"Mag si-CR lang ako." Nakayukong sabi ni Princess bago kami tuluyang makapasok sa restuarant ng Tita ni Emy Rose.
Kaya naman nauna na kaming apat.
Madaming tao at hindi ko pa nakikita si Emy Rose sa paligid.
"Mga artista ba iyan?"
"Napaka gagandang lalaki naman ng mga iyan."
"Sino kaya ang mga 'yan para maipakilala ko sa mga anak kong dalaga."
Iyon ang naririnig naming mahihinang usapan ng mga bisita na halatang may mga edad na.
"Hello ladies."
Napa kibot na lang yata ang mga kilay ko ng malingunan ko si Dricks na nagpa-flying kiss pa sa mga bisitang babae.
Kahit kelan talaga ang isang 'to.
Pinag titinginan na tuloy kami ng mga tao. At halos mag puso na ang mga mata nila habang pinag bubulungan kami.
"Grabe, sobrang gwapo nila."
"Tingnan niyo, si Hiro. Sobrang cute niya talaga."
"Lay. Ang gwapo gwapo mo."
"Hi Brian Eroz, sobrang gwapo mo naman. Gusto niyo bang dito na lang din kayo sa table namin?"
"See you later beautiful ladies." Si Dricks na wala pa din humpay ang pagpapa pogi sa mga tao, lalo na sa mga kabanaihan.
"Ang four handsome populars, dumating din sila."
Iyon lang naman ang ilan pero paulit ulit naming nadinig na usapan sa paligid.
Namumukaan din namin ang ibang bisita dahil ang ilan ay kaklase namin.
Hindi na nga rin ako nag taka nung makita ko ang mga nang-bubully kay Princess na clones girls, dahil iyon naman ang madalas kasam ni Emy Rose sa campus.
"Brian Eroz."
Napahinto kami sa paglalakad ng biglang sumulpot na sa harap namin si Emy Rose.
Naka ngiti siya at may make up ang mukha niya. Naka suot siya ng pink na dress at may gwantes na itim ang magka-bilang kamay."Good evening Emy Rose."
Biglang sabi ni Dricks at hinalikan ang kamay ni Emy Rose. Nginitian naman siya ng babae.
"Talaga nga palang napaka ganda mo sa malapitan. Para kang isang barbie."
Mahinang tumawa si Emy Rose dahil sa pag puri sa kanya ni Dricks.
"Salamat." Sagot nito at ako na ang tiningnan. "Tara! Doon tayo pinag-reserved ko na kayo ng upuan."
Sinundan na lang namin siya habang palingap lingap ako sa paligid na parang may hinahanap.
Na-flash na ba sa inidoro si Princess? Nasan na ba ang babaeng iyon?
Dinala kami ni Emy Rose sa isang maganda at maayos na pwesto.
Ipina kilala din niya kami sa Tita niya na siyang may ari ng lugar at umalis na din iyon agad pagka tapos para asikasuhin at magpa salamat pa sa ibang bisita nila.
Nagpahain agad si Emy Rose ng mga masasarap na pagkain sa harap namin. Ang lahat ay mukang nakakatakam.
"Kumain na kayo, sana mag-enjoy kayo."
Masiglang sabi ni Emy Rose. "Kapag may gusto pa kayo, wag kayong mahihiyang mag-sabi sa akin. Okay guys?""Sure." Si Lay.
"Salamat Emy Rose, sumabay ka na ulit sa amin." Sabi naman ni Hiro.
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...