They're gone. Finally

Kinabukasan ay medyo maaga akong nagising dahil kumukulo ang tiyan ko. Gusto ko na agad kumain, kaya kahit hindi pa ako nag hihilamos ay dumiretso na ako sa kusina para mag check kung ano ang pwede kong kainin.

Pag baba ko ay tahimik ang buong bahay ko.Ganitong oras madalas nagigising ang mga kulugo kaya nagtaka ako dahil walang boses nila ang mga naririnig ko.

Baka tulog pa. O di naman ay nag-jogging na naman sila sa labas.

Tama. Baka pinaglantaran na naman nila ang mga kagwapuhan nila habang nag ja-jogging!

Ilang oras na din ang nakalipas,tapos na akong kumain at nakapag linis na din ako ng buong bahay ko ay wala pa rin sila.

Hindi ko alam kung ano naman ang nasa isip ko at bakit parang hinihintay ko silang apat.

Bitbit ang walis na panglinis, muli akong umakyat sa taas. Nasa tapat na ako ng pinto ng apat na nilikha.

Idinikit ko ang tenga ko sa pinto upang pakinggan kung may pag uusap.Ngunit tahimik.

Kaya naman pinihit ko na ang pinto at unti unti ko ng binuksan.

Pakiramdam ko ay may gumuhit na kung ano sa dibdib ko ng makita ko ang buong kwarto at ang nakaka binging katahimikan nito.

Maayos na maayos ang bawat kama, malinis na malinis at...wala na ang kahit isang maleta nila.

Lumayas na sila.

Wala sa loob ko na bumunghalit ako ng tawa.Yung tawang malakas na para na naman akong baliw. Na kung may nakaka kita sa sakin ay iisipin na namang isa akong mangkukulam.

"Lumayas na sila!" Sabi ko pa sa pagitan ng pagtawa ko. "Sa wakas! Matatahimik na ako!"

Pero unti unting nawala ang pag tawa ko,at naupo ako sa isang kama.

Masaya ba talaga ako?

Lumipas na ang mag hapon. Na parang ganitong ganito ang buhay ko bago pa dumating ang mga kulugong iyon dito sa pamamahay ko.

Himas himas ko ang tahi tahing si Skully habang naka upo ako sa gilid ng pinto ng kwarto ko.

" Skully... tayong dalawa na ulit ang magkasama."

Maya maya ay biglang tumunog ang doorbell ko. Yung doorbell na, ngayon ko na lang yata ulit nadinig.

Nagtataka ngunit parang excited akong binuksan iyon.

Pero tila dismayado ako ng makita ko si Auntie.

Bakit, may iba ka pa bang inaasahan Princess?

"Darling.." bati ni Auntie at hinalikan ako sa ulo.Good luck Auntie, dahil baka makain mo ang mga kaibigan kong kuto sa ulo ko.

May bitbit na kahon si Auntie at inilapag iyon sa sala.

Siya na din ang nag bukas at inilabas ang mga bagong uniform ko.

"Binilhan kita ng bagong uniform mo," sabi niya. "Balik school ka na bukas kaya kailangang maging maayos ka."

School.

Isa sa pinaka hate kong lugar.Hindi ako natututo. Bagkus,lagi pa akong pinagpi-pyestahan!

Hindi ako sumasagot kay Auntie hanggang sa balingan niya ako ng tingin.

"Cess, masyado ng mahaba ang bangs mo," hinawi pa niya iyon at iniipit sa tenga ko.Naiiklian pa nga ako dito simula ng gupitan ako ng hangal na si Eroz.

Wala na ulit hiblang nakaharang sa mukha ko, sa sobrang tigas kasi ng buhok ko, kapag nahipan ito pataas ay mananatili na iyon sa itaas. Hahaha!

"Pagupitan na natin iyan, hindi ka ba nahihirapan? At tingnan mo yang mukha mo. Dry na dry ang mga balat mo at hindi na rin nawala ang mga tigyawat mo sa mukha."

"Auntie-"

"Alam mo ba na dahil iyan sa bangs mo? Naiirita ang kutis mo kaya tinutubuan ka ng pimples."

"Auntie-"

"Sayang ang ganda mo Cess."

"Auntie, hindi ako maganda!" Mabilis na sabi ko at lumayo sa kanya. "Pwede bang mag-drop na lang sa klase?"

Nagulat ang itsura ni Autie, "Drop?!"

"Ayoko ng bumalik sa pag aaral."

"Ngayon ka pa ba hihinto kung kailan kaunting panahon na lang ay matatapos mo na ang college?"

"Ayoko ng mag-aral."

"Princess, hija. Ano bang nangyayari sa iyo?" May pag aalala sa boses ng Auntie ko at muling nilapitan ako. "Sa tingin mo ba gugustuhin ng Mama at Papa mo na makita kang ganito?"

Hindi ako sumagot. At nag iwas lang ng tingin kay Auntie.

"Hindi pa huli ang lahat Princess, nandito lang ako. Ako at sila Eroz, handa kaming tulungan ka na makabalik sa normal mong buhay. Yung walang kinatatakutan-"

"Wala na sila."

Napasinghap si Autie dahil sa sinabi ko.

"Pinatay ko na." Lalo yatang nanlaki ang mga mata ni Autie dahil sa sinabi ko. Kulang na lang ay atakihin.

"Princess!!"

Tsaka nag mamadaling umakyat si Auntie papunta sa kwarto ng apat na kulugo.

Pag baba niya ay tila nawala na ang kaba sa mukha niya. May kausap siya sa cellphone niya. Pinag mamasdan ko lang siya habang hawak niya ang dibdib niya.

Ako naman, parang tuod pa din sa pagkaka-tayo ko habang pinag mamasdan ko si Auntie. Napaka ganda niya, at mukhang mas bata pa kaysa sa itsura ko.

Huminga ng malalim si Autie at tiningnan ako pag katapos nyang makipag usap sa cellphone.

"Wala sila sa kani kanilang bahay nila."

Nagulat ako sa sinabi ni Auntie, mga magulang pala nung mga kulugo ang tinawagan niya.

"Alam ko naman na hindi sila uuwi, lalo na yung si Eroz. Kawawa naman ang mga iyon."

Hindi ako kumikibo. Gusto ba ni Auntie na makonsensya ako at hanapin sila tsaka ko pabalikin sa bahay ko?

Muli na naman siyang nag dial sa kanyang phone.

"Hello? Hiro!?"

Pagkatapos ng usapan nila ay nalaman namin na nandoon sila sa isa pang bahay nila Hiro. Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan niya ang Auntie ko.

"Akala ko patay na sila," bulong ko. "Sayang naman."

"Paano ka na ngayon? Mag isa ka na naman dito."

Kunot noo lang ako kay Auntie.

"Gusto mo bang samahan muna kita dito kahit ngayon lang?"

"Ayoko. Kaya kong mag-isa."

Hanggang sa napabuntong hininga na naman si Auntie na parang hindi na alam kung ano pa ba ang maaari niyang gawin sa pamangkin niyang sira ulo!

Mag isa. Mas masaya. Mas tahimik.

Pag alis ni Auntie ay umakyat na ako sa kwarto ko at isa isa kong hinagis sa cabinet ang mga uniform na dala niya.

Bakit ba kasi kailangan pang pumasok?!!

Hanggang sa makatulog na ako ay ang pag-pasok pa din sa skwela ang laman ng isip ko.

Bakit nga pala ngayon ko pa pino-problema iyon? Ngayong simula't sapol naman ay wala naman nagtatakang lumapit sa akin dahil sa takot nila.

Tama Princess....Relax!

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon