(Dedicated to JeanS58 & kennethzki04
Sa bawat pag lipas ng araw, napapansin ko na nagiging magaan na sa loob ko at nagiging komportable na ako sa kanilang apat.Madalas, nakakapag salo-salo na kami sa hapag kainan. Syempre, palaging ako pa din ang nag luluto dahil wala ka namang talagang aasahan kahit isa sa kanila pag dating sa kusina.
Napapansin ko na hindi na rin ako masyadong naiilang kapag matagal ko silang nakaka usap.
Siguro nga, ganoon ang epekto kapag nagtatagal kayong magkakasama sa bahay.
At sa kanilang apat, pinaka gusto ko ang ugali ng cute na si Hiro. Sa sobrang takot kasi niya sa akin, kahit anong iutos ko sa kanya ay sinusunod niya.
Pinaka mabait at maalalahanin namin si Lay, simula't sapol nararamdaman ko na ginagawa niya ang lahat para mapalapit ang loob ko sa kanila.
Pinaka nakakainis? Walang iba kundi si Eroz! Siya ang pinaka ayaw kong nakaka usap ng matagal dahil paiba iba ang mood niya. Ganon naman siya simula ng makilala ko.
May time na sobrang sweet niya, at may time naman na isusumpa mo dahil sa kahayupan ng ugali.
Isang araw ay naglilinis ako ng bahay ko. Masiglang masigla ako dahil mukhang wala silang apat.
Tahimik. Mas magaan sa pakiramdam.
Pagkatapos kong linisin ang buong sala ay ibinalik kong muli ang mga makakapal na kurtina na inalis nila.
Mas gusto ko talaga kapag madilim ang paligid ko.
Ng makaramdam ako ng uhaw ay nagpunta ako sa kusina, pagkatapos kong uminom ay napansin kong wala na kaming stocks na pag kain.
Mamalengke na lang ako mamayang hapon o bukas ng umaga.
Nagke-crave din ako sa mga chips at wala na ding soda sa ref.
Maya-maya, nagtaka ako ng may marinig akong mga boses. Naglakad ako at nagtungo ulit sa sala.
Nakita ko si Dricks na nag-sasara ng pinto at nanlaki ang mata ko ng makita ko na may kasama siyang isang magandang babae.
Hindi pa nila ako napapansin dahil busy na sila sa paglalampungan.
Walang hiya ka talaga Dricks. Hanggang sa bahay ko ba naman ay nag dadala ka ng babae?
At teka, mukhang iba pa yun sa babaeng nakita ko din na dinala niya dito noong isang araw.
Naririnig ko ang malambing na pagtawa ng babae habang tila binubulungan siya ni Dricks. Napata likod na lang ako ng maghalikan sila.
Pambihira ka talaga Dricks!
"Alam mo ba na ikaw ang pinaka magandang babae sa aking mga mata?" Napataas ang kilay ko sa boses ni Dricks.
Napaka mapang akit talaga niya. Na kahit sinong babae ay mahulog sa kanya.
Tumawa yung babae na halatang kinikilig.
"At ikaw pa lang din ang nag iisang babae na dinala ko dito sa bahay."
Sa sinabing iyon ni Dricks ay hindi ko napigilan ang masamid.
Sinungaling talaga ang babaerong ito.
Noong isang araw lang ay halos maghabulan kami dahil nahuli ko din siyang may babaeng dinala sa bahay ko.
Kaya naman gulat na gulat sila pareho at natigil sa pag lalampungan ng makita ako.
Inalis ko lang ang tila pag bara sa aking lalamunan at namaywang sa kanila.
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
Fiksi PenggemarWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...