(Dedicated to; awercom JeanS58 sanjuan74 @babylovenamin @silentreaderPrincess P.O.V
Bakit ba kasi sumama-sama pa 'ko dito sa apat na 'to.
Dapat pala, itinuloy ko na lang yung plano ko kanina nung nag CR ako na takasan sila.
Kung hindi ko lang sana nakita si Noi, bakit hindi?Kaso, alam kong hahanapin niya ako at siguradong sasabihin niya sa apat na gwapong lalaki na nakita niya ako.
Pero, gumaan na din naman yung pakiramdam ko kahit papaano dahil atleast, nandito din si Noi.
Kakatapos lang namin kumain, kahit na kulang na lang ay ipanalangin kong sana ay maisipan na nilang umuwi.
Kanina pa rin wala si Eroz dahil nagpaalam siya na lalabas muna saglit. Sinundan siya ni Emy Rose, at nag paalam naman si Lay na pupunta lang siya saglit sa CR.
Ako na lang at si Hiro ang natitira sa pwesto namin dahil si Dricks ay nakapuslit na. Nasa kabilang table na siya kasama ng ibang babae.
Si Noi, naman ay may tatawagan daw saglit sa telepono kaya lumayo, pero malakas ang kutob ko na malamang ay sundan lang niya si Lay, siguradong hahanap lang siya ng tiyempo para makasama ang lalaking palihim niyang ginugusto.
Napasinghap ako ng bigla na lang may malaming na likido ang umagos sa ulo ko.
"Ooopps, I'm sorry. Dumulas sa kamay ko."
Kilala ko ang maarteng boses na iyon."Princess.." bulalas ni Hiro dahil sa pagkabigla niya.
Narinig ko ang mga tawanan sa paligid.
"I can't believed na maglalakas loob pa ang babaeng iyan na pumunta dito."
"Sinabi mo pa, hindi ko nga rin alam kung bakit nagkaroon ng invitation iyan."
"Pwede ba tumigil na kayo! Hanggang dito ba naman ay guguluhin niyo si Princess?!" Matigas na awat ni Hiro sa mga clone girls.
Agad niya akong nilapitan at inalalayang tumayo pero hinawi ko ang mga kamay niya.
"Princess-"
"Kaya ko ang sarili ko, Hiro." Putol ko sa sasabihin niya at tumayo na ako.
Pero nakaka ilang hakbang pa lang ako ng biglang may pumatid sa akin. Dahilan para madapa ako at mahila ko ang table cloth kaya nagkalaglag ang mga plato at baso doon na agad ding nabasag.
"Kapag hindi niyo pa itinigil yan ay siguradong mananagot kayo!" Sigaw ni Hiro ng muli akong buhusan ng tubig ng sinoman.
Napahikbi na lang ako sa kinasasaldakan ko habang umuugong sa tenga ko ang mga halakhakan ng mga taong nakapaligid sa akin.
Ni hindi ko maitaas ang noo ko at mas pinili ko na lang din ang manatiling naka upo. Baka mabuwal lang rin ako kung pilitin ko pang tumayo dahil sa panginginig ng tuhod ko.
Sobrang bigat ng dibdib ko habang nag iisip ng dahilan kung bakit....kung bakit hindi nila ako ginugusto?
Kailan niyo ako gugustuhin?
Napapikit ako ng buhusan na naman ako ng tubig. Damang dama ko ang lamig noon na nanoot na sa nabasa kong damit.
"ANO'NG GINAWA NILA SAYO??!!"
Pakiramdam ko ay saglit na huminto ang pagtibok ng puso ko ng marinig ko ang malakas na boses ni Eroz.
Muli ay ramdam ko na may bahid ng galit ang tono niya.
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...