Natutunaw ang puso ko...

Araw-araw ay palagi akong late sa pag pasok sa skwela. Kung pwede nga lang wag na lang pumasok, tutal wala din namang pumapasok sa utak ko kapag nasa loob ako ng classroom.

Inip na inip na kong i-declare ng prof namin ang class dismiss!

Ano ba naman kasi ang matandang 'to. Over time na siya sa pagtuturo. Hindi pa ba siya matatapos?

Sumasakit na ang likod at pwet ko sa pag-upo. Isa pa ay kumukulo na ang tiyan ko.

Gusto ko ng kumain!

"Okay class see you next week."

Sa wakas!

Nag-mamadali na din akong tumayo ng lumabas ang prof namin.

Palabas na ako ng pinto ng bigla namang may humarang sa lalakaran ko.Nag angat ako ng ulo.

Kayo na naman?

Nilagpasan ko sila Bernadette at ang clone girls. Wala akong panahong harapin sila.

Gusto ko ng makaalis sa room dahil nagugutom na talaga ako.

Pero sinundan nila ako hanggang sa corridor at humarang na naman sa dadaanan ko.

Ano na naman bang kailagan o gusto nilang sabihin? Hindi ba nila ako titigilan?

"Hoy panget!Bakit nilagpasan mo kami?" Tanong ni Joana.

Pinag masdan ko siya, naka suot siya ng bracelet na iba iba ang kulay.

Tiningnan ko naman si Bernadette.Ganon na ganon din ang suot niya na inaasahan ko naman na din dahil lagi siyang ginagaya ng mga alagad niya.

"Ikaw ba ang nagdrawing nito sa mga mukha namin?" Nanlilisik ang mga matang tanong ni Bernadette sabay angat ng pictures na hawak niya.

Nakikita ko ang larawang hawak niya kahit na nakaharang ang bangs ko sa mga mata ko.

Gusto kong matawa dahil sa itsura nilang apat sa picture na iyon. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

May mga drawing kasi ang mga mukha nila. May sungay, pangil at may kulay pulang marker din sa mga labi nila na tila dugong umaagos sa mga bibig nila.

Maya maya ay nagulat ako ng bigla akong itulak ni Bernadette.

"Ano? Ha?! Tinatanong kita, ikaw ba ang gumago sa mga picture namin at talagang inilagay mo pa sa locker ko?! At ikinalat mo sa room natin?"

"Sigurado ako na siya lang ang gagawa niyan!"

"Tama dahil gusto niya tayong gantihan!"

Napataas ang kilay ko. Ano naman ang mapapala ko sa kanila?

"Hoy panget na mukhang aswang!" Itinulak na naman ako ni Bernadette hanggang sa mapasandal ako sa pader.

"Tandaan mo na kahit ano pa ang i-drawing mo sa mga mukha namin, hamak na mas magaganda pa din kami kaysa sayo!"

"Sampalin mo na yan."

"Sige na.Gantihan mo na."

"Siya nga ang gumawa niyan. Siya lang naman ang gumagawa ng nakakatakot dito."

"Sabunutan mo na yan!"

Iyon ang mga salitang umuugong sa buong corridor.

Hanggang sa napasinghap na lang ako dahil may nag-buhos ng tubig sa ulo ko.

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon