Ilang araw akong hindi lumabas ng kwarto ko simula nang laitin na naman ako ng Eroz na yun. Nagtitimpi na lang talaga ako sa kanya.Minsan tuloy napapaisip ako kung bakit ba kasi kailangang dito sila tumuloy sa bahay ko. Siguradong may mas malalim na dahilan.
Hindi ko naman sila maaaring tanungin. Ayoko dahil nabubwiset ako sa kanila.
Ilang araw na din akong hindi nakakatulog ng maayos simula nang dumating sila dito sa bahay ko.
Hindi ba nila naisip na hindi lang sila ang tao dito? Hindi din ba sumagi sa isip nila na nakikitira lang sila?
Ang mga yun! Ang kakapal!
Pero bago ang araw na ito ngayon. Dahil nagising ako hindi dahil sa ingay. Kundi sa paninibago dahil sa sobrang tahimik.
Bumangon ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay tila may nag-udyok sa akin para buksan ang kwartong inaakupa nang mga lalaki.
Para nga silang timang, pwede naman magtig-iisa, bakit kailangan pang mag siksikan sa isa?
Dahan dahan kong sinilip yung kwarto nila. Napangiti ako dahil walang mga kulugo doon.
Nagmamadali akong bumaba, magagawa ko na ang gusto ko nang malaya.
Walang sagabal. Walang epal.
Pagbaba ko ay nagpunta agad ako sa kusina para tingnan kung ano ang pwede ko lutuin para sa sarili ko.
Pero natigilan ako at napanganga nang makita ko ang sandamakmak na kalat sa buong kusina ko.
Nagkalat ang mga basura, lata, plastik, may kamatis pa nga sa sahig na napisak.
Tambak din ang hugasin sa lababo. Halos langawin na ang kusina ko. Nawalan tuloy ako nang gana.
Nag-uusok na yata ang tenga ko dahil sa inis. Hindi ba sila marunong maglinis?
Kaasar ha? Sanay ako na dumudumi nang sobra ang bahay ko pero hindi ang iba pang parte nito. Lalo na ang kusina at sala ko.
Wala akong nagawa kundi linisin ang buong bahay ko. Nasaan kaya sila? Sana naman ay lumayas na.
Pagod na pagod na ko pero nilinis ko pa din yung sala. Nagkalat din ang ilang gamit nila kaya hindi na ako nag dadalawang isip na isilid yun sa trashbag.
Wala akong pakialam kahit na mukhang ginagamit pa nila yun. Nakita ko pa yung cellphone sa sofa, pinindot ko yun kaya nalaman kong kay Eroz yun.
Nakumpirma ko tuloy na hindi pa sila lumalayas, pero nasaan kaya sila?
Sa sobrang pagod ko ay naupo ako sa sofa. Isinandig ko ang ulo ko dun at napapikit.
Pagod na pagod ako. Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil may tumatapik sa pisngi ko.
Pagdilat ko nang mga mata ko ay nasilaw agad ako sa gwapong mukha ni Eroz.
"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya dahil sa pang-iistorbo nya.
Nasa likuran naman nya yung tatlo pang kulugo.
"Nasaan yung cellphone ko?" Tanong ni Eroz.
"Anong malay ko? Bakit sakin mo tinatanong?"
"Dahil ikaw ang naiwan dito."inis na sagot ni Eroz.
"O ngayon....Aray!"
"Tabi dyan." Bigla nya akong hinatak at itinulak kaya napatayo ako.
Tiningnan nya kung nasa kinauupuan ko yung hinahanap nya. "Nasaan ba kasi?"
"Bakit sakin mo tinatanong?"
"Tigilan nyo na nga yan." Sabi ni Lay. "Mabuti pa ay pagriringin ko na lang yung cellphone mo Eroz. Wag mo nang sigawan si Princess."
Nung tumunog yung cellphone ni Eroz ay sinundan nila kung saan nagmumula ang tunog.
Hanggang si Eroz mismo ang makakita sa hinahanap nya.Sa basurahan. Galit na nilingon nya ako at sinugod.
"Ikaw ba nagtapon nito?! Sigaw niya sarakin.
"Nakakalat e." Sigaw ko din.
"Pambihira kang pangit ka. Hindi mo ba naisip na importante to ha?"
"Importante pala. E bakit nakakalat ha? Kapal nyo rin ah. Ako na nga ang naglinis ng bahay ko dahil sa mga kalat nyo tapos ganyan pa kayo imbes na magpasalamat? Lalo ka na Eroz. Sumosobra ka na!"
"Bahay mo naman toh, dapat lang na ikaw ang naglilinis!"
"Ang kapal talaga nang mukha mo. Hindi ako katulong dito Eroz. Hindi ako Yaya dahil bahay ko toh."
"Eroz. Ang init ng ulo mo."sabi ni Dricks at nilingon ako. "Pasensya ka na Princess. Salamat din sa ginawa mo. Promise maglilinis na kami simula ngayon."
"Dapat lang! Dahil kung hindi ay palalayasin ko kayo. Tandaan nyo na bahay ko to. Dapat makisama kayo. Oo nga pala, isang linggo lang kayo dito maliwanag? Dahil ayokong nakikita ang mga pagmumukha nyo!"
"Si Auntie Ysabel ang kausap namin hindi ikaw. At dalawang buwan kami dito." Sabi ni Eroz.
"Bahay ko to. Hindi kay Auntie.!"
Tumawa si Eroz. Kainis ha?
"Bakit? Kung ayaw mo kaming kasama, lalo namang ayaw kitang kasama. Kung hindi lang kailangan Princess hindi ako magti-tyaga dito kasama ka. Kung hindi ko lang kailangan--"
"Eroz. Tama na yan. Sobra ka na." Awat ni Lay sa kanya.
Naguluhan naman ako. Ano yung sinabi nyang kung hindi lang kailangan?
May kapalit ba ang pagtira nila dito? Sinabi na nga bat may hindi ako alam.
Pero ayoko na munang intindihin dahil naiiyak na naman ako. Parang kinurot ang puso ko dahil sa sinabi ni Eroz.
Lagi na lang masakit ang lumalabas sa bunganga nya!
"Ah! Whatever!" Sabi ni Eroz at tinalikuran na kami. Walang hiya talaga yun. Madapa sana sya.
"Pasensya na Princess." Sabi ni Hiro.
"Wag nyo akong kausapin!" Sigaw ko sa kanila at naluluhang nagtatakbo paakyat sa kwarto ko.
Mga walang utang na loob!
Konti na lang talaga ay palalayasin ko na sila.
Alam nyo yung pakiramdam na sinisigawan ka sa harap ng mga lalaki? Hindi lang lalaki dahil mga gwapo sila. Sobrang hirap.
Hindi ako sanay ng ganun kaya naiiyak ako tuwing kakausapin ako ni Eroz ng ganun.
Ano ba kasi nangyari? Auntie Ysabel please. Bumalik ka na....
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
Hayran KurguWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...