Welcome back Auntie...
"Hoy Cess, may naghahanap sayo sa telepono." Sabi sa akin ni Eroz. Tumigil ako sa pagpupunas ng bintana at lumapit sa kanya, tsaka ko hinablot yung wireless telepone.
"Hello? A-Auntie? Kelan pa?" Si Auntie Ysabelle. Napalingon sa akin si Eroz at naglapitan naman yung tatlo. Pinapakinggan na naman nila ako. "Okay. Mamaya na lang. Bye." Sabay baba ko ng telepono.
"Anong mamaya na lang?" Tanong ni Hiro.
"Si Auntie Ysabelle?" Nakangangang sabi naman ni Dricks.
"Ano daw Cess?" Si Lay.
Tiningnan ko isa isa ang mga mukha nila. Parang mga gago! Takot na takot, palibhasa iniisip nila na katapusan na ng maliligayang araw nila sa bahay ko kapag alam na ni Auntie ang totoo.
"Aalis ako." Sabi ko at tinalikuran na sila.
"Saan ka pupunta?" Tanong naman ni Eroz.
"Dumating na si Auntie, magkikita kami."
"ANO!!!??"
---
Nasa meeting place na ako. Ang tagal naman ni Auntie, sabi niya wag akong malate tapos sya naman ngayon yung wala. Nasa isang coffeeshop ako,nakaupo lang at tinitiis ang mga naririnig sa paligid. As usual, ngayon lang kasi sila nakakita ng multong gumagala.
Nagulat ako ng may maglapag ng sandamakmak na shopping bag sa harapan ko. Pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang Auntie ko na hingal na hingal. Inalis nya yung malaking salamin sa mata nya na halos lamunin na yung mukha nya at naupo sa tapat ko. Tsaka ikinumpas ang kamay sa ere.
"Waiter, bigyan mo kami ng dalawang blue berry cake at coffee crumble gusto ko yung maraming ice."
"Ako naman chocolate syrup." Sabi ko. "Dagdagan mo na din ng yelo, tsaka bilisan mo na din dahil gusto ko ng umuwi."
Gulat na gulat yung waiter at nagmamadaling umalis pagkatapos mag lista.
Ilang minuto lang ang lumipas ay naibigay na din sa amin yung orders namin.
"Kamusta Princess?" Simula ni Auntie, habang kagat kagat ko ang straw. "Oo nga pala, para sayo lahat to. Oh bawal tumanggi ha? Magagalit ako."
Napatingin ako sa lahat ng mga shopping bag sa nasa harap ko.
"Auntie,hindi ko naman kailangan ng mga yan."
"Pwede ba pagbigyan mo na lang ako? Yan lang ang kasiyahan ko."
Umikot na lang ang mga mata ko. Alam kong hindi naman magpapatalo si Auntie.
"Bakit nga pala hindi ka na lang sa bahay sa tumuloy Auntie?"
"May lakad pa kasi ako mamaya pagkatapos nating mag usap. Alam ko namang wala kang ginagawa kaya ikaw na lang ang pinapunta ko dito."
Tumango lang ako. "Kamusta nga pala sila Eroz sa bahay mo kasama ka?"
"Ayos lang."
"Ayos lang? What do you mean hija?
"Wala. Ayos lang sila."
"Ahm. Wala bang...wala ka bang nagugustuhan kahit isa sa kanila?"
"Ha?" Muntik ko ng maibuga yung iniinom ko.
"I mean, kahit crush. Or sino sa kanila ang pinaka gwapo para sa'yo."
Kumikibot yata ang kilay ko sa mga pinagsasasabi ni Auntie. Nakaka-suya.
"Wala."
"Wala??"
Nag buntong hininga ako at tiningnan si Auntie. Dapat na kong magsalita.
"Sabihin mo nga Auntie, bakit mo sila pinatuloy sa bahay ko?"
Gulat na gulat naman ngayon ang itsura niya. At hindi makatingin ng diretso sa akin.
"Okay Aunt, alam ko na. Pinatuloy mo sila dun para sa misyon na sinasabi mo. Hindi mo ba ako naiintindihan? Ito na talaga ako, hindi ko na kayang bumalik sa dati. Masyado ng maraming nangyari."
"Cess--~~"
"Hindi ako galit Auntie, gusto ko lang sabihin sayo. Alam ko na lahat. Kaya sorry dahil kailangan na nilang umalis sa bahay ko. Okay lang sa akin kahit wag mo nang singilin ang sinasabi nilang renta. Basta umalis na sila."
Napayuko si Auntie at hindi nakapag salita.
"Sorry Auntie."
"Okay, aaminin ko ang totoo sayo. Tutal alam mo na pala."
Napakunot noo ako sa sinabi nya.
"Ang totoo nyan ay lahat sila ay nanggaling sa mayamang pamilya. Kaibigan ko ang mga magulang nila. Halos lahat sila ay ibinilin sa akin para tulungan ko silang magbago. Si Eroz, iresponsable. Puro basag ulo ang alam. Hiwalay ang pamilya niya kaya nagrebelde. Ang Mommy niya masama ang loob sa kanya. Ang daddy niya may ibang asawa na."
Hindi ako kumibo at hinayaan lang si Auntie.
"Ang may pinaka maayos lang yatang pamilya sa kanila ay si Hiro. Pero spoiled sya at gusto ng mga magulang nya na matuto sya sa buhay. Yung hindi dumedepende sa iba."
Hindi pa rin ako sumasagot.
"Si Lay parang si Hiro din. Pero masyado syang tutok sa pag aaral at minsan ay walang paki alam sa mundo nya. Si Dricks naman, siguro sa ilang linggo niyo ng magkakasama ay nakita mo na ang problema sa kanya. Masyado syang babaero. Hindi alam magseryoso sa buhay. May dahilan din ako kung bakit pumayag ako." Ngumiti si Auntie sa akin. "Sa tingin mo ba ganun na lang kadali para sa akin ang iwan ka sa mga lalaki? Syempre hindi. Bukod sa gusto ko silang tulungan kung pano maging lalaki at responsable sa buhay ay mas gusto kitang tulungan. Cess, hindi lang ito ang mundo mo. Nagbaka sakali ako na isa kanila ang makakatulong sakin para maging normal ka. Maisip mo sana na isa kang napakagandang babae."
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...