Hold up 'to
Lutang ang isip ko sa mga sinabi ni Auntie. Ang buong akala ko ay talagang ihahain niya ako sa mga kulugong kasama ko sa bahay. Wala rin palang kaalam alam ang mga yun. Pati ang tungkol sa renta, wala yun. Panakot lang pala niya yun. Parang nag-dalawang isip tuloy ako kung palalayasin ko pa ang mga kumag na yun sa bahay ko.
Napahaba din ang usapan namin ni Auntie. Hindi ako makapag paalam na uuwi na ako dahil ang dami pa nyang sinasabi.
"Wala ka bang napapansing pagbabago sa sarili mo?" Napakunot noo ako sa tanong ni Auntie at hindi makasagot.
Pero sa totoo lang ay medyo nahihiewagaan na din ako sa sarili ko.
Ngayon ko lang din naisip, medyo nakakatagal na ako kapag kaharap ko silang apat. Nakakalabas na din ako ng bahay pero hindi nagtatagal. Atleast nabubuo ko na yata ang isang araw na lumalabas na ko ng kwarto ko kahit papaano. At higit pa dun, ngayon ko lang din naisip na...Nakakasabay na akong kumain sa apat na kulugo.
"Natutuwa ako Cess." Napatingin ulit ako kay Auntie. Ang ganda ng ngiti nya sa akin.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pagkailang sa kanya. Nahihiya ako.
"Si-sige na Auntie. Uuwi na ako. Malapit ng mag alas sais." Sabi ko na lang at tumayo na.
"Ihahatid na kita."
"Ayoko. Ah I mean, wag na. Ako na lang." Nahihiyang sabi ko at tinalikuran na sya bitbit ang mga binigay nya.
---
Ang hirap naman sumakay. Uulan na naman yata. Dapat pala pumayag na akong magpahatid kay Autie. Gabi na, medyo malayo pa ang bahay ko.
Seven thirty na yata nung sa wakas ay masakay ako ng jeep. Antok na antok na ako. Maghapon kasi akong naglilinis ng bahay kanina bago tumawag si Auntie.
"Kawawa naman yung babaeng naholdap kagabi."
"Oo nga, balita ko nanlaban pa yun kaya ganon ang inabot nya."
"Napakarami na talagang masasamang loob dito sa lugar natin."
Narinig ko na pag uusap nung mga kapwa ko pasahero. Lumilingap ako sa paligid, sa labas dahil malapit na yung kantong bababaan ko.
Sa kakalingap ko ay tinitingnan na pala ako nung ibang sakay. Yung tinging, alam niyo na.
"Bakit?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanila. Nag iwas naman ng tingin yung iba at tsaka nag bulungan. Hmp! Kainis! Ayan na naman tayo.
Tiniis ko na lang hindi pansinin. At ibinaling sa iba ang atensyon ko.
Nasa holdapan pa din yung usapan ng katapat ko sa upuan. Naiirita na ako. Ang daldal nila, ang lalakas pa ng boses.
Sa wakas ay natatanaw ko na yung kantong babaan ko. Hinawakan ko na yung mga dala ko at naghanda na para pumara. Iniusog ko na nga din yung pwet ko.
Eto na. Pababa na ko. "Holdap po!" Shet! Nagulantang yung mga tao sa jeep at nagpanic yung iba. Pambihira naman kasi. Nasagap na ng utak ko yung usapan ng katapat ko kaya imbes na para ang sabihin ko ay holdap ang naisigaw ko.
At bago pa man mukang may aaksyon ay bumaba na agad ako sa jeep at nagmamadaling nagtatakbo. Nakakahiya naman yung sinapit ko. Hay! Panget na nga ako, gagawin ko pang holdaper ang sarili ko.
Pero.... Natawa na lang ako sa sarili ko nung marealized ko kung ano yung ginawa ko. Hahahaha! Nakakaloka! Grabe kasi yung itsura nung dalawang nag chichismisan kanina tungkol sa holdap. Hahahaha!
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...