16

102 10 0
                                    

Pahirapan...

EROZ P.O.V.

Nakakahilo naman yung hininga nang halimaw na to! Parang sumakit yata ang sikmura ko. Ang tindi!

Kaya hindi ko magawang tawaging babae si Princess. Parang hindi talaga sya babae. Hindi malinis sa katawan. Hindi palaayos. Sanay na sanay sya nang ganito mula nung dumating kaming apat sa bahay niya.

Laging nakalugay yung mahaba at itim na itim niyang buhok, okay lang sana kung maganda yun kaso hindi naman. Naninigas lagi, tutsang na tutsang na para bang hindi pinaliliguan.

Kung hihingan ako nang mga words para idescribe sya, napakarami kong maibibigay. Panget, puro tagyawat, baboy, nakakatakot, parang mangkukulam, at wirdo. May sariling mundo lagi. Pero masipag naman sya sa gawaing bahay at masarap naman magluto.

Nung una ngang magluto sya parang nagdalawang isip pa ako kung kakainin ko yun. Baka kasi kung paanong luto lang yung ginagawa niya. Hindi ko mapigilang isipin na kung ano ang itsura niya ay ganun din yung mga ginagawa niya. Pero hindi naman dahil aaminin kong gustong gusto ko yung mga luto niya. Sarap na sarap talaga ako.

May party ako na dapat attenand at kailangan ko nang date. Wala akong choice kundi ang halimaw na ito ang isama ko. Kaysa naman dumugin ako nang kung sino sinong babae dun.

Hindi naman sa pagyayabang pero sobrang hirap talagang maging gwapo. Yung tipong pinipilahan at pinag aagawan ka nang lahat. Yung mapatingin ka lang at mangiti sa kanila ay aangkinin na nila ako. Ang hirap. Buhay pa ako pero pinaparusahan na ako dahil sa pagiging gwapo ko. Kasalanan pala talagang maging gwapo.

Hangin ng Eroz ko. :D***

Heto kami ngayon ng mga kaibigan ko. Sapilitang gagawing babae ang halimaw na to para mailigtas ako sa araw na ito.

Hirap na hirap na kami. Ang kulit kasi ni Cess. Nagwawala sya na para bang takot na takot. Make up lang naman sana tong ilalagay sa mukha niya.

Hawak ko sya sa balikat, habang hawak naman sya ni Dricks sa mga kamay nyang nasa likod na. Si Hiro naman ay nasa harap nya para simulan na yung paglalagay ng make up sa mukha niya.

Oo nga pala, magaling kasing mag ayos si Hiro at sa aming apat ay sya lang ang may porte sa ganito. Kaya malas niya dahil mukhang ngayon lang sya mahihirapan. Bukod sa sobrang likot ng halimaw na to ay talagang pangit pa yung aayusan niya. Goodluck talaga sa kanya.

"Sinabing wag kang malikot!" sigaw ko kay Cess dahil nagwawala pa rin sya.

"Wag! Tigilan niyo ako. Ayoko. Ayoko sabi!!" Sigaw din niya habang patuloy sa pagwawala. Hindi tuloy masimulan ni Hiro ang dapat gawin. Inis na inis na talaga ako. Kaya binitiwan ko sya at dinampot ko yung manika nyang kalansay na natatapakan ko na kanina pa.

"Ano? Makikisama ka o puputulin ko ang leeg ng kalansay na to?!" Pananakot ko sa kanya at iniharap sa kanya yung manika niyang kamukha niya!

At nakita ko kung paano parang nahabag talaga ang itsura nya. Wirdo talaga! Para sa manika lang?? Pero ayos to, mukang mapapasunod namin sya dahil sa tulong ng manika niya. "Ano?" Hamon ko pa sa kanya at akmang papalipitin na yung leeg ng manika.

"Skully.."

Napabuntong hininga ako. Napaka!!! Wirdo! Nakakainis ang pagkaOA ng halimaw na to.

"Bitiwan mo si Skully! Walang hiya kang Eroz ka! Ibalik mo sakin yan!" Pilit nyang inaabot sakin yun pero inilalayo ko. "Humanda ka Eroz! Papatayin kita!" Hindi ko pinansin ang sinabi nya. Sanay na ako sa mga ganung salita niya. Ilang beses na rin ba akong nadali ng halimaw na ito? Umabot pa nga sa muntik na talaga nya akong mapatay at ilaglag sa bintana. "Ibigay mo sa akin si Skully!" Nanlilisik matang sabi nya.

"Ayoko. Hindi ko sya ibabalik sayo kapag hindi ka nagpaayos ng mukha kay Hiro. Sabi ko sayo makisama ka diba?"

