Higanti ni Princess
Wala akong pinansin sa kanila. Hindi ko pinapakialaman ang bawat pagkatok nila sa pinto nang kwarto ko.
Nakaharap ako sa salamin. Luhaan. Nakakuyom ang mga kamay sa sobrang inis kay Eroz.
Lalo pa yatang pumangit ang buhok ko dahil sa hindi pagkakapantay ng gupit ni Eroz. Ano ba naman kasi ang naisipan nya at tinuluyan nga nyang gupitin ang buhok ko? Ang buong akala ko ay nag-bibiro lang sya. Napahikbi ako nang malakas. Bakit ba pinapakialaman nila ako?
"Princess, pagbuksan mo kami nang pinto."
"Princess, sorry na daw sabi ni Eroz. Nabigla lang sya." Boses ni Lay.
"Nabigla? Hindi noh. Bagay naman sa kanya ah." Sagot ni Eroz at tumawa.
"Eroz--"
"AAAHHH!!."
Gulat na gulat sila nung bigla kong buksan yung pinto. Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanila. Lalo na kay Eroz. Sinipa ko ang pinto nang kwarto nila kaya lalo silang nagulat. Diretso akong pumasok doon at binuhat ko ang maleta ni Eroz. Nakasunod naman sila sakin.
"Anong gagawin mo sa maleta--"
Napanganga na lang sila nung walang salitaang binuksan ko ang bintana sa kwarto at hinagis doon ang maleta ni Eroz. Halos lumuwa ang mata nila sa sobrang gulat.
"Bakit mo ginawa yun?!" Tanong ni Eroz at itinulak ako palihis sa bintana tsaka dinungaw yung kumalabog nyang maleta. Bago pa sya makalingon sa akin ay itinulak ko na din sya. Kaya naman nagsigawan yung mga kasama nya. Napangiti ako sa ginawa ko. Pero nung nainip ako sa pagkalapak nya sa lupa ay dinungaw ko sya. Ang tibay ha? Nakakapit sya sa bakal ng bintana. Tingnan ko lang kung hindi ka pa malaglag sa gagawin ko.
"Pri-Pri-princess... Bakit mo tinulak si Eroz?!" Gulat na gulat na tanong ni Hiro.
"Eroz!!" Sabay na sabi naman ni Lay at Dricks. Na napalingon pa sa akin na dinampot yung polbo (Facepowder) na nakapatong sa lamesa nila. "A-anong gagawin mo?" Nangingilabot na tanong pa nila tsaka nagpunta sa bintana at dinungaw si Eroz. Wag ka munang bibitaw Eroz! Hintayin mo ang ihinanda ko para sayo!
"Tabi dyan!" Sigaw ko kila Lay at hinatak sila palayo nang bintana. Napangiti ako nung makita kong nakahalumbitin pa rin si Eroz. Nakakunot na ang noo mukhang nahihirapan na. Mas naging masaya pa ako dahil sa nakita kong paghihirap nya.
Tumingala sya at nakita nya ako.
"Tulungan nyo ko--" nakabitiw na ang isang kamay nya at nakabitin na lang sya gamit ang isang kamay. Napahalakhak na ko.
"Eroz. Tingnan mo ko." Nakakakilabot na sabi ko sa kawawang pogi. Hindi ko pinapansin yung tatlo na halos matae na kakaisip kung ano ang gagawin nila.
Halos lumuwa yata ang mata ni Eroz nung makita nya yung face powder na hawak ko. Siguro ay dahil nagka-idea na din sya kung ano ang gagawin ko. Kitang kita din nya kung paano ko pihitin yun para mabuksan.
"A-ano...ano ....ano.." Nawala na naman ang pagkamahangin sa itsura nya. Pero impernes ha? Napaka-gwapo nya sa pagkakabitin nya. Para syang anghel na dimonyong hampas lupang gwapong nilalang.
Humalakhak pa ako sa nakikita ko. Nung buksan ko na ang powder, walang kaabog-abog na itinaktak ko yun kay Eroz. Tawa pa ako nang tawa habang ginagawa yun. Napanganga at napasigaw na lang yung tatlo. Kitang-kita ko kung paano mamuti ang mukha ni Eroz dahil ibinuhos ko lahat ng powder sa kanya habang nakabitin sya.
"Mahulog ka na! Mahulog ka naaa!"
"Eroz!!!" Nag-aalalang sigaw nung tatlo tsaka ako inilihis sa bintana.
"Pigilan mo si Princess." Utos ni Lay kay Dricks. Hinila naman ako ni Dricks at pinaupo sa kama. Masyado syang malakas kaya hindi ako makawala sa kanya.
"Bitiwan mo ko! Bitiwan mo ko! Hindi ko pa nakikitang malaglag si Eroz!!" Sigaw ko habang nag-wawala.
"Hiro, tulungan mo ako.!" Hirap na hirap na sabi ni Lay habang mukhang naabot na ang kamay ni Eroz. Agad naman syang pinuntahan ni Hiro at sabay nilang hinila si Eroz paangat.
Napanganga ako nang mailigtas sya nung dalawa. Nakapikit ang mata ni Eroz. Habang walang tigil sa pag-ubo. Mamamatay na yata! Ang saya. Ang saya saya!
"Dalin natin sa CR." Sabi ni Lay at tinulungan ulit sya ni Hiro na maibaba si Eroz.
"Bilis, baka nagkaroon ang mata nya."
"Eroz, tayo. Hilamusan mo yan agad. Lumakad ka nang maayos."
"Paano....ako.... Makakalakad...ng maayos ....kung... Nakapikit ako!!.." Sagot ni Eroz sa pagitan ng pag-ubo. Nagdidiwang ang kalooban ko. Wahahaha!
Nung maiwan kami ni Dricks ay bumunghalit ang pagtawa ko sa buong kwarto.
"Kawawang Eroz.... Hahaha. Nakita mo ba yung....itsura nya??. HAHAHAH!"
Nakapanganga na lang sakin si Dricks.
"Ibang klase ka talaga Princess.. Sa tingin mo tama yung ginawa mo?" Tanong nya.
"Oo naman. Bakit hindi?" Diretsong sagot ko at tumawa na naman. "Hindi ka ba natatawa?" Tanong ko pa sa kanya habang magkatabi kaming nakaupo sa kama.
"Sabagay.." Natigil ako sa pagtawa dahil sa naging sagot nya. Nagkatinginan pa kami at pagkatapos ay sabay na tumawa. Hinampas ko pa sya sa braso nya dahil sa sobrang saya....
Ayos din tong si Dricks ah. Plastic! Hahaha!
Hay nako. Kawawang Eroz. Wala kasing dala.
Hmp! Lintek lang ang walang ganti. (Evil laugh)
***
Sambahin si Princess sa kabaliwan nya. :D :D
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanficWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...