Come back of handsomes...
Sabay kaming umuuwing apat, mula ng umalis kami sa bahay ni Princess ay doon kami nakitira sa isa pang bahay nila Hiro.
Walang bayad, pero nakaka hiya naman dahil napaka matobre naman ng Mommy niya.
"Tara na,umuwi na tayo. Siguradong hindi sasabay si Lay." Iritang sabi ko sa dalawa. "Siguradong sinundan non yung babaeng may sayad sa utak."
"Hindi mo ba ko nadinig kanina?" Si Dricks.
Kaya naman binalingan ko ng tingin si Hiro. Halatang nahihiya siyang mag salita kaya inakbayan ko na lang siya.
Alam ko na din na darating sa ganito dahil nag aaway ang pamilya niya ngayon.
Naka dagdag pa kami na tatlong nakikituloy sa bahay nila.
Si Lay,natuloy nang bumalik sa Japan ang mga magulang niya.Si Dricks naman, sabi nga niya palagi,kahit san siya magpunta ay makaka-survive siya dahil sa dami ng babae niya.
"Ayos lang yan. Maghahanap na lang tayo ng murang paupahan. Pag hati hatian na lang natin." Sabi ko,pero syempre nalulungkot ako. Takot akong magutom at ayokong mawalan ng pera.
"Kung umuwi ka na lang sa bahay niyo, o kaya magpatulong ka sa Daddy mo?" Suhestiyon ni Dricks.
"Ayos ka lang? Yan ang hinding hindi ko gagawin. Lalo pa ngayon na may gusto na namang ipakilala sa akin, yun daw ang pakakasalan ko pag pwede na."
"Madali lang yan, edi pag panggapin ulit natin si Hiro na girlfriend mo."
Sabay sabay kaming natawa dahil sa biro ni Dricks at naalala din namin yung epic date ko dati.
"Pasensya na kayo ha?"
Malungkot na sabi ni Hiro. "Nahihiya na din ako sa bahay, kaya kahit ako gusto ko na lang umalis para hindi nila sinasabi na wala akong alam sa buhay.""Ano ka ba, okay lang yun. Isa pa, kaya natin to basta sama sama tayo."
"Tama. Pwede naman tayong mag part time job kapag walang pasok."
"O kaya naman, tanggapin mo na yung isa pang alok ng parents mo na mag artista ka Eroz, kapag nangyari na yun pare pareho na tayong yayaman."
"Ikaw na lang kung gusto mo."
Habang naglalakad kami ay nakita namin si Noi na nagtatakbo palapit sa amin.
"Buti nakita ko kayo." Hingal na hingal na sabi niya. "Nasaan si Princess?"
"Bakit sa amin mo hinahanap?" Tanong ko.
"Kasama siguro ni Lay."
Biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Noi.
Maya maya ay dinukot niya ang cellphone niya sa bag niya at may tinawagan.
"Auntie Ysabelle, nakita ko na po sila. " sabi ni Noi sabay abot ng cellphone sa akin.
Nabigla ako pero kahit nagtataka ay sinagot ko iyon.
"Auntie?"
---
"Okay lang sakin na bumalik sa bahay ng pamangkin mo Auntie, pero hindi na ako pabor sa dati mong plano na gawin siyang normal na babae."
Sabi ko kay Auntie Ysabelle. Pagkatapos ko siyang maka usap sa telepono ay pinapunta niya kami sa restaurant na ito.
Syempre, kaibigan niya ang mga magulang namin at nasabi ng mga iyon ang kalagayan naming apat ngayon.
Malamang sa ibinilin na naman nila kami kay Auntie.
Nagugutom na ako kanina, kaya nung sinabi ni Auntie na sa restaurant namin na ito siya puntahan, hinila ko na agad yung tatlo.
Si Lay? Malay ko ba kung nasaan yun? Baka nga kasama ni Princess.
"Bakit ba kasi pinipilit mo siyang mag-bago? May sarili siyang buhay at isa pa, matanda na siya kaya wag na lang natin siyang paki alaman."