"Ayoko nga sabi! Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko! Mahirap bang intindihin yun?" Oo nga naman, may point si halimaw pero malas niya dahil kailangan ko talaga sya.

"Makikisama ka o tatanggalin ko ang ulo ni Sally?"

"Bobo! Skully hindi Sally!" Ayos to ah! Ano ba kasi pakialam ko sa pangalan ng manika na to? Natawa pa si Hiro at Dricks dahil sinabihan akong bobo ni Halimaw. Nakakainis! Sinusubukan mo ko ha? Ito namang dalawa kong kurimaw na kaibigan ang tiningnan ko ng masama kaya natigil sila sa pagtawa.

Bakit ba pahirapan pang mapasunod ang halimaw na to?

"Hindi ako nagbibiro Princess." Seryosong sabi ko kaya sumeryoso din ang itsura niya. "Sisirain ko talaga ang manika na to kapag hindi ka nakisama. Simple lang naman yung hinihiling ko. Makisama ka, magpalagay ka nang make up dahil magiging date kita mamayang gabi. Ayaw mo ba yun? Napaka swerte mo dahil ako pa ang pumipilit sayo para makipag date. Mahiya ka nga! Sa itsura mong yan!?"

Wala man lang akong nakitang reaksyon sa mukha niya. Parang hindi man lang sya tinablan sa sinabi ko. Napakahirap talaga! Kung ibang babae siguro to, siguradong inaya pa akong magpakasal na agad agad. Kakaiba talaga ang bwiset na to. Nauubusan na ako nang pasensya. Hirap na ko! Kaya naman pinalipit ko na ang leeg nung manika nya. Nanlaki yung mata niya at napanganga nung makitang hilahin ko yung ulo nung manika at maghiwalay. Napatingin sya sa kanang kamay ko kung nasaan yung ulo nung manika, sunod naman ay sa kaliwa ko kung saan hawak ko ang katawan.

Kitang kita ko yung mukha niya na parang iiyak na. Hindi ako makapaniwala na may katulad niya sa mundong ito.

"Skully..." pumatak na yung luha niya. Wala akong pakialam!

"Ano? Magpapaayos ka na ba o tatanggalin ko naman ang mga kamay nito?" Sabi ko ulit at akmang sisirain naman yung kamay.

"Wag. Wag Eroz." Pagmamakaawa niya at tumulo na yung mga luha niya. Tumigil sya sa pagwawala at nakatingin lang sa sirang manika. Biglang natulala.

"Hiro." Sabi ko at sinenyasan yung kaibigan ko na simulan ng ayusan si Cess.

Agad naman sumunod si Hiro at may inilagay na nga sya sa mukha ni Cess.

Si Halimaw naman, bigla ngang natahimik at parang nahipnotismo. Akala ko matatapos na kami pero lalo pala kaming mahihirapan dahil iyak sya ng iyak sa kabila nang pagkatahimik nya. Syempre natutuluan ng luha niya yung mukha nya kaya nawawala yung inilalagay ni Hiro. Lalo pa yata akong maiinis!

"Hindi ka ba titigil ng kakaiyak?" Iritadong tanong ko sa kanya. Pero tulala lang talaga sya.

Nilalagyan na sya ni Hiro ng foundation sa mukha. Halatang ngayon lang talaga nahirapan si Hiro.

"Cess, pwede bang pumikit ka muna sandali?" Utos sa kanya ni Hiro. Ito naman kasing si Hiro, hindi marunong manakot. Sobrang bait.

Tiningnan sya ni Princess. Maya maya ay unti-unting bumubuka yung bibig nya. Pagkatapos ay bigla na lang nabahing ng malakas sa mukha ni Hiro. Nagulat kami pero nagpipigil na din akong tumawa. Kawawa naman ang kaibigan namin. Pag angat ng ulo ni Princess ay nakapikit pa din si Hiro. Pagdilat niya ay bigla na namang nabahing si Princess. Hindi ko na tuloy napigilan yung tawa ko tsaka naunahan na rin akong tumawa ni Dricks.

"Sa tingin ko Cess, kailangan mo munang mag-toothbrush."

Mahinahong sabi ni Hiro tsaka pinunasan ang mukha at ibinaba yung hawak niyang make up brush.

Natigil kami sa pagtawa nung tumayo si Cess at hinila sa akin yung manika niya tsaka sya nagtatakbo paakyat sa kwarto nya.

Napakahirap naman! Pahirapan ba talaga ang kailangan para lang mapasunod ang halimaw na yun? Pero mamaya ko na sya poproblemahin ulit. Mas masarap kasing asarin muna si Hiro. Kamusta kayang mahatchingan ng halimaw na hindi marunong mag-toothbrush? HAHAHA!

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon