Nasa isip ko ang mga sinabi ni Noi, hanggang sa makauwi ako sa bahay ni Princess. Inabutan ko yung tatlo kong kaibigan sa sala.Maayos na din ang bahay at wala na na yung mga nasirang gamit, mabuti na lang at maaasahan ko ang mga kaiabigan ko.
"Kamusta si Princess?" Tanong agad ni Lay.
Pero ang napag tuunan ko agad ng pansin ay ang mga gamit ni Princess na nakapatong sa center table sa sala.
May mga photo album doon at may basag na picture frame, picture ni Princess noong bata pa siya at picture ng Mama niya.
"Siguro kung marunong mag ayos si Cess, ganyan na ganyan din ang itsura niya." Sabi ni Hiro na nakatingin din pala sa tinitingnan ko.
Tama naman siya. Magka mukhang magka mukha nga talaga si Princess at ang magandang Mama niya.
"Naibalik na lahat ng mga nanakaw sa kwarto ni Cess." Si Dricks. "Grabe noh? Sino naman ang mag aakala na napaka dami palang alahas at ginto ni Princess?"
"Okay lang yun, ako inasahan ko na yun, baka sa Mama niya ang lahat ng iyon." Sagot ni Hiro. "Ang hindi ko inaakala ay mayroon palang walk-in closet si Princess. Ang luwang, nahirapan talaga akong linisin yun."
"Tama." Si Lay. "Mas nagulat ako sa dami ng laman noon. Sayang yung mga sapatos at magaganda niyang damit dahil nakatambak lang."
Nakikinig lang ako sa mga kaibigan ko. Habang nag kukwentuhan sila.
"Pwede mo na bang sabihin sa amin kung ano ang problema mo Eroz?" Napa tingin ako kay Lay. "Kamusta kayo ng Daddy mo?"
Napa hinga ako ng malalim ng maalala ko yun."Ipinakilala niya ako sa anak ng kaibigan niya. Yun daw yung babaeng papakasalan ko kapag tapos na ko sa college." Paliwanag ko. "Gusto niyang bumalik na ako sa bahay. At isa pa may kasunduan na sila ng pamilya nung babae na mangyayari ang kasal kapag okay na ang lahat."
"Ibang klase, mahirap kumawala kapag ganyang arranged marriage, Eroz."
Hindi ako sumagot pero sang ayon ako sa sinabing iyon ni Dricks.
"Kamusta yung babae? Magand ba?"Tanong pa niya.
Wala akong paki alam kahit maganda siya o ano. Basta ayoko sa kanya.
"Simula bukas, ita-transfer na siya sa school natin. Emy Rose ang pangalan niya."
"Ano? Teka, wag mong sabihin na magiging kaklase pa natin mismo yan?""Mabuti na nga lang at hindi. Sa ibang section sa mapupunta kaya ok na ako dun."
Gusto kasi ng mga magulang namin na hanggat hindi pa daw mangyayari ang kasal ay magkakilala pa kami ng husto.
Baka daw sakaling madevelop ang nararamdaman namin para sa isat isa.
Bagay na nasisiguro ko naman na hindi mangyayari kahit kelan."Wag niyo ng isipin yun." Masiglang sabi ko at tumayo na para umakyat sa kwarto ko namin at magpahinga. "Oo nga pala, wag niyo na din alalahanin si Princess dahil ok na siya. Baka nakakalimutan niyo na matigas pa sa bakal ang bungo ng halimaw na yun."
"Mabuti naman kung ganon." Si Hiro. "Pero Eroz ang astig mo kanina, lalo na nung binuhat mo si Princess."
Bigla akong nag-iwas ng tingin.
"Alam niyo ba, nakikita ko kay Princess na malaki na talaga ang ipinag bago niya." Si Dricks ulit yung nag salita. "At mukhang may iimproved pa siya. Ano kaya kung ituloy pa rin natin yung misyon natin nung una na gawin siyang normal na babae?"
"Sang ayon ako." Napatingin ako kay Lay na nag taas pa ng kamay. "Kahit walang kapalit."
Nag taas na din ng kamay si Hiro. "Ako din. Mabait si Princess at nasanay na ako sa ugali niya, kaibigan na natin siya dahil matagal-tagal na din natin siyang nakaka sama at hindi biro ang mga ginagawa niya sa bahay para sa atin. Kaya gagawin ko din lahat ng makakaya ko."
Napa nga-nga na lang ako habang tinitingnan ang mga kaibigan ko. Maya maya ay natawa na lang ako.
"Ano pa ba'ng magagawa ko?"
Nag angat balikat na sabi ko na lang at tinalikuran ko na sila.
---
Pag akyat ko sa kwarto naming apat ay naupo ako sa kama ko. Naihilamos ko pa ang kamay ko sa mukha ko.
At tsaka napatingin ako sa kamao kong may sugat. Naalala ko yung ginawa kong pag suntok sa pader nung makita ko na halos mawalan na ng malay si Princess dahil sa insidenteng nangyari kanina.
Aaminin ko, natakot ako kanina habang nakikipag sagupaan sa mga masasamang loob na iyon.
Pero mas natakot ako ng makita ko si Princess na nahihirapan. Kaya sobrang bumunghalit ang matinding galit ko sa mga masasamang loob na iyon na halos patayin ko sila ng suntok.
Naalala ko din nung binuhat ko siya sa sahig.
Ligtas ka na.
Paulit ulit kong naaalala ang sinabi kong iyon kay Princess bago namin siya maitakbo sa hospital.
Mabuti na lang pala at naisipan kong umuwi. Kung hindi, baka kung ano na ang nangyari sa kanya.
Ilang beses na rin ako pinapa-kaba ng babaeng yun. Kung hindi na-bully ay nababastos naman. At ito na yata ang pinaka malalang nangyari sa kanya.
Paano na lang kung wala ako? Kami ng mga kaibigan ko?
Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko ang mga sinabi ni Noi. Kung paano niya ipag diinan sa akin na isa akong hambog at maka sarili.
Sa unang pagkakataon ay gusto kong protektahan si Princess.
Malaki na talaga ang ipinag bago niya. Nakikipag tawanan at kulitan na din siya sa amin kung minsan.
Hindi tulad dati na palagi na lang naka kulong sa kwarto niyang daig pa ang tahanan ng multo.
Naalala ko din yung sinabi ni Hiro dati nung minsang sabay sabay kaming kumain.
Hindi lang kami basta basta magka-kaklase at magkakaibigan, isa rin kaming pamilya!
Tama. Hindi lang naman DNA ang basihan ng pagiging pamilya. Kundi pagmamahal.
At sa bahay na ito, kasama ang wirdong babae. Aaminin ko na.....nabubuo ang pag mamahal na iyon bilang isang pamilya.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Tsaka ako tumayo sa kinauupuan ko at nag tungo ako sa bintana.
Ang bahay na ito ay hindi lang basta parentahan. Ang bahay na ito ang nagtuturo sa akin kung paano magpa halaga.
Kung sana lang ay nararamdaman at natutunan ko iyon sa mismong bahay namin.
Pero, ganon naman talaga diba?
Sabi nga nila, hindi mo makukuha ang lahat ng sabay.
Wala namang perpekto...
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanficWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...