"Hoy Eroz, ayusin mo nga yang pananalita mo kay Auntie Ysabelle." Sabi ni Dricks na kalmadong naka-upo. "Napaka walang modo mo talaga kahit kelan, wala kang pinipiling kausap."
Narinig ko na napabuntong hininga si Auntie sa tabi ko.
"Boys, hindi niyo ako naiintindihan-"
"Talagang hindi Auntie." Singit ko agad kaya binatukan na ako ni Hiro.
"Makinig ka nga muna!"
"Oo na!"
"Maganda at mabait na bata ang pamangkin ko. At alam ko na may pag asa pa siya. Nagka ganyan lang siya mula ng mawala ang mga magulang niya."
"Bakit hindi na lang ikaw ang tumira kasama siya?" Tanong ko. Ganito talaga ako makipag usap kay Auntie, pero alam kong sanay na sila sa akin.
"Noong bata pa siya, ako ang kasama niya pero simula ng magka isip na siya ipinilit niya sa akin na iwanan ko na lang siyang mag isa sa bahay niya. Magpapakamatay daw siya kapag hindi ko ginawa."
Napakunot noo ako sa sinabi ni Auntie, wala talagang utak ang babaeng iyon.
Hindi ba niya naiisip na ang sarap sarap mabuhay?
"Kaya naisip ko na iparenta ang ibang kwarto sa bahay niya, para magkaroon siya ng makaka sama dahil nag aalala ako sa kanya. Pero, walang tumagal kahit isa."
"Sabi ko na nga ba. Sino naman kasi ang tatagal kasama siya? Nung unang dating namin sa bahay niya, kulang na lang ay patayin niya kaming apat."
Sang ayon ako sa sinabing iyon ni Hiro.
"Dahil wala naman na kayong choice, at wala na kayong ibang mapupuntahan. Sa inyo ko na ibibilin ang pamangkin ko."
"Hay! Heto na naman tayo Auntie" si Dricks.
"Kalimutan niyo na ang misyon niyong gawin siyang normal na babae."
"Talaga Auntie?" Galak na galak na tanong ko.
"Pero, gumawa kayo ng paraan para sa renta ninyo at huwag na huwag niyong hahayaan na may mangyari masama sa pamangkin ko."
Laglag ang panga ko dahil sa sagot ni Auntie. Akala ko pa naman....pero mas okay na din siguro iyon, kaysa naman kung saan pa kami tumira.
"Okay! Deal!" Masiglang sabi ko. "Pag hihirapan ko na lang ang ibabayad ko para sa renta. Lagi namang nakakulong si Princess sa nakaka suklam niyang kwarto, kaya wala na akong problema."
"At isa pa, at higit sa lahat gusto kong itrato niyo ng maayos at respetuhin si Princess dahil babae pa din siya." Nanlilisik ang mga matang sabi ni Auntie kaya naman nginitian ko na lang siya ng pilit.
---
Pagkatapos naming mag-usap ay umuwi kami agad sa bahay ni Hiro para kuhanin ang mga gamit namin.
Pansamantala akong hindi makapaniwala na babalik na naman kami sa bahay ng halimaw na iyon.
"Sigurado ba kayo? Buo na ba ang desisyon ninyong bumalik tayo doon?" Si Hiro na mukhang hindi pa buo ang loob.
"Bahala na. Mabait naman si Princess basta wag natin siyang guguluhin." Sagot naman ni Dricks. "Si Lay kaya?"
"Hayaan mo siya, sabi naman ni Auntie, siya na ang kakausap ulit kay Lay."
"Sabagay. Hay naku!! Heto na naman tayo. Ano na naman kaya ang mangyayari at ano ang aabutan natin sa bahay niya?"
Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawa habang patuloy ako sa pag aayos ng gamit ko.
Bahala na, ang importante masarap namang mag luto si Princess kahit na ganoon ang itsura niya.
Hindi ko po-problemahin ang pagkain ko.
***
Food is life.
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanfictionWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...