.

Aalis na sana ako ng makita ko si Emy Rose na medyo malayo sa dalawang gwapong nilalang na kinukuyog.

Malungkot ang mga mata niyang tinitingnan si Eroz na napatingin din sa kanya saglit kaya nag iwas siya agad ng tingin sa gwapong kulugo.

Bakit ba kasi hindi na lang subukan ni Eroz na magustuhan si Emy Rose, wala namang mawawala. Edi kung hindi mag work, tsaka nila itigil.

Napa ismid ako sa sarili kong naisip.

Imposibleng mangyari iyon dahil iba si Eroz. Iba ang pananaw niya pagdating sa lintek na pag ibig na yan.

At kung tutuusin, may tama naman siya.

Mabuti na rin na inamin niya kay Emy Rose na wala siyang nararamdaman para sa kanya. Mas okay na nga naman mag sabi ng totoo, kaysa paasahin ang isang tao.

"Pasensya na kayong lahat." Napatingin kami kay Eroz ng magsalita siya. "May partner na kasi ako para bukas."

Halatang nagulat ang lahat dahil sa sinabi niya at nagsimula na namang magka gulo sa paligid dahil kanya kanya na ng haka-haka.

"Sino kaya?"

"Si Emy Rose, ang fiance niya."

"Ang swerte naman niya. Sana ako na lang si Emy Rose."

"Pero ang balita ko ni-reject niya si Miss. Rose."

"Totoo kayang meron na?"

"Nag sisinungaling ka lang, diba Brian Eroz?"

"B-bakit naman ako magsisinungaling? Ano naman ang mapapala ko?"

"Kung ganon, sino?"

"Si Emy Rose ba?"

Nakita ko na napa lunok bigla si Eroz at tila kinabahan.

"Ang pangalan niya ay..." hindi maituloy tuloy na sabi niya.

"Ano??"

"Sige, ano?"

"S-Siya si..." napalunok siyang muli. "Siya si..."

Hindi pa rin maideretso ni Eroz ang mga sasabihin niya hanggang sa magtama ang mga mata namin.

"Si Princess. Princess Rosales ang pangalan niya."

Halos mamutla ako at matunaw sa kinatatayuan ko ng sabihin iyon ni Eroz sa lahat.

Nababaliw na ba siya? Bakit ako?!

Natahimik lahat saglit ng maglakad si Eroz palapit sa akin.

Kumakabog ang dibdib ko!

Gusto ko nang tumakbo papalayo at magtago. Pero bakit?

Bakit tila pinipigilan ako ng sarili kong mga paa?

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon