And he's back...
Hinila na ako bigla ni Dricks, at dahil naka-pa-nga-nga pa ako ay wala na kong nagawa kundi ang mag-patangay sa kanya.Sumunod naman yung dalawa sa amin.
Paglabas namin ay nasa tapat na nang bahay ko ang sandamakmak na kababaihan. Pigil pigil nila si Lay na parang pagod na pagod na. Hindi ko tuloy maiwasan na wag makaramdam ng awa para sa kanya.
Sumama bigla yung itsura nang maraming kababaihan nung makita nila ako. Hinimatay pa nga yata yung iba.
"Yan? Yang babae ba na yan ang girlfriend mo kamo?"
"Anong ginawa mo kay Lay, bruha ka?"
"Hindi kami naniniwala na girlfriend mo nga babaeng yan! Hoy ikaw! Umamin ka nga. Ano bang ginawa o pinakain mo kay Lay para sabihin nyang girlfriend ka nya?" Tanong ng ibat ibang babae sa akin. Teka, dapat ko ba silang sagutin? Napatingin ako kay Lay na nakatingin pala sa akin.
Yung mga tingin nya. Parang nakikiusap na tulungan ko sya. Anong tulong naman ang ibibigay ko sa kanya.?
"Bakit, kasama mo pati si Dricks at Hiro sa iisang bahay?" Tanong pa nang isang babae na maluhaluha na yata. "My god! Anong ginawa mo sa kanila? At sino ka ba?"
"Mangkukulam yata ang babaeng yan. O kaya ay ginayuma nya ang mga crush natin. Kawawa naman sila."
Ang OA naman talaga nila. Sarap pakainin ng bubog.
"Walang ginawa sa amin si Cess, kami ang may gusto na tumira dito kasama sya." Sagot ni Hiro.
Lalag ang panga nang karamihan. Maging ako ay nabigla sa sagot ni Hiro. Lumapit pa sya sa akin at inakbayan ako. Kaya halos lumuwa na ang mga mata nila.
"Malandi ang mangkukulam na yan. Pano naman mangyayari na...na ginusto nyong tumira kasama yan..."
"Hindi kami naniniwala, siguradong may masamang ginawa sa inyo ang babaeng yan!"
"Hindi kami papayag! Ang dapat sa kanya kalbuhin at pakuluan. Ambisyosa ang babaeng yan! Hoy!! Alisin mo ang sumpa sa mga crush namin."
Ngayon lang talaga ako nakakita nang mga ganitong klase ng mga babae. Sobrang OA naman ng mga to. Ano bang sasabihin ko?
Inalis ko yung kamay ni Hiro na nakaakbay sakin, tsaka ako nag-lakad palapit sa mga babaeng naka-kapit kay Lay. Natahimik sila at parang natakot ng sobra sa akin. Wala akong pakialam! Ang sasakit ng mga sinasabi nila. Akala mo kung sinong maiinam! Hindi naman ako nakikipag magandahan sa kanila dahil alam kong wala akong laban. Hahayaan ko na sana sa kanila si Lay pero naaawa naman ako sa kanya. Sasakyan ko na lang sila Hiro para makaganti na din kahit papaano sa mga babaeng ito. Ang sasakit kaya nang mga sinabi nila. Wow! May paki alam na 'ko ngayon.
"Bakit?" palabang sabi nung isa. "Alisin mo ang gayuma sa mga lalaking yan! Walang hiya ka!" Sigaw pa nya habang parang lalong humihigpit ang kapit sa braso ni Lay.
Itinaas ko lang ang ulo ko para makatingin ng diretso sa kanya. Tsaka ko hinawi ang napakahaba kong buhok na tumatabing sa mukha ko. Kitang kita ko yung itsura ng mga babae. Parang takot na takot talaga sila. Yung iba halatang nandidiri.
"Naniniwala kayo sa kanya? Hindi magiging girlfriend ni Lay yan. Ang pangit nya! Puro tagyawat at butas ang mukha!"
"Yuck!"
"Mukhang ang baho pa nya!"
"Tigilan nyo na nga yan!" Lahat kami ay napatingin sa pinang-galingan ng boses. Napa-nga-nga ako nung makita ko kung sino yun. Si Eroz. Nakasandal sya sa gate at naka-pamulsa ang mag-kabilang kamay. Habang nasa tabi nya ang isang malaking maleta.
Naguguluhan ako. Parang kanina lang kausap pa sya sa telepono ni Hiro.
Yung mga babae naman ay nalipat ang atensyon sa kanya. Halos mag puso na ang mga mata nila. Naka-tingin lang din yung mga kaibigan ni Eroz sa kanya!
Nag-lakad na si Eroz at nung nasa tapat na sya ni Lay at nung mga babaeng naka-palibot dito ay bigla nyang hinila si Lay. Dahilan para makawala sya sa pagka-kakapit ng ilang babae. Pagka-tapos ay ang paharap akong inakbayan ni Eroz.
Nanlaki ang mga mata ko dahil halos hilahin na nya ako. Wala tuloy akong nagawa kundi mapalakad ng patalikod. Habang naririnig ko ang pag-singhap ng mga babae. At nag-simula na naman akong batuhin ng mga pangit na salita. Hindi sila maka-paniwala na pati daw si Eroz ay nagawa kong gayumahin, kulamin o kung ano man ang tawag nila don.
Nung makarating kami sa tabi nila Hiro at Dricks ay ibinato ako ni Eroz kay Hiro. Gago to ah!
"Ipasok niyo nga yang babae na yan!" Mahinang sabi nya kay Hiro. Napaka-yabang talaga!
Napa-sunod na lang ako kay Hiro nung hawakan nya yung kamay ko at akayin ako papasok ng bahay. Hindi ko na tuloy alam kung ano yung mga sumunod na nangyari sa labas. Tsaka naguguluhan ako. Nahihilo na ko sa mga gulong ginagawa ng apat na to!
***
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanficWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...