Evil Eroz...

Papa... Miss na miss na kita.

"Ibaba mo na ko." Sabi ko kay Lay nung malapit na kami sa bahay ko. Pero hindi nya ginawa.

"Dumudugo na din yung paa mo. Mahihirapan ka lang maglakad."

"Ibaba mo na ko Lay." Sa unang pagkakataon ay mahinahong pagka usap ko sa isa sa mga kulugo. Huminto sya sa paglalakad at tiningnan ako. Kaya napatingin din ako sa mga mata niya.

Mahina na yung ulan at malapit na rin lumubog yung araw. Pero nakikita ko pa rin ng maayos ang makinis at basang mukha ni Lay.

Bigla na naman syang ngumiti sa akin. Ano bang meron?

"Malapit naman na tayo. Hayaan mo nang buhatin kita. Bibilisan ko na lang yung paglakad. Medyo giniginaw na kasi ako." Nakangiting sabi nya at naglakad na ulit.

Hindi ko alam pero. Parang naging komportable naman ako ng ganito. Sa kanilang apat talaga ay sa kanya lang magaan yung loob ko. Mas madali niya akong napapasunod at napapakalma.

--

Pagdating namin sa bahay ko ay mas malalim na yung gabi. Ibinaba nya ako nung nasa tapat na kami nang pinto. Ako na yung nagbukas. Sobrang nilalamig na talaga ako.

Si Lay na yung nagsara ng pinto. Lumakas na naman yata yung ulan. May kulog at kidlat na din.

"Nanginginig ka. Magpapalit lang ako saglit. Tapos ikukuha kita ng twalya tsaka linisin natin yung sugat mo." Sabi ni Lay.

~~Aaahatchuu~~ napabahing ako na halos lumobo na yata yung sipon ko. Hindi ko matingnan si Lay. Naglakad na sya at umakyat sa kwarto nya para magpalit ng damit.

"Saan ka galing?" Napa angat ang ulo ko sa tanong na iyon. Si Eroz, naka kibit balikat sya habang kunot noong nakatingin sa akin.

Naiinis ako sa kanya pero wala naman akong lakas para sungitan sya ngayon at awayin. Sa ibang araw na lang.

"Alam mo bang napahiya kami sa party kanina?" Sabi pa nya. Paki alam ko naman? Kulang pa yun. "Si Hiro nabulilyasong nagpanggap lang na babae dahil wala akong date. Dinumog na naman kami kanina ng kung sino sinong babae dun. Yung raket ko. Wala na. Naglaho na nang parang bula." Anong problema nito? Bakit nya sinasabi mga walang kwentang ayoko namang malaman?

Napabahing na naman ako at sininghot ko yung sipon ko. Wala talaga akong balak makinig sa kanya.

"Tapos pagdating ko wala ka pa rin dito? Saan ka galing? Ah, nanakot ka na naman ba sa kanto?"

Isang bahing at pag singhot na naman yung sinagot ko sa kanya. Napaka yabang talaga ng animal na Eroz na to.

"Si Auntie, tawag ng tawag. Hinahanap ka!" Hala! Sumisigaw na sya? Napahatching lang ako ulit. "Ano gusto mong isagot namin sa kanya? Na naglayas ka kasi ang arte mo? Di ka naman maganda pero may pa-walk out walk out ka pa?"

Giniginaw na ko.. Nahihilo na ko.

"Ano halimaw? Wala ka man lang bang sasabihin?!"

Matagal na katahimikan yung namagitan sa aming dalawa.

~~Aaahatchuuu~~~

"Eroz."

Napatingin kami kay Lay na palapit na sa amin. May dalang twalya na agad ibinalot sa akin nung nakalapit sya.

"Wag mo munang kausapin si Princess. Mukang hindi na maganda pakiramdam nya." Sabi ni Hiro at sinimulang lagyan ng benda yung sugat ko. Hindi ako maka imik. Bakit ginagawa ni Lay ito sa akin? Maging si Eroz ay halatang nagtataka na din sa kanya.

"At kelan ka pa natutong magkaroon ng paki alam sa halimaw na yan?" Natatawang sabi ni Eroz. "Hindi bagay sayo Pare."

Tumayo na ako para talikuran na sila. Wala akong paki alam sa kanilang dalawa. Mas lalo akong nahihilo at gusto ng matulog.

Malapit na ako sa hagdan. Ng bigla na lang magdilim ang paningin ko. Hanggang sa wala na akong makita at maramdamang nakahiga na ako sa malamig na sahig.

--

Eroz P.O.V

Nasa taas pa lang ako kanina habang naka silip sa bintana ay nakikita ko na si Lay. Buhat buhay nya si halimaw. Syempre nagtaka naman ako. Ano nangyari sa mga yun? Sinundan pala ni Lay si Halimaw kaninang umaga nung bigla na lang nag walk out.

Hindi ko naman alam kung bakit galit na galit ako ngayon. At ano ang dahilan para sabihin pa kay Princess yung mga nasabi ko. Para namang gago. Bahing lang ng bahing at singhot ng singhot kanina.

Si Lay naman, todo alaga. Nakakainis. E ang tanda tanda naman na ng babaeng to.

Bat ba puro sugat ang katawan nito at basang basa? Para namang mga gago. Alam namang umuulan. Hay!!! Ano bang paki alam mo Eroz?

Nagulat ako nung bigla na lang tumayo si Princess, aakyat na yata sa kwarto nya. Pero hindi pa sya nakakailang hakbang ay bigla syang napahiga sa sahig. Gulat na gulat kami. Hinimatay yata.

Mabilis na nagtatakbo si Lay sa kanya para buhatin sya. Napailing na lang ako. Tsaka ako naglakad papunta sa kusina.

"Bahala ka dyan." Sabi ko pa kay Lay. Oo hindi ko man lang sya tinulungan. At naghanap na lang ako ng makakain ko.

Bad Eroz...

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon