Sanay naman ako ng mag isa sa bahay ko. Pero bakit pag uwi ko ay parang may kulang?
Inilibot ko ang paningin ko sa buong sala ko.As usual, madilim ang ambience nito dahil sa mga ilaw ko. Ayoko kasi ng maliwanag, idagdag pa nga na may mga itim at makakapal akong kurtina na siyang naka lagay.
Hindi na ako mag luluto dahil may mga tira pa naman kaming pagkain. Bahala na yung tatlo mamaya pag uwi nila, tsaka hindi ko naman alam kung uuwi pa ba si Eroz dito sa bahay.
Umakyat na ako sa kwarto ko para mag bihis. Pag pasok ko doon ay nag taka ako dahil bukas ang ilaw ko.
Hindi ako nag bubukas ng ilaw kaya sigurado ako na hindi ako ang may gawa nito.
Napalunok ako ng may marinig akong pag kislot sa loob ng walk-in closet ko. Hindi ko naman madalas napupunthan iyon dahil hindi ko din isinusuot ang mga damit ko na naipon at natambak lang doon.
Sa unang tingin mo nga at pag pasok sa kwarto ko, hindi mo malalaman na mayroon pala akong walk-in closet dahil naharangan ko na yun ng mga kurtina.
Ginawa ko na lang kasing tambakan ng kung ano-ano yun. Karamihan ng mga gamit doon ay puro kay Mama at Papa.
Okay na ako sa mga damit kong nakalabas kahit na paulit ulit ko pa iyong naisusuot.
"Sino yan?!" Malakas na tanong ko ng may marinig akong bumagsak. "May tao ba dyan?"
Hindi ako natatakot kaya nag lakas loob kong hinawa ang kurtina noon at itulak ang pinto ng walk-in closet ko. Nagulat ako ng bumulaga sa akin ang isang lalaki na balot na balot ng itim ang kasuotan.
Napadako ang tingin ko sa hawak niyang box. Gulo gulo din ang paligid ng. Kaya alam ko na ang pakay nito!
Marami akong alhas at kung ano ano pang gamit sa bahay kahit hindi ko naman nagagalaw, unang una mahalaga sa akin ang lahat ng gamit dito dahil iyon ang mga naiwan sa akin ng Mama ko.
At hindi ko mapapa lagpas ang ginagawang ito ng lalaki ngayon sa harap ko.
"Ibaba mo yan!" Utos ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil mata lang ang nakalitaw sa kanya. Hawak niya ang box na sigurado ako kung ano ang nilalaman.
Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko. "Tatawag ako ng pulis kapag hindi mo pa binitiwan yan at kapag hindi ka pa umalis!"
Pero nagulat ako ng bigla na lang may isa pang lalaki ang sumulpot mula sa likuran ko at mabilis na tinakpan ang bibig ko!
Noon na ako biglang nakaramdam ng takot. May mga magnanakaw at masasamang loob sa bahay ko at ako lang mag isa!
Nangangatog na yata ang tuhod ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko.
Pinilit kong pumiglas pero masyadong malakas yung lalaki. Wala akong laban sa lakas niya.
Sumisigaw na din ako pero imposibleng may lumabas na boses sa bibig ko. Kaya naman pinilit kong ibuka ang bibig ko at kinagat ko ng madiin ang kamay ng lalaki.
Dahil doon ay nabitawan niya ako. Buong pwersa ko siyang itinulak kaya naman bumangga siya sa salaminan ko, nagka laglag na din ang ibang gamit ko doon.
Alam kong pag kakataon ko ng tumakbo! Kaya naman mabilis akong lumabas ng kwarto ko.
"Habulin mo!"
Naka baba na ako ng hagdan ng abutan ako ng isa pang lalaki. Hinila niya ang braso ko pero ng makalapit ako sa kanya ay kinalmot ko ang mukha niya kaya naman natanggal ang bonet at pantaklob niya sa mukha.
Hindi ko siya kilala yun ang sigurado ako kahit madilim ang loob ng bahay ko.
Pero ng muli niya akong abutan ay itinulak niya ako. Nabunggo ang ulo ko sa vase na paborito ni Auntie Ysabelle kaya nabasag iyon.
Pakiramdam ko ay hinang hina na din ako at hingal na hingal na, bigla na lang din saglit na nag dilim ang paningin ko at nakaramdam ako ng pagka-hilo.
Pilit akong itinayo ng isang lalaki habang hawak ako sa magkabilang braso.
Nakita ko naman na may dinukot yung isa pang lalaki sa bulsa niya. At mas lalo akong kinabahan ng makita kong isang patalim iyon.
Mamamatay na ba ako? Ma, Pa, mag kikita na ba tayo?
Napangisi ako kahit na may mga luha ng pumapatak sa mga mata ko.
Kapag nakawala ako sa inyo, siguradong sa inyo ko ituturok ang patalim na yan!
Naipikit ko na lang ang mga mata ko ng akmang isasaksak na sa akin ng lalaki ang patalim. Nang mainip ako sa bagay na inaasahan ko na ay idinilat ko ang mga mata ko.
"Sino kayo at ang ang ginawa niyo kay Princess!!!"
Nabitawan na ako ng isang lalaki kaya nabuwal na ako ng tuluyan.
Ang boses na iyon! Sigurado ako kung kanino iyon.
Umiiyak ako ng tahimik habang nakadapa ako sa malamig na sahig ng bahay ko. Sunod sunod ang mga paghikbi ko.
Nakikita ko ang mga pag galaw na nangyayari sa loob ng bahay ko. Nakikita ng dalawang mata ko kung paano mabaling ang atensyon nila sa lalaking dumating para iligtas ako.
Nagpapalitan sila ng suntukan. At naririnig ko din ang sunod sunod na pagka basag ng mga kagamitan sa bahay ko.
"ANO ANG GINAWA NIYO KAY PRINCESS!!" ramdam na ramdam ko ang pait at galit sa boses na iyon.
Maya maya pa ay nakarinig na ako ng mga pag wang-wang mula sa labas ng bahay ko.
Pulis ba iyon?
Pero kung oo ay hindi ko na din matiyak. At ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Maraming tao sa paligid ko, habang naka handusay pa din ako sa sahig.
"Princess, anong nangyari sa iyo? Diyos ko!" Si Auntie na halos atakihin na ang tono.
"Anong nangyari dito?"
"Princess..."
"Okay lang ba kayo?"
"Wag kayong mag alala, nandito na din ang mga pulis."
Hindi ko na alam kung kanino kila Lay, Dricks, Hiro at Noi nanggaling ang mga salitang iyon. Naramdaman ko na lang ang pag angat ng katawan ko mula sa sahig.
Kahit tila nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pagkahilo ko ay naaaninag ko pa din ng mukhang iyon ni Eroz ng buhatin niya ako.
Pumatak ang mga luha ko. Hindi siya nakatingin sa akin. Naglalakad lang siya habang buhat buhat ako na para bang isa akong prinsesa na nasagip ng prinsipe ko mula sa panganib.
Eroz...salamat at dumating ka.
Hanggang sa hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
Hayran KurguWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...