Eroz P.O.V

"Pabayaan niyo na kaya?" Nang hihinang suggestion ni Hiro ng makababa na ako.

"Mukhang wala na yata talagang pag-asa si Princess." Maiyak iyak na sabi ni Dricks. "Pati tuloy ako nawawalan na din ng pag-asa para sa kanya."

Si Lay naman ay nakatingin lang sa aming tatlo. Napa buntong hininga ako. Ano pa ba ang pwede kong gawin para mapapayag siyang sumama sa amin ngayon?

Ilang oras na lang ay mag aalas sais na.

Pumayag akong pumunta sa imbitasyon ni Emy Rose dahil maraming libreng pagkain don.

Biro lang, pinag bigyan ko siya dahil palagi ko na lang siyang dinededma at nilalagpasan kapag gusto niya akong maka usap.

Napaka hinhing babae ni Emy Rose, malayong malayo siya sa kilos ni Princess tuwing nakikita ko siya sa campus.

Ang hindi ko lang gusto ay palagi niyang kasama ang mga babaeng tinatawag ni Princess na clone girls.

Mayaman yung pamilya niya, at madami na din siyang kaibigan sa campus. Ewan ko nga, may mga pag kakataon kasi na kapag nakikita ko siya ay parang may pakiramdam ako na nagkita na kami dati o matagal ko na siyang kilala bago pa siya ipakilala sa akin ng Dad ko.

Ang labo talaga, pero ano naman ang point kung ganoon na nga?

At heto pa, yung ibang studyante naka buo pa ng pangalang itatawag sa amin ni Emy Rose.

Sila daw ang team "EmRoz".

Ang baduy! Kumalat na din kasi sa campus na fiance ko daw siya. Bagay na hindi ko naman matiyak kung sino ang nagpa-kalat.

"Tara na ba?" Tumayong tanong ni Dricks sabay sulyap sa suot niyang relo. "Baka madaming chicks dun."

Bigla naman siyang binato ng unan ni Hiro. "Wala na ba talagang laman ang kokote mo, kundi babae? Akala ko ba mag seseryoso ka na kay Noi?"

"Wala pa naman akong sagot na nakukuha kay Noi kaya-"

Biglang tumayo si Lay kaya napatigil sa pagsasalita si Dricks.

Pero wala naman siyang sinabi bagkus, naglakad lang ito paakyat sa kwarto.

Napabuntong hininga na lang ako.
Tuwing usapan si Noi, palagi na lang parang may tensyon sa dalawa.

"Ano Eroz?" Napabaling ang tingin ko kay Hiro. "Iwanan na natin si Princess."

"Wag na lang tayong tumuloy." Walang ganang sagot ko.

"Ano? Pero hindi naman pwede yun. Naka oo ka na sa fiance mo at siguradong hihintayin ka niya."

"Walang matatawag na fiance hanggang hindi engaged ang dalawa." Isinandal ko ang ulo ko sa head board ng sofa. "Tama, kung gusto niyong tumuloy, kayo na lang."

"Princess, Lay.."

Agad akong napa tingin sa direksyong tinitingnan nung dalawa. Medyo nagulat ako dahil nakita ko si Lay at Aswang na bumababa na sa hagdan.

Napakunot noo din ako ng tuluyan na silang makalapit sa amin.

"Tara na." Naka ngiting sabi ni Lay sabay akbay kay Princess na bigla na lang nanlaki ang mata sa pagka gulat dahil sa ginawa ni Lay.

Ang arte naman ng babaeng ito! Kanina nung ako ang umaaya sa kanya, akala mo kung sinong mag matigas!

Palagi na lang si Lay ang nakakapag paamo sa kanya.

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon