Hanggang Kailan...
Pinag mamasdan ko ang buong kwarto ko, ang paligid nito. Hindi sya makalat subalit napaka-dilim. Parang buhay ko.
Nag bubuklat ako ng mga kahon ng makita ko ang mga lumang photo albums. Photo album ko, nung bata pa ako. At karamihan din ay photo album kasama ang buong pamilya ko.
Napangiti ako nung makita ko yung picture ko kasama si Papa at Mama nung 5th birthday ko. Naka-suot ako no'n ng pulang gown. Habang masayang masaya naman si Mama at Papa na nakatingin sa akin.
Napahikbi ako at naiyak nung maalala ko sila. Miss na miss ko na sila.Mula ng lumubog ang barkong sinasakyan namin papunta sa Taiwan para mag-bakasyon ayhindi na nakita sila Papa. Isa ako sa nakaligtas at sinundo ni Auntie Ysabelle. Makalipas ang tatlong araw nakompirmang patay na si Mama at Papa. Walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko no'n. Wala ng mas sasakit pa sa mawalan ng mahal sa buhay.
Mula nung araw na yun, nawalan ako ng gana sa lahat. Pakiramdam ko lahat ng bagay sa paligid ko ay madilim. Halos nawalan din ako ng ganang mabuhay. Yun ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay ko.Pakiramdam ko noon ay pinag-kaitan na ako ng langit at lupa dahil sabay nawala sa akin si Mama at Papa.
Pagkatapos mailibing nila Mama, umiwas ako sa lahat. Tinanggal ko ang pakikipag-ugnayan sa kahit na sino man. Maging sila Noi na matalik ko pa lang kaibigan, at si Auntie Ysabelle na nagmamahal sa akin ay hindi ko na hinahayaang pumapsok pa sa buhay ko.
Pero, hindi pa ba sapat lahat ng pag-durusa ko? Hanggang kelan ko hahayaang ganito ang sarili ko? Hanggang kelan ko pagkaka-itan ang mga taong nag-mamalasakit sa akin? Hanggang kelan ako mag-tatago sa madilim na buhay kong ako naman ang pumili?!
—
Mabigat na mabigat ang pakiramdam ko ng mag-mulat ako ng mga mata. Sinubukan kong bumangon pero nahirapan ako. Pakiramdam ko din ay hingal na hingal ako. Nauuhaw ako. Nilingon ko ang side table sa kama ko subalit wala ng lamang tubig ang baso ko na nakapatong doon.
Napalingon ako bigla sa pinto ng kwarto ko ng bumukas iyon. At naaninag ko ang anino ng isang pamilyar na tao. Kaya naman biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa pamilyar na nararamdaman nito.
Gusto ko si Eroz.
"Anong ginagawa mo dito?" Nanghihinang tanong ko. Nag-lakad si Eroz palapit sa akin kaya dali-dali kong pinilit ang sarili kong bumangon.
"Bumaba ka na. Naka-handa na ang pag-kain sa mesa." Kaswal na sagot ni Eroz at nagdiretso sa bintana ng kwarto ko tsaka nilihis ang makakapal na kurtina. "Nag-hihintay na sila sa baba."
Sumabog ang liwanag sa loob ng kwarto. Nasilaw ako dahil sa liwanag pero mas nasilaw yata ako ng mapadako ang mga tingin ko kay Eroz na ngayon ay naka-harap na sa akin habang nakapamulsa ang magka-bilang kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon.
Napahinga ako ng malalim. At nahiga na lang ulit sabay suklob ng kumot sa ulo ko upang madiliman ako.
"Lumabas ka na." Nanghihina pa ring sabi ko. "Hindi ako kakain kaya makaka-labas ka na."
Nagulat ako dahil bigla na lang inalis ni Eroz yung kumot ko. Nanlilisik ang mga mata kong tinitigan sya sa mga mata. Gusto ko syang hampasin ng unan pero hindi ko itinuloy ng makita ko ang mga mata nyang nakatitig din sa akin.
Hindi iyon ang mga mata nyang palaban palagi kung tumitig. Hindi iyon ang mga mata nyang parang galit na galit. Ito ang mga tingin nya na parang araw araw ay gusto ko ring titigan.
Si Eroz, nakatitig sa akin na para bang may buong pag-aalala at...pag-mamahal.
Umiling ako at pumikit ng mariin para mawala ang nasa isip kong iyon.
Imposible!
"Babangon ka at sasabay sa aming kumain, o bubuhatin kita dyan?!"
Tuluyan ko ng naihampas sa ulo niya ang unan ng sabihin nya yun. Kaharap ko na ang totoong Eroz. Iniwan na sya ng mabait na espiritu na kanina lang ay nakasapi sa kanya!!
Nag-lakad na sya ulit papunta sa pinto ng bigla syang huminto at muling lingunin ako.
"Bumaba ka na dahil baka ito na ang huling beses na makaka-sabay mo kaming kumain." Seryosong sabi niya bago tuluyang lumabas.
Habang ako ay naiwang naka nga-nga dahil sa salitang iniwan niya. Ano ang ibig niyang sabihin?
Ano ang dapat kong maramdaman?
Bakit parang, bigla na lamang kinurot ang puso ko dahil sa siguradong bagay na pumasok agad sa isip ko.
***
Hello po! May nag-babasa po ba? Hehe! Kung umabot ka na dito. Baka naman pwede kahit mag-"hi" ka lang sa comment!!
Pampagana!!
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanficWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...