Mababaliw ako... (Dedicated to JeanS58 )
"Mag paalam ka na sa mga mababait mong kaklase, dahil lilipat ka na sa section namin."
Diretsong pahayag ni Eroz kaya halos lumuwa ang mata ko sa pagka gulat.
Nagka roon na din ng mga bulong bulungan sa paligid.
Halos lahat ay hindi makapaniwala sa sinabing iyon ni Eroz.
"T-totoo ba yung sinabi niya?"
"Sa section nila??"
"Doon malilipat si Creepy girl?"
"Brian Eroz, totoo ba yung narinig naming lahat?"
Halos mabaliw na ata ang lahat habang isa isang nagtatanong kay Eroz.
"Princess ang pangalan niya at hindi creepy girl."Napatitig ako kay Eroz.
Nanlalambot ako habang hawak pa din niya ako sa braso ko.
Tama na please dahil hindi ko na kaya.
"Naka tira kami sa iisang bahay." Tila hindi nag iisip na anunsiyo pa ng halimaw na Eroz.
"ANO?""Totoo...totoo ba.. yan?"
"Hindi yan..."
"Nag sisinungaling ka lang Brian Eroz."
"Tama. Naaawa ka lang siguro sa babaeng iyan kaya pinag tatanggol mo siya."
Gusto ko na lang takpan ang magkabilang tenga ko dahil sa mga pangyayaring ito sa harapan ko.
Nababaliw na ba talaga si Eroz para i-broadcast pa ang pagtira namin sa iisang bahay?
Eroz.Humanda ka sakin! Hindi mo alam ang ginagawa mo!
"Wala naman akong dapat ipaliwanag sa inyo." Iyon lang ang isinagot ni Eroz at hinila na ako palabas ng room.
Naiwan ang mga kaklase ko na kanya kanya ng usapan tungkol sa sinabi ni Eroz.
---
"Sa-sandali." Nanghihinang sabi ko kaya napa hinto kami sa pag lalakad.
Ngayon ay kasalukuyan na kaming nasa harapan ng class room nila Eroz.
Nagtataka naman silang napatingin sa akin.
"Di-dito na ba talaga ang class room ko?" Tanong ko.
"Oo." Maikling sagot ni Eroz. Tiningnan ko isa isa ang mga kasama niya.
"Princess, ito sana yung ibabalita ko sayo kaya ako nagpunta sa bahay niyo pero hindi mo naman ako nilabas." Si Noi. "Kaya kila Eroz ko na lang ipinaliwanag ang lahat."
Ayon sa kanila, nabalitaan daw ng Auntie Ysabelle ang mga pambubully sa akin ng mga kaklase ko sa loob ng classroom.
Kaya naman nakipag usap ito sa school head director namin ilipat ako ng class room.
At ito na nga, ipinalipat ako ni Auntie sa classroom ng apat na kulugo kasama si Noi para daw masiguro niya na wala ng makaka lapit pa sa akin para apihin ako.
Kung hindi daw susundin ng head director ang request ng Auntie ko ay mag rereport sila na tinotolerate sa school namin ang pambu-bully.
Kaya heto ako ngayon. Kaya naman pala ang lakas ng loob ng apat na kulugo na isabay ako sa pag pasok ay dahil alam na nila ang lahat.
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...