Bashers
"Eroz."
"Hiro."
"Lay."
"Dricks."
"Oh my gosh! Kayo ngaa." Tili nung mga babae sa palengke. Nasa pamilihan kami ngayon ng isda. Halos masagasaan na nga ako nung dumugin sila nang mga kababaihan. Nakakalula! Ganon ba talaga sila kasikat kahit na hindi naman sila artista?
Sa sobrang inis ko sa kaguluhan ay unti-unti akong pumuslit at lumipat sa kabilang bilihan ng mga isda. Hindi naman ako napansin nung apat dahil kinakausap na din nila yung ibang babae. Ewan kung napilitan sila. Pero mukha namang hindi sila mga suplado.
Hanggang sa matapos na akong makapamili nang lahat ng mga kailangan ay nandon pa din sila at pinagkakaguluhan. Ang dami nang dala ko. Naisip ko kasi na kasama ko naman sila kaya binili ko na kung ano ang mga wala sa bahay ko.
Naghintay akong maubos ang mga nakapaligid sa kanila, pero mukhang hindi naman nababawasan. Sa sobrang inis ko ay nakipagsiksikan na ako dala ang mga pinamili ko.
"Tapos na akong mamili. Pwede na ba tayong umuwi?!" Sigaw ko sa apat kaya natigil yung mga nagkakagulo at sa akin nalipat ang atensyon. Nanlilisik ang mata nung iba. Yung iba naman ay galit. May natatawa. May natatakot. As usual.
-_-
"Who are you jerk?"
"Yaya nyo?"
"Sya yung kinatatakutan sa school."
"Nakakatakot.""Lumayo ka nga kila Eroz."
"Shuu shuu" pagtataboy naman nung iba sa akin. Parang gusto ko tuloy mag-sisi kung bakit nilapitan ko pa sila. Sana pala ay pumuslit na lang ako at umuwing mag-isa. Kung hindi lang marami ang dala ko, bakit hindi?
Ang daming bashers. Kung ano-anong salita ang naririnig ko sa kanila. Nakakainsulto. Nakakainis. Kung nakamamatay lang ang tingin. Kanina ko pa pinatay ang mga to.
"Eroz, kasama nyo ba yung babaeng yan?"
"Oo." Sagot ni Eroz.
"Ha??" Laglag pangang tanong ng lahat.
"Pero bakit? Anong ginawa nyan sa inyo? Kinulam ba kayo?"
"She's living with us."
Ako naman yata ang nalaglagan ng panga sa sinabi ni Eroz. Hindi ako makahuma. At lalo pang dumami ang mga masasakit na salitang narinig ko sa kanila. Na kesyo pangit ako, manang daw, mukhang multo, nakakatakot at kung ano-ano pa.
Natigil lang sila nung hilahin na ako ni Eroz, paakbay sa leeg. Halos bitbitin na nya ko. Naiwan yung mga babae na iba iba ang itsura. May mga umiiyak pa nga yata. Huling sumunod sa amin ang playboy na si Dricks dahil kung sino-sino nang babae ang inakbayan nya.
"Guys, next time na lang. Kailangan na namang umuwi." sabi pa ni Dricks at nag-flying kiss sa lahat. Kaya nagtiliian yung mga babae.
Pambihira! Ganyan kalakas ang dating nila? Halos mapuno na yata ang buong lugar kung nasaan sila.
Pagdating namin ng bahay ay may mga tao na din sa labas. Ano yun? Kumalat na yung balita na sa bahay ko nga sila nakatira?? Hindi. Hindi maaari! Lalong gugulo ang mundo ko. Hindi ako matatahimik kung ganito.
Gusto kong awayin yung mga babae sa harap ng bahay kong nagsisisigaw kung ano daw ang ginawa ko sa apat na lalaki at nandito sa bahay ko. Kinulam ko daw ba?? Pero hindi ko na ginawa dahil pinigilan na ako ni Eroz at Lay. Hawak nila ako sa magkabilang braso dahil para akong baliw na takas sa mental dahil sa pagwawala ko. Kung alam lang ng mga babaeng yun! Impyerno ang pagtira sa iisang bahay kasama sila.
Impyerno! Impyerno talaga!
"We're sorry Cess." Sabi ni Hiro sa akin na humihingal pa rin. Nakasilip sya sa bintana. Tinitingnan yung mga babae sa labas na nagkakagulo.
"Kasalanan nyo na naman toh!"sigaw ko sa kanilang lahat.
"Ang alin? Ang maging pogi?" Mahanging sabi naman ni Eroz.
Napailing ako at napasigaw kaya nagulat sila. "Kasalanan nyo toh! Kasalanan nyo toh!.." Tsaka ako tulirong nagtatakbo papasok sa kwarto ko.
"Ayan, umandar na naman ang kaweirduhan nya." Narinig ko na sabi ni Dricks.
Nagtalukbong ako nang kumot sa kwarto ko at pinatay ang ilaw. Naiwan yata sa tenga ko yung kaguluhan kanina. Hindi ako makapaniwalang na-bash ako nang patong-patong dahil sa kanila. Hindi na talaga ako lalabas ng bahay. Lalo na kapag kasama sila. Skully, tayo na lang ang magsama habang buhay....
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...