- My epic date...
Woah! Nakakamangha! Kung hindi ko lang talaga kilala si Hiro ay hindi ko iisipin na lalaki talaga sya. Grabe. Sobrang ganda nang kaibigan kong to kung naging babae sya.
Well, pagkatapos ng pahirapang pamimilit kanina ay sa wakas, napapayag ko din syang magpanggap na lang na babae at maging date ko ngayong gabi.
Nakakailang nga lang. Nakakadiring maging sweet sa kanya at ituring na babae talaga sya ngayon. Yuck! Nakakaasiwa.
Naka-upo na kami ngayon sa harap ng isang round table. Kasama pa ng ibang guest na dumalo sa party na to. Mabuti na lang at sumama din si Dricks, babantayan daw niya kami ni Hiro kapag nakakalimutan namin na magka date ang role namin ngayon.
"Ipakilala mo naman sa amin yung ka-date mo." Sabi ni Thea. Isa rin sa guest. Wala syang kasama at halatang matindi ang tama sa akin.
"H-ha?" Napatingin ako kay Hiro. Yuck talaga. "O-oo nga pala, si...si Skully." Tang ina. Hindi kami nakapag-isip ng magiging pangalan ni Hiro kaya skully yung nasabi ko. Ewan ko ba. Minumulto yata ako nung manika na yun dahil sa ginawa kong pag pugot sa ulo niya. Lintek namang Dricks yun, bigla na lang nagtakip ng bibig at nagpipigil sa pagtawa.
"Skully? Oh! Nice name." Sabi naman nung isang lalaki. Mukang type naman nito ang date ko. Hahaha!
"Hi Skully. Nice to meet you. I'm Thea, so matagal na ba kayong nagde-date ni Eroz? Or baka naman girlfriend ka na nya?"
Napalunok na lang ako sa sinabi nya. "Kasi kung hindi pa, at hindi ka naman pala niya nililigawan, siguro naman pwede kung isayaw nya ko mamaya."
"H-ha? Ahmm, kasi ang totoo nyan..." Hahaha! Parang gusto kong matawa sa pag-iipit ni Hiro nang boses nya. Potek!
"Ang totoo kasi nyan, ito pa lang yung tatlong beses na inaya ko syang lumabas. Plano ko na rin syang ligawan." Sabi ko na lang sa kabila nang pandidiri ko. "Excuse us, may sasabihin lang ako sa kanya." Sabi ko pa sabay tayo at hinila si Hiro sa braso.
"Eroz, hindi pa ba tayo uuwi?" Kunot noong tanong ni Hiro sa normal nyang boses. Hinila ko sya dito sa labas ng convention dahil ayoko na ring magtagal pa dun. Naiwan naman si Dricks. Sa bagay ano pa bang bago sa isang yun, e hilig talaga niya ang mga babae.
"Nakakahiya naman kung aalis tayo agad."
"Bakit ba kasi napaka-inportante nito?"
"Raket din to, hintayin lang natin si Mr. Gomez."
"Yung kaibigan ng Dad mo na direktor?" Usisa ni Hiro. "Bakit? Wag mong sabihing tatanggapin mo yung alok nya na maging artista ka?"
"Extra lang naman. Ayokong gawing priority." Sagot ko tsaka ipinamulsa ang kamay sa soot kong pantalon. "Yung ngang hindi ako artista hirap na hirap ako, yung pa kayang career'in to? No choice lang ako."
" Ewan ko sayo. Pati ako dinadamay mo. Kung hindi lang din talaga kailangan hindi ako papayag dito. Nakakadiri ka."
Natawa ako, iritang irita na kasi yung pagmumuka niya. "Mag-enjoy ka na lang. Ang ganda kaya nang pangalan mo ngayon." Nilakasan ko pa ang tawa ko. "Skully, bagay sayo."
"Tigilan mo ko tarantado ka! Ang dami daming pangalan yun pang pangalan ng manika ni Princess." Kinamot nya yung pisngi nya. Siguro naiirita na sa make up na nilagay nya sa sarili nya. Tsaka sya tumingin sa akin ng seryoso. "Si Princess nga pala? Naka-uwi na kaya yun? Saan kaya sya nag-punta?"
Inayos ko na yung suit ko. "Malay ko ba. Paki ko ba dun?" Tsaka ko sya nginisihan.
"Eroz?" Sabay pa kaming napalingon ni Hiro sa tatlong babae na lumapit sa amin ngayon. Pambihira, hugis puso na yata ang mga mata.
"Oh my! You're so hot!"
"May kadate ka ba? Sino?"
"Kung wala, pwede ako."
"Ako din. Please Eroz. Tsaka pa-picture na din." Wala na kong nagawa nung tutukan ako nang camera nung isang babae. Ni hindi nila napansin si Hiro kundi pa gumawa ng ingay.
"Excuse me..."
"Hiro???" Kapwa kami namutla ni Hiro nung sabihin yun nung isang babae. Napansin niya?? Nakilala ba talaga nya si Hiro? "Oh my gosh! Si Hiro! Si Hiro nga sya!!!." Nagtitili na yung isang babae kaya naglapitan pa sa amin yung iba. Patay! Ito na nga ba sinasabi ko.
"Hindi sya si Hiro." Sabi ko at hinarangan si Hiro. Dahil dinudumog na din. "Skully ang pangalan nya, at sya ang date ko." Natahimik naman sila pero nakatitig pa rin kay Hiro.
"Hindi ba talaga si Hiro yan? Pero kasi--~"
"Oo. Alam kong magka-mukha sila." Putol ko. "Natural dahil magkapatid sila."
Halatang nagulat silang lahat. Pero halatang hindi lahat ay kumbinsido. Nagbulungan yung ibang babae. Chance ko na.
"Excuse me. Isasayaw ko lang si Skully." Sabi ko at hinila si Hiro sa kamay. Akala ko okay na. Pero lintek pa sa lintek! Hindi pa kami nakakalayo ay natapakan ko yung gown na soot ni Hiro. Dahilan para malalag yun kasunod ang mga foam na inilagay pa ni Dricks para lumaki ang dede nya.
Nakakainis naman! Nagkatinginan na lang kaming dalawa. Nagsisigawan na din yung mga babae. Tuwang tuwa yung iba. Kilig na kilig naman yung iba at pinicturan pa si Hiro habang walang soot at nasa paanan ang pulang gown. Pero sa totoo lang, gusto ko rin matawa sa itsura nya ngayon. Pero mas kailangan na naming makaalis.
"Sabi ko na nga ba at si Hiro yan."
"Ang cute mo talaga Hiro."
"Gusto na kita iuwi!"
Dinampot ni Hiro yung gown nya at itinakip sa katawan niya. Pinag-pyestahan na kami.
"Eroz...."
"Hiro..."
"Ang gwapo niyo talagang dalawa."
Dumadami yung mga nagkakagulo kaya hinatak ko na si Hiro na nag aalis na ng hikaw at pinunasan na yung lipstick nya na kumalat pa sa pisngi nya. Tapos na ang palabas.
Sinenyasan ko si Hiro tsaka kami sabay na tatakbo. Ano pa bang aasahan? Syempre pareho na kaming hinahabol.
Habang tumatakbo kami ay nakita ko pa si Dricks na kampanteng nakasandal sa pader. Tawa ng tawa. Habang nakatutok ang cellphone sa amin.
Humanda ka sa akin mamaya.
Sa ngayon ay kailangan ko pang makawala sa mga humahabol sa amin. Nagkahiwalay kami ni Hiro. Nalaglag na naman kasi yung gown nya. Ayun! Hindi ko na hinintay.
Hahahaha
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...