Not worth it.
Mabilis kong itinulak si Eroz at pinahidan ang labi ko gamit ang braso ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko! Masamang tingin ang ipinukol ko kay Eroz at maglalakad na sana ulit ng bigla nya akong tawagin.
"Princess..." napahinto ako. Paglingon ko sa kanya ay mabilis syang lumapit sa akin, kinabig na naman ang bewang ko at muli ay hinalikan ako. Halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa ginagawa nya! Nararamdaman ko talaga ang pag galaw ng labi nya. Ang pag buka nito. Parang hindi na ako maka galaw dahil sà sobrang pa-ngi-nginig! Ano bang gagawin ko?!
Kusang bumuka ang bibig ko ng maramdaman ko ang pagdiin ng bawat halik ni Eroz. Nawawala na yata ako sa sarili ko. Kusa ko na ring naipikit ang mata kong pakiramdam ko ay may luha na. At sinabayan ko ang bawat pag galaw ng labi ni Eroz. Napadilat ako ng bigla syang tumigil pero mag-kalapit pa din ang muka namin. Itinulak ko sya ng bigla syang tumawa.
Lumingon sya kay Dricks. "Nakuhanan mo ba? Ayos ba? Sa tingin mo maniniwala na ang Dad ko dyan sa video na yan?"
Narinig kong sabi ni Eroz habang tumatawa sya. Naglakad sya palapit kila Dricks habang ako ay hindi makatinag sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko sya malingon. Nasasaktan yata ako. Hinalikan nya ako dahil may kailangan sya.
Nakikinig ako sa usapan nila. Tungkol sa video ng paghalik sa akin ni Eroz. Sa wakas ay nagawa ko silang lingunin. Palapit sa akin si Eroz. Habang pinupunasan din ng kamay nya ang labi nya. Hindi ko alam pero, parang lalo akong nasasaktan.
Tumutulo na ang luha ko."Bakit ka umiiyak?" Dahil sa tanong ni Eroz na yun ay bigla ko syang sinampal.
Gulat na gulat yung tatlo habang pinapa-nood lang kami. Samantalang si Eroz ay walang emosyong tinitigan lang ako. Sinampal ko ulit sya at wala syang ginawa kundi hayaan ako."Bakit ba pinag-lalaruan mo ako?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. "Bakit?!!"
Nainis ako sa paraan ng pag ngisi nya. "Ano bang inaarte mo?"
Hindi ako sumagot. "Dapat nga matuwa ka pa. Tsaka wag kang mag alala dahil wala lang yung halik na yun. Kung hindi ko lang kailangang sabihin sa Dad ko na nakatira ako sa bahay ng girlfriend ko para hindi nya ako pauwiin, hindi kita hahalikan ng ganyan! Sa tingin mo hahalikan kita dahil lang sa gusto ko o may nararamdaman ako sayo? Sa tingin mo ba--~" Hindi nya naituloy yung sasabihin nya dahil bigla ko na naman syang sinampal. Sobrang sakit ng dibdib ko kaya mabilis ko na lang syang tinalikuran at nagtatakbo ako sa kwarto ko.---
Kinabukasan ay nasa isip ko pa din yung nangyari sa amin ni Eroz. Hindi pa rin nawawala sa isip ko yung halik nya. At yung sakit na dulot nito sakin.
Nag-lalakad ako papunta sa kusina ng makita ko si Eroz at Dricks sa sala. Hindi ako lumabas agad dahil gusto kong marinig yung pinag uusapan nila.
"Sobra na yung ginawa mo kay Cess, hindi mo ba sya kakausapin? Hindi ka ba mag-so-sorry?" Tanong ni Dricks kay Eroz.
"Kapag nag usap kami, siguradong sa away lang mapupunta. Tsaka isa pa ano pa bang sasabihin ko? Sinabi ko na sa kanya na wala lang yun. Pre, hindi mo ba naisip? She's not worth it. Sana nga nag hanap na lang ako ng ibang babae, ah hindi! Sana nag hanap na lang ako ng totoong babae para halikan at ipakita kay Dad na yun ang girlfriend ko." Sobra na ang lahat ng ginawa at sinabi ni Eroz sa akin. Pero hindi ko maintindihan, dati wala naman akong paki alam pero bakit ngayon sobrang sakit na?
Hindi ko na pinakinggan pa yung usapan nila at bumalik na lang ako sa kwarto ko.Nakaupo ako sa harap ng salamin at tinititigan ang sarili ko. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko.
Paulit ulit kong naaalala si Eroz.
Kumakabog yung dibdib ko. Alam kong imposible pero, bakit ganito pa rin yung nararamdaman ko?
Gusto ko ba sya?
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...