Eroz P.O.V

Halos mamutla ako ng makita ang bagay na nagkalat na ngayon sa sahig.
Napalunok ako, iyon ang mga kapareho ng bagay na madalas natatanggap ni Emy Rose.

Ano ang ginagawa ng mga ito sa locker ni Princess?

Tinging nagtatanong ang ipinukol ko sa kanya, habang naka titig din siya sa mga gamit niya. At ng mag tama ang mga mata namin ay sunod sunod na pag iling ang ginawa niya.

Nag lakad na ako palapit sa kanya at wala na akong paki alam sa mga nakaka kita sa amin. Maging ang mga kaibigan ko ay hindi makapaniwala.

Naniwala kami sa kanya na hindi niya magagawa ang mga bagay na iyon, pero ano ito?

Bago pa ako tuluyang makalapit sa kanya at nag mamadali na siyang tumakbo palabas ng room.

"Princess.." sabi ni Noi at nagtatakbo na din para sundan siya.

Ilang saglit pa, lumabas na din si Hiro at Lay. Sigurado ako na susundan din nila si Princess.

"Ano Brian Eroz?" Napatingin ako sa isang clone girls. "Maniniwala ka na ba ngayon na si Princess ang nananakot kay Emy Rose?"

"Ano, gusto niyo pa rin ba'ng makasama ang babaeng iyon pagkatapos ng ginawa niya?"

---

Bago lumipas ang araw ay nakipag kita nga ako kay Emy Rose, tulad ng sinabi ko sa kanya.

Naka upo kami sa park sa labas ng campus, nakayuko siya habang tahimik sa tabi ko.

"Naniwala ka ba na si Princess ang may gawa ng mga bagay na iyon kahit itinuring ka niyang kaibigan?" Diretsong tanong ko na halos hindi ko na inisip kung maooffend ba siya o ano.

Napatingin siya sa akin ng may malalim na kunot sa noo.

"Hindi pa ba sapat sayo?" Tanong niya na may bahid na inis. "Hindi pa ba malinaw sa iyo kahit ikaw na mismo ang nakatuklas?"

Bigla akong natahimik. Kung tutuusin ay may punto siya. Pero bakit hindi ko makumbinsi ang sarili ko na magagawa nga ni Princess ang mga iyon?

I mean, wirdo siya na ngayon ay minsan na lang. Pero hindi ko maisip na papasok siya sa ganoong bagay.

"Hindi ako makapaniwala Eroz." Sabi niya sabay tayo. "Naiintindihan ko na ngayon ang Daddy mo kung bakit siya galit sayo. Dahil mas pinipili mo pa ang mga bagay na makaka sama sa iyo. "

Agad din siyang nag iwas ng tingin ng lingunin ko siya.

"Mas pinipili mo pang tumira sa bahay ni Princess kaya umuwi sa inyo. Mas ginugusto mo pang makasama ang babae na iyon kaysa sa akin na fiance mo. Bakit Eroz? Piliin mo pa rin ba siya kahit na kaya niyang gawin ang mga ganitong bagay? Gusto kita, alam mo yun pero bakit-"

"Hindi ba't sinabi ko na sayo na walang kasal na mangyayari kahit dumating pa ang tamang oras na sinasabi ninyo?"

Biglang nanlaki ang mata niya dahil hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tsaka unti unting nang gilid ang luha niya.

"Emy Rose, akala ko natanggap mo na at malinaw na sa iyo."

"Gusto kita. Gustong gusto kita!!"

Napa nganga ako dahil sa lakas ng loob niyang aminin ng diretso sa akin iyon.

"May...may minamahal na akong iba." Sabi ko at tiningnan siya ng diretso. "May gusto na akong iba kaya pasensya ka na."

Wala na rin namang patutunguhan ang usapan naming ito. Kaya naman tinalikuran ko na siya pero laking gulat ko ng makita ko si Princess.

Narinig ba niya ang lahat?

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon