Princess P.O.V

Nasaksihan ng dalawang mata ko kung paano makipag bugbugan si Eroz kanina sa palengke.

Hindi ko inaasahan na matindi ang magiging galit niya ng makita niyang bastusin ako ng isang lalaki.

Pakiramdam ko tuloy kanina, napaka ganda ko habang ipinag tatanggol niya ako.

Nasa gate pa lang kami ng bahay ay nakita na kami ni Lay. Mabuti na lang at sinalubong na niya kami at tinulungan sa mga bitbit namin.

"Anong nangyari sa mukha mo Eroz?" Tanong ni Dricks at binalingan ako na kasalukuyang nag aalis ng takip sa mukha. "Cess, binugbog mo na naman ba si Eroz?"

Napatigil ako. Ganon talaga ang tingin sa akin ng kumag na ito?

"Ang tindi mo Princess, ano na naman ba ang pinag awayan ninyo?" Tanong naman ni Hiro na binubuklat ang mga dala namin.

Napatingin ako kay Eroz na napapangiwi pa habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

Mukhang nasaktan nga talaga siya kanina. May sugat ang gilid ng labi niya at may pasa din sa bandang noo.

Kunot noo siya ng talikuran niya kami. Kaya naman nagtataka ang mga tingin ng tatlo sa akin habang halatang ako nga ang pinag dududahan.

Sinundan ko lang ng tingin si Eroz. Habang papauwi kasi kami ay wala man lang siyang binanggit sa akin tungkol sa nangyari kanina.

Nagi-guilty ako kaya naman kinuha ko ang ice pack ko at ilang medicine kit.

Pagkatapos ay naglagay ako ng yelo doon at nilapitan ko si Eroz na nasa sala na ngayon.

"Oh.Ilagay mo to sa sugat mo." Sabi ko sabay abot ng ice pack.

Tiningnan niya ang kamay kong nakalahad. "Hindi ko na kailangan niyan!" Masungit na sabi niya.

Aba! Sino ba kasi ang nagsabi sa kanya na makipag bugbugan siya sa palengke? Hindi ba niya alam na kayang kaya kong itumba ang manyakis na iyon kanina kung hindi lang siya umeksena?!

Idinampi ko sa noo niya yung ice pack. "Hindi pwede. Kailangan yelohin mo yang bukol mo!" Kunot noong sabi ko din.

Hinawi niya yung kamay ko pero nag pumilit akong idikit iyon sa noo niya.

Hindi na niya ako pinigilan at napa ngiwi na naman siya dahil sa hapdi.

Pinag papawisan na yata ako ng butil butil habang nakalapit ang mukha ko kay Eroz.

Nakapikit siya habang niyeyelo ko ang noo niya.

Napalunok ako ng mapadako ang tingin ko sa mga labi niya.

Syet! Hindi na yata ako tatagal ng ganito ang posisyon namin.

Natutunaw na yata ako sa kagwapuhan niya.

Napalunok ako uli at tsaka ako marahang pumikit.
Sobrang lakas na kasi ng kabog ng dibdib ko, yung pakiramdam na parang may humahabol sa iyo kahit wala naman?!

Titig na titig talaga ako sa gwapong nilalang sa harapan ko. Maya maya pa, napa nganga ako ng bigla siyang dumilat.

"Ano bang ginagawa mo baliw ka?!" Singhal niya.

"Ha?" Lutang na lutang yata ako. At noon ko lang narealized na wala na pala sa tapat ng noo niya yung ice pack.

Hiyang hiya ako dahil nasa pisngi na niya iyon kung saan wala namang pasa.

Sa sobrang pag titig ko sa kanya hindi ko na namalayan ang ginagawa ko.

Inayos ko ang pag kakatayo ko at sapilitang ibinigay sa kanya yung ice pack na hawak ko.

"Ikaw na nga kasi ang mag-yelo nyan!"

Pagkatapos ay kabang kaba akong tinalikuran siya. Kinuha ko yung cotton swab at naglagay ako ng oint ment doon.

"Patingin!" Sabi ko ng lingunin ko ulit siya at hinawi ang kamay niya tsaka ko idinampi ang cotton swab sa gilid ng labi niyang may sugat.

Napapikit ulit si Eroz dahil sa hapdi.

"Pwede ba wag mong diinan?!"

"Pwede ba wag kang gumalaw!" Balik sagot ko. "At pumikit ka lang. Wag mo akong tingnan dahil kumakabog ang puso ko!"

Napa-palatak pa si Eroz at ipinikit ang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya sa mga huling sinabi ko. Pero mabuti na rin yung hindi na siya sumagot pa!

Ano ba naman kasi yang bunganga mo Princess, dire diretso! Nang matuto ka naman yatang magsalita ay nawala ka na ng preno para kontrolin ang sarili mo!

Muli kong napag masdan ang mala anghel na mukha niya.
Para akong nurse ngayon na ginagamot ang sugatan kong pasyente.

Napa ngiti na naman ako. Ano bang nangyayari sa akin at pakiramdam ko ay nag didiwang ang puso ko?

"Princess, yung laway mo!!"

Singhal ni Eroz sa akin kaya para akong nagising sa panaginip ko.

Napatayo na din siya at tiningnan ang braso niyang natuluan ko nga ng laway ko. Mukang diring diri na ngayon ang gwapo niyang mukha!

Halos lumuwa ang mata ko! Wala akong rabis pero, nag iinit ang pisngi ko sa hiya!

Baliw na ba ako talaga para hindi ko mapansin na bigla na lang akong napatulala habang naka nganga?!!

Nakaka hiya!!!

Mabilis kong pinunasan ng kamay ko ang braso niya dahil sa pagka hiya na nararamdaman ko.

Maya maya pa ay narinig ko na nag tawanan sila Dricks.

Gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko dahil nawala sa loob ko na kanina pa din sila nandito.

"Sorry." Nahihiyang sabi ko na lang kay Eroz at bago pa niya ako pagalitan ulit ay nag mamadali na akong nag tatakbo sa loob ng kwarto ko.

Napasandal na lang ako sa pinto ng makapasok ako sa kwarto at mabilis na nag lock.

"Nakaka hiya ka!" Inis na sabi ko sa kawalan sabay umpog ng ulo ko sa pinto.

"Nakakahiya ka!! Nakaka hiya ka!!!"

Napa hawak ako sa dibdib ko. Daig ko pa ang nakipag karera sa sobrang lakas ng tibok nito.

Sasabog na yata ang puso ko!

---

Hawak ko ang sketchpad ko habang nasa tabi ko si Skully.
Pinag masdan ko ang larawang naiguhit ko ng hindi ko namamalayan.

Maamong mukha ni Eroz.

Hinaplos ko pa ang papel, habang pinapakiramdaman ang tibok ng puso ko.

Ang akala ko ay nawala na ang pag tingin ko sa kanya pero habang iniiwasan ko ay mas lalo ko lang siyang naiisip.

Kumakabog ng malakas ang dibdib ko kapag nararamdaman ko na nasa tabi ko lang siya. Hinahanap hanap ng pandinig ko ang boses niyang nakaka irita minsan.

Ano ang gagawin ko?

Nahihibang na nga ba talaga ako para magka gusto kay Eroz?

Sapat na nga bang dahilan na hindi siya nawawala sa isip ko para masabing gusto ko nga siya?

Sa buong buhay ko ay hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ang ganito.

Mas mabuti pa siguro na iwasan ko na siya hanggat maaga pa. Bago pa ako ipahiya ng sarili kong damdamin at dumating sa puntong pagtawanan ako ng sino mang makaka alam.

Pero paano ko naman iiwasan ang bagay na iyon kung araw-gabi, bahay o skwelahan ay kasama ko siya?

Nilingon ko ang manika sa tabi ko.

"Skully, tulungan mo naman ako oh!"

Mababaliw na ako.!

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon